Kabanata 29

399K 9.2K 5.5K
                                    

Kabanata 29

"BABE! Faster!" Napatayo ako sa kama sa sigaw ni Dash sa labas. Tumakbo ako palabas ng kwarto at naabutan ko siya sa loob ng kwarto kung nasaan ang mga sapatos niya at nagsusuot roon.

"S-seryoso? Talaga?" tanong ko. Nilingon niya ako at ngumiti.

"I'm serious, bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya. Nakita kong inaayos niya ang bagong polo na suot niya bago naglakad palapit sa akin.

"Babe?" tanong niya habang binubutones ang polo niya.

"H-huh?" napakurap ako bigla.

"Let's get married," aniya sa akin at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

I was just standing in front of him, wearing his polo, habang siya ay nag-aantay ng reaksyon ko.

"Y-you mean, now?" gulong sabi ko, nawiwindang pa rin sa mga kaganapan.

"Hmm..." he nodded and smiled at me. "You told me to get married, ayaw mo ba?" mahinang sabi nito. He held my cheek and caressed it. He made me look at him, masuyo ang tingin niya sa akin.

"If it was a spun of the moment, it's okay. You can tell me," he started.

It wasn't. I shook my head.

"Do you want us to get married?" aniya. Tinitigan ko siya sa mata at pagkatapos ay tumango ako.

"Now?" I nodded again with an embarrassed smile. He smiled at me at pinatakan ng halik noo ko.

"Then go, may paperbag sa tabi ng kama ko. It's a dress I bought for you, wear it," aniya sa akin.

"Dress?" Tumango siya. "So, pinaghandaan mo 'to?" His lip twitched and shook his head again.

"Not really... Tsamba lang..." tawa niya sa akin. Nakagat ko naman ang labi ko bago tumango.

"Salamat, Dash." I smiled and tiptoed to give him a peck on his lips. "Love you..."

"I love you too," his eyes softened. "Now, change your clothes and we'll go to the judge." Tumango naman ako at yumakap sa kanya bago nagmamadaling tumakbo sa kwarto para magpalit ng damit.

It was a simple white dress. Sleeveless ito at hanggang itaas ng tuhod ang haba. May kasama rin iyong flat shoes na kaagad kong inayos. Inayos ko lang muli ang buhok ko na kinulot kanina. Medyo nagulo kasi ito sa ginawa namin ni Dash kanina.

Nag-init ang pisngi ko at nakagat ko ang labi ko. Nagbukas ang pinto kaya napalingon ako at napangiti ng makita si Dash na naka-suit at kulay puting poloshirt sa loob.

He looks dashing on his suit, miski ang buhok niyang parang sinadyang guluhin ay bagay sa kanya.

"You ready?" a soft smile engraved his lips when our eyes met. Nilingon ko siya at nakita kong napaawang ang labi niya pagkakita sa akin.

"D-do I look okay?" tanong ko at inilahad ang damit ko. He stared at me with his parted lips. He wasn't speaking and just watching me kaya kinabahan ako.

"Dash? Ano, panget ba?" I demanded.

He snapped, quickly shook his head at nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin at hinapit ang baywang ko padikit sa kanya.

"Kaia," sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Hmm?" I asked him. "Bagay ba?"

"Yes," he whispered and nodded. "You're lovely. I didn't even think I'll get to marry a wonderful woman like you," ngiti niya at kumabog ang puso ko.

"Dash!" I hissed, smiling.

"Are you ready to be Mrs. Sandejas, my Kaia?" he whispered at walang pasubali at pagdadalawang-isip na tumango ako.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon