Chapter 72

694 39 1
                                    

*** Photo above is Anna Juris ***

*---*---*---*

We left Carina's body sa may mga puno na palagi naming ini-estambayan ni Cyrus dati. Tinakpan na muna namin siya ng isang tela. Babalikan lang namin siya kapag matapos na'to lahat. For now, her body is safe in here.

Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Pati na rin sina Anna at Kim. At si Grus naman non-stop na nag-sosorry sa amin.

"It's not your fault Grus, it's my fault, kung nahigop ko lang sana kaagad ang black hollow mo, hindi na sana mangyayari ito," ako.

Pero mananagot ngayon ang may pakana talaga ng lahat ng ito.

Pinunasan ko na ang mga luha ko. "Nasaan sina Oe?" tanong ko.

"Nasa loob sila ng Zodiacus, nandoon din ang hari," tugon ni Crater.

Hindi na ako nakakapag-isip nang matino. The Dark Source must pay everything they've done to our school and to our home. 

"Teyka, hindi mo balak na atakihin sila diretso sa loob no?" tanong ni Vita.

"May ibang paraan ka ba?" ako.

Nagbabaga ngayon ang katawan ko. I can feel the black smoke coming out from my hands. 

"Nagpapakita ka lang ng kaduwagan mo Vita, you're still a lowly witch after all," dagdag ko.

Natahimik si Vita.

Biglang nag ring ng bell ang tenga ko kaya napaluhod ako. "Aahh."

"Sky, anak," boses ni Mama sa tenga ko.

"M-Mama?" wika ko.

"Sky? Okay ka lang?" Anna.

"Control yourself, do not lose yourself," Mama.

B-Bakit? Bakit ko naririnig ngayon ang boses ni Mama sa isipan ko? Is my power really getting stronger and stronger? Kasi dapat sa panaginip ko lang nakakausap ang mga namayapa na.

"Control yourself anak, huwag mo hahayaan na ang kapangyarihan mo ang magkokontrol sa iyo. Do not let the Dark Source win," Mama.

"Anong ibig mong sabihin mama?" ako.

"Control yourself," Mama.

"Umiilaw ang batok mo Sky," Kim.

Tumayo ako't itinaas ko ang buhok ko, ipinakita ko sa kanila ang simbolo ng Ophiuchus. "I am an Ophiuchus, I have the power of all elements, I will save us all."

"At kailangan mo rin ng back-up, kaya nandito kami," boluntaryo ni miss Friah.

"Tara na," ako.

Dumaan na kami sa daanan tungo sa Zodiac Shrine. Hindi ako sigurado sa tinatapakan ko pero nararamdaman kong tama ang dinadaanan namin. Nang makapasok na kami sa Zodiac Shrine, may isang pintuan doon. Pumasok na kami sa loob. Napansin naming walang niisang kawal ng Dark Source ang nakabantay sa daanan. Expecting some guests huh?

Nakita namin sa isang kwarto na puno ng naggigintuhang disenyo ang isang upuan. Parang upuan ng isang hari. Trono kumbaga. Nagpakita naman si sir Polaris na nakasuot ng kakaibang damit. Umupo siya sa upuan. Lumbas din ang limang inaasahan kong tao. Sina Oe, Ara, Cass, Cyrus at si Third.

"Sky, sumama ka na sa amin," wika ni Ara.

Kumikinang ang kanilang mga mata. Their Zodiac Power is activated.

"How could you do this to my friends!" sigaw ko kay sir Polaris.

"We're still your friends Sky, nakalimutan mo na ba kung gaano ka namin ka mahal?" dagdag ni Ara at napatawa.

Nasa likuran ko ngayon ang mga kasamahan ko pati na sina miss Twinkle, miss Friah at si Klyde.

"Hindi mo ba ako na-mi-miss, anak?" wika ni sir Polaris sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakikita ko ngayon ang umiilaw na scorpio zodiac sign sa leeg niya. I-It can't be.

Matagal nang patay ang papa ko.

"Anong ibig sabihin niya Sky?" tanong ng mga kasamahan ko.

Hindi ako makapaniwala. Kaya pala kahit gaano ko tanungin si mama dati tungkol sa kaniya, ang sasabihin lang ni mama ay masama siya at matagal na siyang patay kaya wala akong dapat na malaman tungkol sa kaniya.

May halong Dark Source ang dugo ko?

"Hinding-hindi ako magiging anak mo, pinatay mo ang mama ko! Isa kang halimaw," tugon ko.

"Pwes, tapusin na natin 'to," tugon din niya.

Biglang may itim na usok na lumabas sa katawan ni sir Polaris na parang isang kaluluwa. Lumipat ito sa katawan ni Third.

Bigla akong hinila ni miss Twinkle. "Sky, siya ang hari ng Dark Source, ang diyos ng Scorpio, hinding-hindi mo siya matatalo sa lebel ng kapangyarihan mo ngayon."

Umiling lang ako sa kaniya. "Miss, magtiwala lang kayo sa akin, makakaya ko ito."

Napatingin ako may miss Friah na parang proud na proud sa katapangan ko. She just gave me a do-your-best and we-are-here-for-you look.

Umupo si Third sa upuan ng hari. Nawalan naman ng malay sa gilid si sir Polaris. So it was just a shell after all. Hindi kalaban si sir Polaris. Ginamit lang siya rito ng hari.

Hinarap na kami ngayon nina Oe, Ara, Cass at Cyrus.

Isn't it weird na mas masaya akong makita ang mga kaibigan ko ngayon? It's no big deal kung kakalabanin nila ako, I just want them back to normal.

Sabay-sabay silang umatake sa amin kaya rumesbak agad sina Blu, Vita, Anna, Kim, Crater at Grus.

Hindi ko na dapat patagalin ito, kailangan ko nang higupin ang black hollow nila.

Umatake sa akin si Oe. Pinagsusuntok niya lang ako, magaling din pala siya sa combat skills. Binigyan niya ako ng sunod-sunod na air attack pero nadepensahan ko agad.

Umatake rin sa akin si Ara na kanina ay kalaban ni Grus. Her evil stares doesn't suit her. Isang masiglahing babae si Ara. I will definitely get you back.

Naglabas siya ng water splash sa akin. Nilabasan ko rin siya ng water splash. Bigla niya akong sinakal ng kaniyang water thread kaya hindi ako nakagalaw nang ilang segundo. Pagkakataon ko nang higupin ang kaniyang black hollow, pero sinipa ako ni Cass. Aray ha!

Tumalsik ako at nasubsob sa pader. Napatingin ako sa itaas ng nakaupong si Third. Third. He just looked at me emotionlessly.

Hinagisan ako ng matalim na sandata ni Cass at gumawa pa siya ng mas maraming sandata na iba-iba ang designs. Metal Manipulator. Ginamitan niya ng telekinesis ability si Crater kaya dumikit ang katawan nito sa dingding, agad niyang ginapos ang katawan nito ng makapal na bakal at umakmang sasaksakin ng sandatang hawak niya.

"Hoy! Babyboy mo 'yan!" sigaw ko.

Sinipa naman agad ni Kim si Cass at sinampal ng pamaypay na umaapoy. Agad kong tinamaan ng flame wreck sina Oe at Ara kaya nakatuon ngayon ang atensyon nila sa akin.

Nakita kong natumba halos ang mga kasamahan ko. At ngayo'y napapalibutan ako ng mga girls. Sabay-sabay silang umatake sa akin kaya mas tinaasan ko ang depensa ko.

"Wake up guys!" sigaw ko.

Sabay silang naglabas ng elemental ability sa akin kaya gumawa ako ng mas matibay na shield barrier. I-kino-cross ko ang mga kamay ko pababa para ma-stuck ang mga paa nila at hindi maka-alis.

"Sky! What are you doing?!" sigaw ni Kim.

Sabay-sabay kong hinigop ang kanilang mga black hollow. Araaaaaaaaaaaay!!! Parang sasabog ang ulo ko sa sakit.

And everything went black.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon