Chapter 23

880 53 0
                                    

*** Photo above is Gino Kemka***

*---*---*---*

Hanggang sa nakaabot na kami ng 11th floor, non-stop na nagsasalita si Gino.

"I know, we never had a proper introduction before, pero magalak talaga akong makilala ka and I am truly sorry for mistaken you as Karsten," sabi niya.

Hindi naman big deal sa akin iyong nangyari kahapon sa classroom nila. Why is he sorry anyway?

"Masaya rin ako dahil napaka-friendly mong tao," tugon ko sa kaniya.

"Ah, dito ba ang classroom mo?" tanong niya.

"Yes, but may 1 hour vacant pa ako," sabi ko naman.

"Perfect! So we can talk more," react niya.

Bago lang naman kami nagkakilala pero para na kaming close na magkakaibigan, halos anu-anong topic ang pinagkukuwento niya, tapos ako naman naaaliw habang nakikinig sa kaniya. Talkative si Gino, opposite sa una kong impression sa kaniya.

"Ganito ka ba talaga ka hyper?" biro ko.

"Oo naman, mas nakakagaan kasi sa pakiramdam na ipinapakita mong masayahin kang tao," Gino.

Ang cute ni Gino, he's a boy but with a feminine side.

"You're still a bronze, I see, gusto mo tulungan kitang magrank-up agad?" tanong niya.

"Talaga? Sure ka?" ako.

"Sabay nga kami ni Blu dati, kaso mas nauna pa siyang nag rank up kaysa sa akin kasi napakatalino ng babaeng iyon," siya.

Blu? Ah iyong kasama ni Vita?

"Blu? Iyong fire user?" ako.

"Yes, bestfriend siya ni Vita, at siya rin ang pinakaclose kong babae," tugon niya.

"Bakit ka na-stuck sa gold rank? Ayaw mo bang maglevel-up?" tanong ko.

"Eh ito lang kasi ang kaya ng magic ko," tugon niya ulit.

"Pero pumupunta ka naman sa Diamond classroom," ako.

Ngumiti lang siya.

"Ano nga pala ang zodiac sign mo?" ako.

"Isa akong Aries," tugon niya.

Sa tingin ko hindi siya marunong gumamit ng elemental power, iyon ang kulang sa kaniya para magiging diamond rank na siya.

"Ah Sky, marunong ka bang mag telepathy?" bigla niyang change topic.

"H-hindi, ano iyon?" ako.

"Parang ganito...," tugon niya tapos ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Sky! Can you hear me? " bigla siyang pumasok sa isip ko, nakita kong nakapikit pa rin siya at nakatikom ang bibig niya.

"This is telepathy, we can communicate through our minds without anyone else hearing it, " boses ni Gino sa utak ko.

"P-paano mo nagawa 'yan?" ako.

Binuksan na niya ang kaniyang mga mata, "madali lang ito, actually kami lang ni Blu ang nakakaalam sa technique na ito, and we sometimes communicate using telepathy anywhere anytime, and I can teach you if you want" Gino.

"Sige ba, promise mo 'yan ah?" nasasabik kong react.

"Bukas, pagkatapos ng klase mo, meet me at the diamond rank building's rooftop," siya.

Tss, diamond building? Makikita ko na naman ang bruhang 'yon. Si Vita na parang takas ng mental na sumusugod bigla.

"Oh, and Sky, I have one condition para sa aking taos pusong paglilingkod," Gino.

"Huh? Ano naman 'yon?" ako.

"Secret lang muna, basta pumunta ka doon ah, maghihintay ako," huli niyang sambit nang bigla siyang nawala sa paningin ko. Para akong ginhost dito ah.

Pumasok na ako sa classroom nang biglang lumindol. Syeeet! Nasa 11th floor ako for pete's sake!

Agad naman itong huminto.

Bell rings for announcement..

"Attention all students and staffs! Please go to the evacuation area immediately," announce.

Evacuation area? Saan naman iyon?

Ako lang mag-isa sa classroom, wala rin akong nakikitang students sa hallway at hindi rin pwede gamitin ang elevator. So maghahagdan nalang ako, and what's worse? Hindi ko kabisado ang daanan kasi nga naliligaw ako minsan sa sobrang laki.

And yes! Natataranta na ako.

Napadaan ako sa hallway kung saan una kong nakita si Oe na kasama si sir Polaris dati. At napansin kong nakabukas ang pintuan ng room ng may outerspace effect. Nilapitan ko ito.

"May tao po ba riyan?" Sigaw ko.

Pero walang sumagot, papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Sky!" tawag sa akin ni miss Friah.

Naka-formal attire siya na kulay pink. Wavy brown hair na may hair pin sa itaas ng kaniyang tenga na nakaipit sa kaniyang buhok. Ngayon ko lang ulit siya nakita.

Lumapit ako sa kaniya, "miss Friah, ano pong nangyayari? Bakit po lumindol?"

Tanga mo Sky, anong akala mo kay miss? Philvocs?

"Everything is going to be okay, relax lang, minsan kasi may mga pangyayaring beyond na ng kakayahan natin, if you know what I mean, I guess nag-aral ka naman sa normal school diba? It's called science?" tugon niya.

"Ah oo po," ako.

Nagsimula kaming maglakad.

"Alam mo ba kung ano ang tawag sa bandang iyon?" tanong niya sabay turo sa room na may outerspace effect.

"H-hindi po," ako.

"It's the Zodiac Shrine," tugon niya.

"Oh! Iyon pala ang Zodiac Shrine? Pangalawang beses na akong nakapunta doon, wala akong kaalam-alam na iyon na pala ang famous Zodiac Shrine ng school," ako.

Bumaba na kami tungong ground floor, kalmado lang si miss Friah kaya wala akong rason para mag panic.

"Binabasa mo ba ang libro na bigay ko sa'yo?" miss Friah.

"Opo, I learned a lot," ako.

"Don't worry Sky, you will rank up in no time, just keep practicing, you can master your ability quickly," miss Friah. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Sana nga araw-araw ko nalang kasama si miss Friah kaso bihira ko lang siyang nakikita sa paaralan.

Napansin kong nasa ground floor na kami and I saw students outside.

Nag-goodbye na ako kay miss tapos hinanap ko ang mga kaklase ko o sina Oe, at tamang-tama naman dahil nakita ako ni Cyrus.

"So ano? Wala ba tayong pasok ngayon?" tanong ko kay Cyrus.

"Meron pa rin eh, sabi ni sir Polaris na resume ang lahat ng afternoon class," Cyrus.

Mahigpit din pala si sir Polaris, daig pa ang dati kong university na magkaklase pa rin kahit sobrang taas na ng baha.

Kinalaunan ay pumasok na kami sa changing room para magbihis ng aming PA Uniform, sabi ni miss Lydia na patuloy ang pag-eensayo namin ng martial arts.

Aja! Laban Sky Nunez!

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now