Chapter 37

794 43 0
                                    

Kinabukasan, bumangon kaming apat na pagod na pagod, mukha kaming hang-over.

Wala kasing bell na gumigising sa amin kaya tanghali na kaming nagising. Bakit pagod na pagod ang katawan ko? Eh diba silang tatlo lang naman ang may malaking nagawa kahapon? Wala naman akong ginawa kundi ang magmokmok sa apartment.

Salamat na rin at nakita ko ang bottle na may laman ng healing river. Ibibigay ko ito kay Third mamaya.

Kinahapunan, napag-isipan naming magrelax muna kaya nagpunta kami sa amusement park.

Sobrang enjoy namin sa mga rides at games, pati na rin sa horror booth na hindi na ako natatakot, awee achievement unlocked.

At ngayon, sasakay kami sa ferris wheel, tamang-tama naman ang pagdating din nina Anna, Kim, Carina, Crater, Grus at Third. Napahawak ako sa dala kong bag kung saan nakalagay ang bottle ng healing river.

"Sasakay din kayo ng ferris wheel?" tanong ni Ara. Tumango naman silang lahat.

"Tig dadalawahan lang ang pwedeng sumakay," wika ng tagabantay ng ferris wheel.

"By pairs guys! Una na kami!" wika ni Kim.

Magkapair na sina Kim at Carina.

"Sunod?" tanong ng tagabantay.

Agad na itinulak ni Ara si Cass tungo sa sakayan ng ferris wheel at hinila naman ni Oe si Crater pasunod doon.

"Sunod?" tanong ulit ng tagabantay.

Dahil walang kasama si Anna, sinamahan siya si Grus bilang ka pair niya. At sa sunod naman na sakayan ay biglang hinila ni Ara si Oe papasok kaya naiwan na kaming dalawa ni Third bilang last pair. Medyo awkward kami pagpasok namin sa sakayan.

Hindi ko matiis na tanungin sa kaniya kung anong kalagayan niya ngayon. Mukha rin kasing wala siyang balak makipag-usap sa akin so ako na ang nagfirst move.

"Sana naman makatulong ito sa iyo," ani ko sabay bigay sa kaniya ng bottle ng healing river.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Tubig iyan galing sa healing river, dinig ko nakakagamot---," ako. Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Pumunta ka sa healing river nang mag-isa? Alam mo bang delikado roon? Paano kung napahamak ka?!" Sigaw niya.

"U-um." Sobrang nabigla ako sa sigaw niya kaya wala akong masabi.

"Pumunta ka pa talaga roon para lang kumuha ng tubig sa sapa?" dagdag niya. Hindi ako makareact nang maayos dahil sinesermonan niya ako mata sa mata.

"B-bakit ba? Hindi ba pwedeng concern lang ako?!" Sigaw ko din.

"Ayokong napapahamak ka nang dahil sa akin, sawa na akong gawan ng ganiyan, ayoko ng may ibang taong mapapahamak nang dahil sa akin," tugon niya.

"Teyka? Bumabawi lang naman ako dahil ako ang dahilan ng sugat mo ah, bakit ka ba nagagalit ha?" ako.

Bigla niya akong hinila at niyakap. Nanlaki ang mga mata ko nang gawin niya 'yon. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"H-huy ano bang ginagawa mo," itinulak ko siya palayo pero niyakap niya ako ulit.

"Ayokong mapahamak ka, Sky," bulong niya. Nanindig ang mga balahibo ko dahil nararamdaman ko ang pagiging sincere niya.

Pero nabaling ang atensyon ko sa marka sa may leeg niya. Isa siyang Pisces.

"Isa kang Pisces?" gulat na tanong ko.

"Anong problema doon?" tanong niya.

Pisces is from the water element. This is why I shouldn't fall for him. Pero how cannot I? Why cannot I?

"From now on, let me protect you, so stay by my side," dagdag niya.

I remained silent.

"Oh bakit hindi ka makasagot?" tanong niya.

"H-huh?" ako.

"Dahil ba sa lalaking palaging nakabuntot sa iyo?" tanong niya.

Lalaking palaging nakabuntot sa akin? Sino naman 'yon?

"Sino bang tinutukoy mo?" tanong ko.

"Nabalitaan kong siya pala ang nakalaban mo sa tournament," tugon niya.

"Ah si Cyrus ba ang tinutukoy mo?" ako.

He looked away.

"Hindi naman siya palaging nakabuntot sa akin, sadyang close lang talaga kami," ako.

Huwag Sky, huwag kang ma fall sa kaniya. Or you both will suffer, huhu.

Kinalaunan ay bumaba na kami sa ferris wheel at nakita rin namin si Vita kasama ang mga gold ranker na papalapit sa amin. It's weird seeing Vita look so gloomy without Blu around.

Agad siyang lumapit kay Third at humawak na naman sa braso nito.

Protect daw pero siya lang naman talaga ang may taong palaging nakabuntot sa kaniya. Ang sincere niyang nagsasalita kanina tapos ngayon maghaharutan lang naman sila ni Vita.

"Oh nasaan si Blu, Vita? Bakit hindi kayo magkasama ngayon?" tanong ni Carina.

"Ewan ko sa isang 'yon, hindi raw siya sasama sa amin dahil aalagaan niya raw si Gino, nilagnat kasi," tugon ni Vita.

Nilagnat si Gino?

"Sobrang nag-enjoy ako sa 3 days vacation natin!" wika ni Ara.

"Ako din!" Kim.

Pumunta kaming lahat sa karaoke bar para sa huling pag-eenjoy namin, sobrang saya naming magkakasama, at ako masaya na rin akong makitang nagiging okay na ulit ang lahat, na walang nasaktan.

"O Sky, ikaw na naman ang kumanta!" ani ni Cass.

"Ano? Hindi ako marunong kumanta!" tugon ko.

Nagsikantahan sila habang ang iba ay sumasayaw.

Akalain mo, makikilala ko sila in an unexpected way. Sobrang swerte ko nang nakapasok ako sa Zodiac University.

"Guys! May photobooth sa unahan, tara picture tayo para may remembrance tayo sa moment na ito," Kim.

Kinalaunan ay bumalik na kami sa aming apartment, nagbihis na kami ng aming school uniforms at naghihintay nalang ng pagbabalik namin sa school.

Umiilaw-ilaw na ang kwentas na suot naming lahat, ito na ang signal na babalik na kami sa Zodiac University. At once na makakabalik na kami, mag-eensayo na talaga ako nang todo-todo.

Sa isang iglap ay nasa harapan na kami ng gate ng Zodiac University, at binati kami ng school staffs na sina miss Lydia at miss Twinkle.

"Welcome back students!" miss Lydia.

"And yeah we are back," Ara.

"We are home," Carina.

Naglaho ang suot naming kwentas.

Inilapag ko na ang litrato namin kanina mula sa photobooth sa cabinet malapit sa higaan ko katabi sa litrato ni Karsten.

Balik normal na ang life ko bukas so better get some sleep.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon