Chapter 59

674 34 1
                                    

Bumalik na ako sa dorm pagdating ng alas otso, pero bago pa man ako makapasok, rinig ko ang pag-aalalang tono ng mga girls.

"Nasaan ba si Sky?"

"Bakit? May nangyari ba kanina ha?"

"Umalis siya sa Training Ground kanina para mag-cr pero hindi na bumalik."

Pumasok ako at bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng tatlo.

"Saan ka ba galing?"

"We're so worried about you."

They should've sensed my aura.

"Why are you hiding something from me?" tanong ko.

"What?" Ara.

Seryoso akong nakatingin sa kanila. They just gave me a confused reaction.

"I look like Karsten, right?" ako.

"S-Sky," Oe.

Natahimik silang tatlo. Pero kahit pa man nagawa nila sa akin 'yon, nangingibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal ko sa kanila. My humanity rate right now is 51%. Mahal ko pa rin sila kahit na nasaktan ako sa nalaman ko.

"Gusto naman sana naming sabihin--," Ara.

"Until when?" ako.

"--baka kasi magulat ka," dagdag niya.

"How could you guys? Akala ko ba magpakatotoo tayo?" ako.

"We are truly sorry Sky," Cass.

"You do look like Karsten, but you are different from her," Oe.

"Bakit kami magkamukha?" ako.

"H-hindi rin namin alam," Ara.

"Sir Polaris told me na magkamukha lang talaga kayo pero hindi kayo blood related," Oe.

"H-how is that possible?" ako.

"We don't know Sky," Cass.

"Huwag mo naman sana isipin na pinalitan mo si Karsten sa amin, don't overthink too much, Karsten is long gone and she will always have a place in our hearts, and of course iba rin sa iyo, minahal ka namin bilang si Sky Nunez," Ara.

"Of course, hindi ko naman talaga pinalitan si Karsten dahil siya ang pumalit sa akin sa inyo," ako.

"Sky? Are you okay? Naninibago lang ako sa iyo ngayon," Cass.

"I am," ikli kong sagot.

Humiga na ako sa higaan at natulog. Alam kong nakatingin pa silang tatlo sa akin pero hindi na ako kumibo sa kanila at nagpatuloy sa pagtulog.

Kinabukasan, ako ang unang nagising kaya lumabas na ako sa dorm. It's a nice routine to fly up early in the morning. Nasa labas ako ng building at naglevitate, I can see the beauty of the rising sun, pero wala akong makikitang magagandang tanawin dahil sa nakaharang na walls sa buong school.

But in fact, may maiitim na usok pa rin na lumalabas sa mga kamay ko.

Ano kayang mangyayari kapag sisirain ko ang wall? Will I be expelled? Will they imprison me like what they did to miss Friah?

"Psst Sky!" tawag sa akin ni Cyrus.

"Oh, hi dear Cyrus!" tugon ko.

"Dear Cyrus? Wew," tugon niya at nakapamulsa.

"Bakit? Ayaw mo ba? Last time I checked, may gusto ka sa akin, you even dared to confess," ako. Tinarayan ko siya.

"Akala ko ba bumalik ka na sa dati?" siya.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now