Chapter 30

860 54 3
                                    

It's Monday

It is indeed a beautiful day, nahawaan ako sa pagkakasabik ng tatlong kasama ko sa dorm na makalabas sa paaralan, ang destinasyon daw namin ay sa Zodiac High, and we have our private vehicle for that, wow.

"Let's go girls!" Oe.

Umagang-umaga pa pero nakahanda na kaming apat, papunta muna kami sa principal's office suot-suot ng aming school uniforms.

Magkakaroon daw kami ng short meeting with the school staffs.

"Ilang araw nga ulit ang vacation natin?" tanong ni Cass.

"Ah tatlong araw daw," tugon ni Oe.

Nakarating na kami sa principal's office at pumasok sa loob, bumungad naman sa amin ang sabay na nagtitinginang mga estudyante na nakasali sa activity noong sabado. Nakatayo rin sa harap sina sir Polaris, miss Lydia, at Miss Twinkle.

"Gusto naming bigyan kayong lahat ng parangal dahil sa pagtatagumpay ninyo nung nakaraang sabado," sir Polaris.

Naglabas ng pirapirasong clear crystal si miss Lydia at at pinalutang sa ere. Sinabayan pa ni miss Twinkle ng paglabas ng thread-like na dumidikit sa crystal kaya ito naging kwentas.

Lumutang ito tungo sa harapan naming mga estudyante. Tig-iisa naming kinuha iyon.

"Isuot ninyo at huwag ninyong hubarin iyan, dahil iyan ang ticket ng pabalik ninyo rito sa paaralan," sir Polaris.

"Bibigyan namin kayo ng kalayaang makapag-enjoy sa labas ng school grounds," miss Lydia.

"At syempre awtomatiko na kayong babalik sa paaralan after 3 days," miss Twinkle.

Puro ngiti ang reaksyon ng lahat ngayon.

Sinabayan na kaming lumabas sa building ng mga school staffs at papunta kami sa harap ng malaking gate ng school. Agad na itinaas ni miss Lydia ang kaniyang kamay para kami makalabas.

"Be careful students! Take care!" miss Twinkle sabay nag wave bye.

Nasa loob na kami ng isang mini bus. Nagkasya kaming 20, at ngayon katabi ko si Oe. Tig-dadalawa lang ang magkatabi, sampung estudyante sa kanan at sampu din sa kaliwa.

Nakita kong nasa harapan nakaupo si Third sa kabilang side at katabi niya ngayon si Crater. Nasa likuran din namin ni Oe sina Ara at Cass tapos sa kabilang side ng ka-row namin nakaupo sina Carina at Kim at sa harap naman nila nakaupo sina Grus at Anna. Nasa likuran nina Carina nakaupo sina Vita at Blu. Si Gino ay nasa likuran namin at katabi niya ay isang gold ranker na lalaki.

"Magandang umaga po, ako po ang inyong personal na drayber sa umagang ito, magsipaghandaan na po kayo at tayo po ay babyahe na tungo sa Zodiac High," bati pa ng nakaitim na mama na nakasuot ng black glasses at black suit sabay bow, parang pang-butler ang porma niya.

Maya-maya ay umandar na ang sasakyan tapos kaming lahat ay sabay na naghiyawan.

Nakikita namin sa bintana ng sasakyan ang kagandahan ng paligid ng nadadaanan namin. Sobrang ganda ng tanawin ng mga bundok dito, at ang sarap pa ng ihip ng hangin na nararamdaman namin ni Oe nang binaba niya ang bintana.

"Nakakamiss din ang ganito," wika ni Oe.

"Gaano kayo kadalas nakakalabas ng school?" tanong ko.

"Once a year lang naman," Oe.

Naiintindihan ko na namiss nilang lumabas ng campus, ako kasi isang buwan pa lang na nandun kaya hindi ako medyo na amaze.

"Anong plano ninyo guys?" tanong ni Ara sa amin.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon