Kabanata 18

291K 9.7K 3K
                                    

Kabanata 18

"P-PLEASE save her, save my sister..." nanginginig ang boses ni Dash habang kausap ang doktor na dumalo sa amin pagkarating pa lang namin sa ospital.

He was crying and shaking. Halos hindi na nga siya makapag-drive ng maayos at kahit anong kalma ko sa kanya ay takot na takot siya na may mangyaring masama sa kapatid.

"We'll do everything we can, Mr. Sandejas," ani ng doktor sa kanya.

"D-do everything, please..." tumungo siya at halos magmakaawa sa doktor kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

"Excuse me, Mr. Sandejas," ani ng doktor at pumasok sa loob ng emergency room. Nakatungo lang siya sa pwesto niya at walang imik. Tulala siya at nakita ko ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya.

My heart ache. Kaagad akong pumunta sa harapan niya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri ko. That made him face me, nakita ko ang lungkot at takot sa mga mata niya.

"R-Reah..." he called me. Natigil ako sa pagtanggal ng luha niya nang hawakan niya ang kamay ko sa pisngi niya.

"Hmm?" I hummed. Umiling siya at tumungong muli. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang baywang ko at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"I-I'm scared," he whispered. I heard him sobbing. The way his voice broke was heartbreaking. It was filled with deep fear and agony.

Mabilis naman akong yumakap pabalik sa kanya at hinaplos ang likod niya.

"Sshh, Dash... Zidney will be okay..." sabi ko sa kanya. His hug tightened, sumikip naman ang dibdib ko habang pinapakinggan ang iyak niya.

"M-maliligtas siya, 'di ba? M-makakasama pa namin siya, 'di ba?" he asked me in a stuttering voice.

"Of course, makakasama n'yo pa siya," I told him. Tumango pa ako at hinaplos ang buhok niya.

"I-I know it was her, she's my sister," he mumbled with such certainty.

Bahagyang lumayo naman ako sa kanya at humawak sa pisngi niya. Hinawi ko ang luha niya at pinakatitigan ang namumulang mata niya.

"I know it's Zidney," he said. "I-I know her face...I..."

He was trembling, hyperventilating.

"Upo tayo, okay?" sabi ko nang marahan sa kanya. Parang bata naman siyang tumango at hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinaupo siya sa bench doon.

"H-her face, Reah, 'di ba siya 'yon? Si Zidney siya, 'di ba?" I looked at him and saw how hopeful his face is.

Noong una ay hindi ko namukhaan si Zidney. When we found her on the road ay hindi ko talaga akalaing siya 'yon. Dash carried her to the car and drove fast to the hospital. Noong habang nasa byahe lang kami papuntang ospital ay halos maiyak ako habang nakatitig ako sa mukha ng babae.

It was her...

It's angelic and peaceful. Kagaya noong nasa larawan niya sa mansyon ng mga Sandejas and while looking at her, I realized it was really her.

From the shape of her face, everything. I am positive it was her. Her face changed a bit because of the years that had passed but the glint of innocence I saw in that picture was still the same.

"I really think it was her," I said. Mabilis ko namang kinuha ang puting panyo sa bulsa ko na ibinigay niya sa akin kanina at inabot sa kanya.

"Here..." Nakita kong napasulyap siya sa akin sa ginawa ko.

"B-but..." I smiled softly and placed the handkerchief on his hand.

"You need it, Dash," I said softly.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon