Chapter 35

778 48 2
                                    

*** Photo above is Anna Juris ***

*---*---*---*

Nang magkita-kita kami sa bahay nina Oe, bigla akong niyakap ni Anna. "Oh my goodness! Are you all alright?" pag-aalala niyang tanong. I guess nalaman na nilang inatake kami ng Dark Source kanina.

"Okay lang kami Anna," ako.

"Good to hear!" tugon ni Anna.

"Ngayon na natunton na tayo ng mga taga Dark Source, it's not safe for use to go outside alone anymore," ani ni Crater.

Pero bakit kaya nandoon sa tree house ni Cass ang Dark Source, sa palagay ko ito ang dahil kung bakit hindi na malapitan ang puno kung saan nakalagay ang tree house. At ang sabi ni Cass na importante sa kaniya ang mga nakapaloob doon, bakit kaya?

"Most importantly, walang nasaktan sa inyo," sabay naman ni Third.

"So what's the plan?" tanong ni Kim.

"Let's fight the enemy," Carina.

"Oo, pero hindi lahat tayo," tugon ni Oe sabay tingin sa akin. Parang sinabi na rin niya na hindi ako pwedeng sumama.

"P-pero gusto kong tumulong," suway ko.

"Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Sky, ayaw ko lang na mapapahamak ka," Oe.

Tumingin ako kina Cass at Ara pero they took sides with Oe. Naiintindihan ko naman, ano namang maibigay ko sa kanila? Pabigat lang ako.

"Tama si Oe, hindi ka pwedeng sumama sa amin suplada," sang-ayon ni Third.

"O-okay, I get it, pero mag-iingat kayo ah," sagot ko.

"Sasama ka sa kanila Grinch?" tanong ko kay Third.

"Oo, bakit?" tugon niya.

"Pero ang sugat mo?" ako. Nag-aalala rin naman ako sa sugat niya nang dahil sa akin.

Alam kong malalakas ang mga kaibigan ko pero nakita ko kasi kung gaano kalakas ang magiging kalaban nila.

"Okay lang naman ang sugat ko, sugat pa rin," pilosopo niyang tugon.

I decided to go back to the apartment building, plano kasi nila na susugurin nila iyon mamayang gabi. Mabuti nalang mabait ang driver ni Oe kaya inihatid niya ako sa apartment.

"Kamusta ka na pala Sky?" biglang tanong ni Mang Fredo sa akin kaya nagulat ko nang alam niya ang pangalan ko.

"Kilala niyo po ako?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na talaga kami," wika niya at napipilitang ngumiti.

Nakalimutan? Saan? Anong ibig niyang sabihin?

Huminto na kami sa waiting shed malapit sa apartment namin.

"Bakit niyo po ako kilala? May alam ka ba tungkol sa akin?" ako.

Baka nalaman niya lang panglan ko dahil sa pag-uusap naming apat sa van kanina? O kaya'y narinig niya lang.

"Si Mr. Christimatia ang nagpapaaral sa iyo dati, at naging magkaibigan din kayo ni Miss Oe noong first year high school kayo, pero hindi ko na alam kung anong nangyari at kung bakit inilayo kayong dalawa," tugon ni Manong Fredo.

Anong sabi niya? Magkakilala na kami ni Oe dati pa?

"Nag-aaral din po ba ako sa Zodiac High noong high school pa po ako?" tanong ko.

"Oo naman, hatid-sundo ko pa nga kayo dati, pero isang araw nalaman ko nalang na hindi ka na raw mag-aaral sa Zodiac High, at iyon na rin ang huling rinig ko tungkol sa'yo," tugon niya naman.

What? Bakit lahat ng nangyayari sa buhay ko ay masyadong komplikado? Ang hirap naman buuin ng puzzle. I don't even remember about Oe's family either.

"Ah maraming salamat nga pala sa paghatid sa akin manong Fredo ah, bababa na po ako," pamamaalam ko sa kaniya.

Pumasok na ako sa apartment room namin at napahiga sa kama habang pinagmasdan ang itaas na higaan ng double deck. Why can't I use my powers? May kulang ba sa training ko? I mean, mukhang madali lang maipalabas ng mga schoolmates ko ang kapangyarihan nila pero bakit ako, ang hirap? Am I barking at the wrong tree?

Now look at me, nandito ako sa apartment namin imbis na tumutulong ako sa kanila.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaisip. Pagmulat ko gabi na, pumunta ako sa reception area para mag purchase ng pagkain, nakita ko naman si Gino.

"Oh Gino? Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan sina Blu at Vita?" tanong ko.

"Ah, nag sine raw sila ngayon, pero susunod na rin ako sa kanila mamaya, sama ka?" tugon ni Gino.

"Hindi na, at isa pa iinit na naman ulo ni Vita kapag makita ako," ako.

"Bakit ikaw lang din mag-isa ngayon? Dapat mag-enjoy ka rin dahil last day na natin bukas dito, anytime bukas babalik na tayo sa Zodiac University," Gino.

Sabay na kaming kumain ni Gino ng panghapunan, pero agad naman siyang umalis dahil gusto niyang makahabol daw sa lakad nina Blu at Vita.

"Alis na ako Sky," paalam ni Gino.

"Kamusta nga pala ang pagconfess mo kay Blu?" pahabol na tanong ko.

"Hindi ko pa nagawa eh, plano ko bukas na yayain ko siya sa amusement park," huling tugon niya bago umalis.

Ang sweet naman, sana nga magkakatuluyan sila. Naalala ko na naman si Third at ang sugat niya. Hindi talaga ako mapakali eh, ako kasi ang dahilan ng pagkakasugat niya, okay lang kaya sila ngayon?

"Omg, naalala ko ang healing river, diba malapit lang iyon dito?" ako.

Gabing-gabi na pero umalis pa rin ako patungong healing river. Nagtanong-tanong ako sa mga naninirahan dito at ang sabi raw ay nasa masuksok ng kagubatan daw.

At sa wakas nakita ko na rin, ang healing river, nirereflect nito ang sinag ng buwan. Sa sobrang linis nakikita ko ang sarili kong reflection. Nakadala na rin ako ng empty bottle mula sa kinakainan ko kanina kaya nilagyan ko na ito ng tubig sa sapa.

Sana nga effective ito sa sugat.

Sobrang dilim na ng gabi, siguro mga alas dyis na ngayon, ang layo kasi ng nilakad ko dahil pa-iba iba ang ibinigay sa akin na direksyon ng mga tao.

"Sky!" bulong ng boses ni Gino sa isip ko.

"Gino? Bakit?" tugon ko.

"S-sabihin m-mo kay B-blu a-ang bagay na h-hindi ko n-nasabi sa k-kaniya," nauutal niyang sambit na parang lasing na pananalita.

"Gino? Okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon? Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Tugon ko sa kaniya at simulang kabahan.

"Sky? N-nasaan ka ngayon?" tanong niya.

"Nasa healing river ako," ako.

"A-ano? U-umalis ka diyan! Ngayon n-na!" sigaw niya kaya agad akong nataranta, ano bang problema ni Gino ngayon? Naglalasing ba siyang mag-isa? Akala ko ba sumama siya kina Vita at Blu ngayon?

"Nahanap na rin kita," bungad ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Pagkatingin ko ay ang kaparehong kidnapper na dumukot sa akin dati. Oh syeeeet! Run Sky! Run!

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleKde žijí příběhy. Začni objevovat