Chapter 69

678 38 1
                                    

*** Photo above Vita Marso ***

*---*---*---*

Pagkagising ko sa loob ng Zodiac Shrine, wala na ang ibang Zodiac Circle members, wala na rin sina sir Polaris, wala na rin si miss Twinkle. Napansin kong nakasuot pa rin ako ng ballgown kaya pumunta ako sa PA Changing Room para magbihis ng PA Uniform. I DON'T WANT MY FRIENDS TO DIE, I WILL STOP THIS, AND I WILL SAVE THEM.

Nakatingin ako sa salamin ng aking locker, ang mga mata ko ay bahagyang kumikislap ng kulay dilaw. Sobrang daming nangyari sa buhay ko, at lahat ng iyon ay sa sarili ko lang na kapakanan, oras na para gamitin ko ang kapangyarihan ko para sa kapwa ko. At oras na para lumaban, at ipaglaban ang kabutihan.

"Kasabwat din pala ng Dark Source si sir Polaris pero pinagmukha niyang si miss Friah ang kalaban," bulong ko.

"I am glad you figured it out," wika ng nasa likuran ko. Si miss Friah pala. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"B-But how did you?" ako.

"I will help you save them," miss.

Lumabas na kami ng building at nakitang sira-sira na ang lugar ng Zodiac University. Sobrang daming katawan ng mga estudyante at gurong nakahandusay ngayon sa paligid. Inaatake ng mga Zodiac Circle ang ibang estudyante, halos mid to high-tiers ang kumakalaban sa kanila. Sana okay lang ang mga bronze.

"Well, well look who's here?" bungad ng nakalutang na si Vita. Kumikinang ngayon ang mga mata niya na kulay maroon, halatang gumagamit ng zodiac power, at nakasuot pa rin siya ng kaniyang gown.

Lumutang na rin ako at hinarap siya. Binigyan ko lang siya ng isang napakalamig na reaksyon.

She already has the black hollow in her body. She also has the zodiac power. Tinitigan niya ako na para bang papatayin niya ako ilang minuto. Si Vita pa rin naman siya sa paningin ko, parang walang pinagbago, the brat and selfish Vita.

"Kating-kati na ang mga kamay kong patayin ka. Sa wakas, wala ng babagabag," sambit niya.

Napatawa niya ako saglit, nakatingin pa rin siya sa akin ng kaniyang mataray na ekspresyon.

"Bakit gano'n? Isa ka pa ring duwag sa mga mata ko?--Vita." tugon ko sa kaniya.

Nararamdaman kong nagbabaga ngayon ang mga mata ko, hindi ko man makita ang sarili kong repleksyon, pero alam kong dumidilaw na naman ang mga ito. Isa akong Ophiuchus, nasa akin ang kapangyarihan ng mabuti at masama, nasa akin ang malaking responsibilidad bilang isang Zodiac Warrior. At ang panghuli, isa akong opisyal na Zodiac Circle.

Pareho kaming naglabas ng napakalakas na energy bomb bago pa kami tumama sa isa't-isa. Naglabas siya ng water dagger para isaksak sana sa akin pero na sangga ko ang mga braso niya. Gumawa rin ako ng water dagger na kagaya ng ginawa niya at isinaksak ko rin ito sa kaniya. 

"Argh! Shit!" react niya.

"I am an Ophiuchus, baka hindi mo alam," wika ko at nilabasan ko siya ng energy bomb mula sa siko ko kaya tumalsik siya pababa.

Halos bumaon ang katawan niya sa lupa pagkatama niya. Hindi siya gumalaw ng ilang segundo. But I can still sense her aura, she's just pretending to be unconscious. Nilabasan ko siya ng energy ball mula sa kinalulutangan ko.

Is there any way na pwedeng ma-dettach ang black hollow sa katawan nila?

Pero naaalala ko dati sa bahay nina Cass, noong naglabas ng fog ang taga Dark Source, nagawang higupin ito ni Oe sa kamay niya gamit ang air element at ibinalik ito sa kalaban. Posible kaya na ganoon din ang paraan para mawala ang black hollow nila? Hindi pa naman din sila completely devoured ng Dark Source, hindi ba? Wala na akong ibang option, kaya gagawin ko ito kahit ano pang kinalabasan.

Bumaba ako't nilapitan ko si Vita na nakahandusay sa ilalim ng lupa ng tatlong talampakan. I clenched both my hands at sinubukang higupin ang black hollow niya. I can now sense the air element around me. At unti-unting lumabas ang itim na usok sa katawan niya tungo sa mga kamay ko. Parang nag-ch-channel ng enerhiya namin.

It's on my body now, hindi ko pa rin maiwasang manghina sa black hollow. Parang tinusok-tusok ang buong katawan ko. Kung iispin ko, labing-dalawang ganito ang gagawin ko, mabubuhay pa kaya ako?

I saw blood coming out from my mouth.

"Y-You saved me," Vita.

Nagising na pala siya, buti naman mas unang gumaling ang pinakamataray sa lahat.

Agad niya akong inalalayan. Pinasandal niya muna ako sa katawan niya habang ubo ako nang ubo sa dugong lumalabas sa bibig ko.

"I found you!" bungad ni Blu sa amin.

Syet! hindi pa nga ako tapos sumuka ng dugo eh.

"Heal yourself first, I'll deal with her," bulong ni Vita sa akin.

Sinubukan kong mag-self healing, nagawa ko na ito dati eh pero hindi ko alam kung paano, nadala lang kasi ako sa emosyon nun. 

Nararamdaman kong sumasakit na naman ang dibdib ko gaya noong nasa maze kami. Napahawak ako sa dibdib ko. Inhale, exhale, Sky.

Napatingin ako ngayon sa naglalaban na magbestfriend. Fire versus Water. Gaya ng nabasa ko sa libro ni miss Friah, delikado kung maglalaban ang dalawang magkaibang elemento lalong-lao na ang tubig at apoy.

Nilabasan ko ng fire wreck si Blu at saktong tumama naman sa ito kaniya, nakapokus kasi siyang kalabanin si Vita. Binitag ni Vita si Blu sa kaniyang water ability.

"Help her, please," pagmamakaawang tono ni Vita. Naiintindihan ko rin siya, matalik na kaibigan niya si Blu eh. 

Itinuon ko ang kamay ko sa kaniya para higupin ang kaniyang black hollow. Sumakit na naman ang tiyan ko at sumusuka na naman ako ng dugo. Agad akong inalalayan ni Vita, puno na ngayon ng dugo ang gown niya. Nagkaroon na rin ng malay si Blu.

Umalis na kami, napansin naming ang daming mga estudyante ang nawalan ng malay. Sa tingin ko nahawaan na sila ngayon ng black hollow. Homaygash! Anong pwede kong gawin? Hindi ko naman kayang higupin isa-isa lahat ng estudyante rito sa isang gabi lang.

"Sky! Tulong!" tawag sa akin ni Klyde na tinatabihan ang nakahigang si miss Friah.

"A-Anong nangyari?" ako.

"Inatake kasi siya ng isang Aries," tugon niya.

"Alam mo ba kung nasaan si miss Twinkle?" tanong ko.

"Papunta na po siya rito," tugon niya.

"Anong nangyari dito?" bungad ng kakarating na si miss Twinkle. Agad niyang ginamot si miss Friah at ako rin na hinang-hina na ang katawan.

May sampu pa akong papatinuin. Pumapayag naman sina Vita at Blu na tulungan akong dakpin ang ibang Zodiac Circle members.

"Wala bang mga Dark Source warriors?" hinang tanong ko.

"Wala, ang iba kasi pinaslang ng mga Zodiac Circle at ang iba ay nagsialisan, ang natitira nalang ngayon dito ay ang hari at ang mga kasamahan ninyo," miss Twinkle.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant