Chapter 4

1.3K 100 2
                                    

***Photo above is Ara Guantejalla***

*---*---*---*


Dumiretso na ako sa dorm ko, room no. 9. At ang bumungad sa akin pagkapasok ko ay ang kagandahan ng kwarto, sobrang linis, makintab, may apat na higaan, at tatlong nakapa-jamang mga babae na sabay tumingin sa akin.

Pareho kaming apat na nagtitinginan sa isa't-isa.

Awkward..

"H-hello po, ako po si Sky Nunez, um dito raw po ang dorm ko," sabi ko.

Lumapit naman sa akin ang isang babae na may grayish na buhok, I remember her, siya yung kasama ni Sir Polaris kanina.

"We are your roommates Sky, I am Oe," tapos iniabot niya sa akin ang kamay niya.

Nagshakehands kami. Mabait naman pala siya.

Lumapit din sa akin yung dalawa pa at nagpakilala, sina Cassiopeia na may brownish at curly hair, kikay, at sobrang ganda na parang pang beauty queen ang dating, at tsaka si Ara na may above shoulder black hair, cute face, pinkish cheeks, at sobrang puti na parang snow white.

Totoong welcome nila ako sa kanilang dorm, at syempre sila lang din naman ang magiging kaibigan ko simula ngayon so I just have to be friendly, open and blend in.

"Kayo lang bang tatlo sa room na ito?" tanong ko sa kanila.

"Apat kami rito dati, pero wala na si Karsten," sagot ni Cassiopeia.

"Iniwan niya kami huhu," sabay ni Ara na may halong lungkot ang ekspresyon.

"Eh nasaan na siya ngayon?" ako.

"She died 5 months ago dahil sa malubhang sakit," sagot ni Oe.

"I-I'm sorry," tugon ko. "Pero hindi naman sya magmumulto diba?" I jokingly asked. 

Tumawa naman silang lahat. As in? Tanggap nila yung joke ko?

Silang lahat ay umupo na sa kanikanilang higaan, iyong red nalang ang sobrang empty ng area kaya sigurado akong para sa akin iyon. "Pasintabi po sa'yo miss Karsten, ako na po ang gagamit sa higaan n'yo," pagbibiro ko.

"Hahaha you're funny Sky, trust me! Mas may nakakatakot pa sa mga multo sa mundong ito," wika ni Cassiopeia.

"Sa totoo lang it feels empty talaga kapag walang tao riyan, parang ang gloomy naming tatlo dahil simula nung nawala yung matalik naming kaibigan, hindi na kami naging masaya tulad ng dati," wika ni Ara.

"Pero paniguradong hindi na magiging gloomy ang room kasi apat na ulit tayo dito," dagdag niya.

"Syempre, hindi naman mangyayari ang lahat kung walang dahilan diba?" sagot ko.

"Oo nga, pag kompleto tayong apat dito sa kwarto, kompleto na rin ang buong school year ko!" Ara.

"Actually may dormitory rules ang bawat miyembro ng school pero sa amin dito, isa lang ang rule, iyon ay magpakatotoo ka sa sarili at sa amin," wika ni Oe.

Tumango lang ako sa kanila.

May kumatok sa pintuan..

"Damit para kay Miss Sky Nunez po," bungad ng babaeng nakasuot ng maid outfit.

"Thank you nang," sagot ni Ara. "You're officially a student here Sky, sana maging magkaklase tayo agad."

Lumabas na yung maid tsaka balik sa kulitan ang mga girls.

Grabe, ang saya nilang tingnan, nagkakasundo, na parang walang pinoproblema.

Mama, nakikita mo ba kung nasaan ako ngayon? Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng bagong pag-asa, I should start a new life sa school na ito, if it means I have to study magic then I will.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now