Chapter 28

854 53 4
                                    

*** Photo above is Third Luan ***

*---*---*---*

Hinarangan ng mga student representatives ang daanan tungo sa training grounds. Nakasuot kaming apat nina Oe, Ara at Cass ng PA Uniform.

"Hindi makakapasok sa training grounds kapag walang token pass."

Pagpasok namin sa loob ay may mga naghaharang na mga halaman doon kaya namangha kami.

"Nandito na sina Oe, sir Polaris!" wika ni Kim.

Nakita kong nakaupo sina Anna, Carina, Blu, Vita, at Gino malapit kina sir Polaris at ilang mga estudyante rin na nasa gold rank.

"Nasaan na sina Third?" sir Polaris.

"Ayan po! Kakarating lang din," wika ng estudyanteng gold rank.

Kakapasok lang nina Grus, Crater at Third.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang nagkatinginan kami ni Third kaya umiwas ako.

"Okay ka na ba?" bigla niyang bulong sa tenga ko.

Syeeeeet! Tubig pleaseee!

Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Narinig ko na may bronze na makikisali sa atin dahilan ng pagkakapanalo niya sa tournament kahapon, hindi ko aakalaing ang ganda pala niya," wika ng isang gold ranker na lalaki.

"Makinig students!" sir Polaris.

Katabi ni sir Polaris sina miss Lydia, miss Kareen at tatlong nurses. Teyka bakit may nurse?

"Para sa activity ninyo ngayon! May dalawampu na gemstone sa loob ng maze para sa dalawampu na sasabak na mga estudyante, ang gagawin niyo lang naman ay kailangan mahanap ninyo ang mga ito para makalabas kayo sa maze, isang gemstone sa isang estudyante, teamwork ang kakailanganin ninyo sa pag accomplish ng task na ito, bibigyan lang kayo ng isang oras para matapos ang activity," sir Polaris.

Maze? Ang hirap naman kapag maze.

"Patas ang laban na ito, walang cheat, at hindi rin kayo makakagamit ng kapangyarihan ninyo sa loob," sir Polaris.

"Whaaat?"

"Hindi naman yata pwede 'yon!"

"Pambihira!"

"Magsihandaan na kayo, the activity will start in 3..2...1," sir Polaris.

"Good luck girls!" wika ni Oe.

"Oh! And by the way students! Beware of ninjas," sir Polaris.

"Whaaaat??"

"Anooo?"

"Whaaat?"

Bigla kaming nagteleport na sa loob ng maze. Pero ako lang mag-isa ngayon. Gaano ba kalaki ang maze na ito? Sobrang taas naman ng wall na napapalibutan ng mga halaman.

Paano ko hahanapin ang gemstone? Nasa lupa ba? O nasa vines? O baka nakalutang lang sa ere?

Lakad ako nang lakad.

Sobrang tahimik naman ng paligid.

Kaya ko ito, kaya ko ito. Hindi ko dapat bibiguin sina Oe, Cass Ara, at lalo na sina miss Lydia at Cyrus.

Saan ko ba hahanapin ang gemstone? Ano ba mukha non?

Napansin kong may digital timer sa lahat ng banda ng nadadaanan ko, now it's 58:12 mins. One hour lang ang ibinigay sa amin kaya dapat na bilisan ko.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz