Chapter 48

742 46 0
                                    

Game of Generals, gaya ng hierarchy ng aming school, pinakamataas na rank ay ang 5 star general gaya ng diamond rankers at ang pinakamababa ang private gaya ng bronze rankers. Isa lang ang goal ng bawat grupo, 'yon ay ang makuha ang flag ng kalaban o kaya'y ang flag ng grupo ay makaabot sa base ng kalaban.

Ma-eeliminate ang piece kapag ang kasangga niyang rank ay mas mataas kaysa sa kaniya. Iba naman pagdating sa Spy kasi kabaliktaran ang mangyayari, ang ma-eeliminate niya ay ang mas mataas na rank maliban sa private. Ang private lang din ang makaka-eliminate ng Spy.

My group mates are excited, parang alam na alam nila kung paano laruin ang game na ito.

"Red team! Bumunot na kayo sa inyong piece dito," wika ng guro.

So bawat members ay may kani-kaniyang piece na gagampanan. Alam ko naman kung paano ito lalaruin kaso hindi ako masyado expert sa strategy nito.

"Blue team! Bumunot na kayo!" wika na naman ng guro.

Ang pagkakasunod-sunod ng pieces ay five to one star General, Colonel, Lt. Colonel, Major, Captain, first Lt., second Lt., Sergeant, dalawang Spy, anim na Private, at isang flag.

Nagsimula kaming maglaro ng human game of generals. Tatlong game lang ang mangyayari at kung sino ang unang makakuha ng dalawang puntos ang siyang panalo.

"Akala ninyo na ang pinakamataas na rank ang pinakamakapangyarihan? Nagkakamali kayo," wika ng guro.

Tama, kahit na ikaw ang nakakuha ng five star general, ma-eeliminate ka naman dahil sa Spy.

Ang unang naganap na laro ay naipanalo namin, ako ang gumanap sa isa sa anim na private.

"Ang Spy ang may pinakadelikado na role, hindi ninyo alam kung sino ang Spy sa kalaban, kung kayo ay magwawalang-bahala sa paligid ninyo, tiyak na babagsak kayo," Guro.

Totoo ngang hindi namin alam kung sino ang Spy sa kalaban, hindi mo alam kung ito ay kaibigan mo o hindi.

Out of 50 plus groupmates, 21 lang ang pwedeng makapaglaro, at ang hindi kasali sa current game ay magiging spectator.

"Pero matatalo ang Spy sa isang private, ang private ang pinakamababang rank sa game of generals, pero bakit kaya ang pinakamababang rank ang binigyan ng kakayahang mag-eliminate ng piece na gaya ng Spy?" Guro.

Isa akong private kaya responsibilidad kong eeliminate ang Spy.

"--dahil na rin sa hindi magsususpetsa ang Spy sa mga mababang rank," dagdag niya.

In real life situation, totoo ngang hindi magsususpetsa ang isang Spy sa mga mababang rank dahil wala naman itong kalaban-laban sa kanila. Kagaya ni Gino na nadevoured ng Dark Source, isa siyang diamond at wala akong nabalitaan na may sinaktan siyang bronze ranker. For them, low-tiers are the least of their worries.

"Ingatan ninyo ang inyong flag, hindi ba nakakagana maglaro kapag alam mong may kailangan kayong protektahan? Huwag ninyong hahayaang makuha ng kalaban ang flag ninyo," Guro.

Nagsimula na naman ang pangalawang laro na kung saan ang ginampanan kong piece ay ang Spy.

Gumawa na kami ng mga hakbang, natakot na tuloy ako sa mga private nyemas. Nasa likod ko ngayon si Carina, ang flag namin. Lahat ng dumadakip sa akin ay puro matataas na rank, nalaman na yata ng kalaban na isa akong Spy.

Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki, balak niya akong dakpin pero hindi ako sigurado kung anong piece siya, baka private?

Umiiwas ako sa kaniya pero sinusundan niya ang hakbang ko sa chessboard, nahalata na yata niya. Alam na alam ko na isang siyang Private, maraming mapanlinlang na strategy sa larong ito, hindi dapat ako magpapadakip.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon