Kabanata 19

306K 8.8K 2.7K
                                    

Kabanata 19

"REAH-TOT! Come on!" Ang katok sa pintuan ng kwarto ang nagpagising sa akin.

"And'yan na!" I exclaimed. Mabilis kong hinagilap ang bag ko at halos tumakbo na makalabas lang. Pagkalabas ko ay naabutan ko si Zeijan na nakatayo sa may tapat ng pintuan ko at busy sa pagtipa ng telepono niya.

"Uy!" I called him. Halos mapatalon naman siya sa gulat at ngumisi sa akin.

"Reah-tot!" he cheered. Natawa naman ako sa kanya at sumulyap sa phone niya.

"Ka-text mo girlfriend mo?" loko ko. Nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ko at ngumiwi.

"Wala nga akong girlfriend," reklamo niya kaya natawa ako at inaya siya.

"Halika na," tawag ko sa pansin niya. Kaagad naman siyang tumango at sumunod sa akin.

Months passed like a bliss, ni hindi ko na napansin ang oras dahil sa bilis ng takbo dahil sa mga pangyayari. Well, I am happy, una dahil sa matatapos na ang first sem at ikalawa ay may part time job na ako.

Then, si Dash. Napangiti ako habang naaalala ang mga nangyari nitong nakaraang mga buwan.

It was very complicated but I haven't seen the two of them–Rheallyn and him together and he may have not told me directly but I have heard he wanted out.

I didn't ask more. Parang tanga pakinggan at isipin pero sa ngayon ay handa akong magpaka-selfish. Handang mag-antay.

Gosh, I sounded like a mistress.

Because you are, Kaia.

Even if he told you it's you he likes, habang may Rheallyn pa sa litrato ay hindi pa rin ayos.

I shut those thoughts inside my head, mentally preparing myself to ask Dash directly what are we. Or where are we in this relationship right now.

If it's even one.

We haven't kissed again. Sobrang abala niya sa trabaho at gano'n din ako sa aral at part-time. We've been seeing each other at times, minsan sa bahay.

We're casual...I guess?

Zidney is in good condition right now, sa ngayon ay nandito siya sa bahay at dito siya pinagpapahinga dahil ayaw niya sa ospital. She has amnesia, na-confirm ito ng doktor matapos siyang isailalim sa mga tests. Sinabi niya sa aming may nag-alaga sa kanya noong wala siyang maalala pero hindi na siya nagsabi ng iba pa.

I don't know if she was treated right by those who took care of her, hindi ko rin alam kung alam nila Kuya ang buong istorya niya dahil hindi naman ito nagkukuwento.

At first, she wasn't talking to any of us, to her family pero kalaunan ay kinakausap na niya ang mga kapatid niya. The first person she talked to was Kuya Iñigo, tapos ay ang Mommy at Dad nila at ang dalawang mga kapatid niya.

Scira was the name given to her by those people who took her in when she lost her memories. Sa ngayon ay Zidney na ang tawag namin sa kanya and she's good at accepting it. She was kind and sweet pero madalas ay nakikita kong malungkot ang mata niya. Feeling ko nga ay may trauma siya pero hindi na ako nagtanong pa dahil personal na nila iyong problema.

For now, she was spoiled by her brothers at natutuwa akong tingnan kapag masaya silang apat na magkasama.

Ayos ang lahat, Dash treats me well at nakakatuwang madalas ay niyayaya niya akong lumabas para kumain. I'm contented with that.

"We're here," ani Zeijan nang tumigil ang sasakyan.

Mabilis namang iniikot ko ang tingin at nang makitang nasa airport na kami ay nilingon ko si Zeijan.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon