Prologue

3K 155 81
                                    

[ FYI. Updated Prologue, 2022 ]

Please view the mini-trailer above. TY!

Please leave in the comments your zodiac sign as well. Hehe.

♈♉♊♋♌♍♎♏♐♑♒♓

SKY

"I'm sorry, Third. But I have to go!"

Ngunit mahigpit na hinawakan ni Third ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Si Third Luan ang lalaking pinakamamahal ko.

"Sky, please.. dito ka lang, kung gagamitin mo ang kapangyarihan mo—,"

"Third—, I'm gonna be okay. Hmm?" Ngumiti ako sa kaniya bilang assurance na magiging okay lang ako sa gagawin ko.

"Hayaan mong protektahan kita," pagpupumilit niya. Hay naku talaga, Third. Kung hindi lang talaga kita mahal kanina pa kita binatukan sa katigasan ng ulo mo.

"Third, you're not ready, you know that. Ayokong may mangyaring masama sa'yo. Hindi ba sabi mo na sabay pa tayong papasok sa Zodiac University?"

Patulo na ang luha sa kaniyang kaliwang mata. Naaawa ako sa kaniya, pero wala akong magagawa dahil kaligtasan niya rin ang nakataya sa desisyon ko.

"Kung hindi ako aalis, matutunton ng Dark Source ang Zodiac High, magiging peligro ang buhay ng lahat, Third."

Hindi na siya sumagot. Halatang gusto niya pa rin akong pigilan kaya hinalikan ko nalang siya sa kaniyang labi.

"Magkikita tayo ulit, don't worry!" Iniwanan ko siya ng matigas na shield barrier para hindi niya ako masundan nang tumakbo ako palayo.

"Sky! Stop!" Sigaw ni Oe.

Huminto ako nang makaramdam ako ng kakaibang aura, aura na sobrang lakas.

Ang Dark Source, ang kalaban namin, naglabas ng kakaibang kapangyarihan, at papalapit sila rito sa Zodiac High. Naririnig ko rin ang mga pagsabog na sa tingin ko ay nangyayari sa kagubatan na malapit lang dito.

"Oe, please take care of everyone," mahinang sambit ko sa best friend kong napahinto rin dahil sa shield barrier na ginawa ko para kay Third.

I have to do this, I can protect the zodiac signs.

Agad akong nag-teleport tungo sa mga kalaban bago pa sila makapasok sa Safe Zone ng Zodiac High. Napunta ako sa kagubatan. Hinarangan ko sila.

"Sa wakas! Nagpakita ka na din, Sky Nunez!" Pananakot ng isa sa mga naka-itim na kampon ng Dark Source. Nasa mga labing-limang katauhan sila. Tanging mga mapupulang mata lamang ang nakikita sa kanilang katawan dahil halos nakabalot lahat ng maitim na tela.

Umiinit ang dalawang kamay ko. Hinahanda ang sarili na umatake. Shet! Ayaw ko pa naman sanang makipaglaban lalo na't naka-school uniform pa ako. E, paano? Timing na lulusob ang mga hinayupak na 'to pagkatapos ng klase namin.

"Ako ang kailangan ninyo, 'wag niyong idamay ang mga walang kinalaman sa kasunduan natin," sagot ko sa kanila.

"Pwes, sabihin mo sa amin kung nasaan ang Zodiac University, at pababayaan na namin ang mga kaibigan mo."

Kumunot ang noo ko. Tumatawa naman ang ibang kasamahan niya na parang binubully pa nila ako. Doon sila nagkakamali, minamaliit nila ang estudyante ng Zodiac High.

"Over my dead body." Gumawa ako ng sarili kong shield barrier in case na may maglabas ng kapangyarihan.

"My.. my.. nagmamatapang ang pinakamakapangyarihang estudyante sa Zodiac High, how cute," wika naman ng kasama nilang babae sa kaniyang mala-kikay na boses. Mukhang leader nila. Nakasuot siya ng maitim na tube at skinny, glossy pants. "Well, as you wish!" Nag-bow pa siya.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac Circleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن