Kabanata 15

294K 10.3K 5.1K
                                    

Kabanata 15

PAANO magpigil at umaktong normal? Sinasaktan ko sarili ko sa pinangagagawa ko!

"Fuck!" Dash cursed when I fell from the chair. Napadaing ako nang tumama ang balakang ko sa sahig at napangiwi.

"Fleureah! Are you fine?!" Napaawang ang labi ko nang mabilis akong dinaluhan ni Dash at pumatay sa akin sa lapag.

"Y-yeah," tumango ako at napakagat ng labi. "Ayos lang..."

"But you fell—" umiling ako kaagad at ikinumpas ang kamay ko.

"No, no." Sinubukan kong maupo nang maayos. "Ayos lang ako..."

Kumunot ang noo ni Dash at tinitigan ako. "Are you sure? Ang taas no'ng stool, how come you're fine?"

Hindi ko alam kung anong mas masakit, 'yong balakang ko o 'yong pagtitig niya.

"H-hindi, mabababa lang naman." I laughed awkwardly.

Bigla namang tumayo si Dash at nagulat ako nang inilahad niya sa akin ang kamay niya. "Here."

"Huh?" Napatitig ako roon then I blinked.

"Come on, Fleureah, take it." Nagdadalawang-isip man ay inabot ko ang kamay niya at napamura na naman ako sa isipan nang magwala ang mga alaga ko sa tiyan.

Damn, hindi ba kayo kakalma? Ang sakit na nga ng balakang ko pero kinikilig kayo sa kamay ni Dash!

I felt that familiar electricity flowing from his hand to mine. Natigil ako at nakita kong nangunot ang noo niya at nabitiwan ang kamay ko. I fell again at mas tumama ang likod ko.

"Ouch!" I shrieked.

Mukha namang natauhan siya at mabilis na pumantay sa akin, nagpa-panic.

"Shit! I'm sorry!" he apologized at mabilis na lumuhod sa harapan ko. "Reah, I'm sorry." He said at hinawakan ang balikat ko.

Napatalon naman ako sa ginawa niya at napailing.

"W-why?" gulat niyang sabing tila takot sa maling nagawa.

"D-don't may kiliti ako." I said. That stopped him, kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya at akmang magsasalita ay mabilis akong nag-drama.

"Aray ko..." I exclaimed at humawak sa balakang ko.

Naku, Reah! Nakakailang points ka na ba ngayong araw! You're ruining the plans! Nilalaglag mo ang sarili mo!

"Shit! Sorry!" he apologized again at nagulat na langako nang bigla niyang sinakop ang hita ko at hinawakan ang likod ko.

My mouth parted when he carried me.

"D-Dash..." Inayos niya ang pagbuhat sa akin kaya napakapit ako sa leeg niya.

"I...I can walk..." I murmured.

"It's my fault why you fell again," he glanced at me. "Let me carry you."

My heart burst in so much happiness. Humilig ako nang bahagya sa kanya at narinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin sa ginawa ko pero hindi siya nagsalita at naramdaman kong mas kinarga niya ako nang maayos.

"Dash-beybe! Gising na ba si—" Napaalis ako nang sandig sa dibdib ni Dash nang biglang pumasok ang lapastangang si Zeijan na panira ng moment.

"Uy! Hala, anong nangyari kay Reah-to—"

"Zeijan! Nandito ka pala!" I exclaimed to cut him off kaya hindi niya natuloy ang sinasabi. Nanlaki ang mata niya at mabilis na lumapit.

"Hala! Hala, ayos lang siya?" he asked Dash. Humarang siya sa amin at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dash sa ginawa ni Zeijan.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon