Chapter 62

686 39 3
                                    

Kinabukasan, nagsimula na ang huling araw ng Zodiac Circle Tournament. Nasa loob na ako ng isang room kasama ang ibang fire elemental user. Nginitian naman ako ni Cyrus, mas masaya pa siya ngayon dahil bumalik na raw ako sa dati.

Nagstretching na ang ibang warriors samantalang ako, hindi ko alam kung anong intro-intro ko rito, first time ko kasing masali sa ganito, noong high school pa ako halos puro pananakit ng ulo lang ginawa ko sa kapwa ko.

"Galingan mo Sky ah," wika ni Cyrus. Napatingin siya sa kwentas ko, pero binaling niya agad pabalik sa mukha ko at ngumiti ulit, 'yong dimple talaga.

"Ang unang maglalaban ay ang Aries, tapos Sagittarius, at ang huli ang Leo," bungad ng isang guro sa amin at lumabas ulit.

Magsisimula na ang labanan ng Aries, nagteleport na sina Kim at Elizabeth sa loob ng dome, hindi namin makikita ang laban kasi bawal kami lumabas ng room kapag hindi pa oras namin.

"Sky," Cyrus.

"Bakit?" ako.

"Ano, um, pwede ba kitang yayain, sa ano, Zodiac Anniversary Night?" Cyrus.

Hala, inanyayahan niya ako, sobrang sincere din ng pagkakasabi niya. Eh pa'no na 'yan? Kapartner ko na si Third.

I didn't answer.

"Ah may kapartner ka na," dagdag niya.

Bakas sa mukha niya na parang maluluha na siya nang marinig niya ang responde ko. Ayaw ko talaga siyang masaktan eh, pero ayaw ko rin naman na umasa siya sa akin.

Lumipas ang ilang minuto, sobrang ingay na ng training grounds. Dineklara na rin ang nanalo sa Aries, nanalo si Kim. Pasunod na sa laban ang Sagi, pero iba na ang aura ngayon ni Cyrus sa akin. Kahit pa man gaano niya ipilit ang sariling niyang ngumiti sa akin, obvious pa rin na nasaktan siya.

"I don't want this to end," pagsasalita niya.

"But you chose him anyway," dagdag niya.

"Sana nga ingatan ka ng taong pinili mo," huling wika ni Cyrus sa akin bago pa siya nagteleport tungo sa loob ng dome.

Taong pinili ko? Si Third ang taong pinili ko, I know tanga ako sa part na 'yon dahil alam ko balang araw sakit ang ibabalik sa akin nito.

Nararamdaman kong nagsimula na ang labanan nina Cyrus. Hindi ko mapigilang mag-alala, sana magiging okay lang siya.

Nararamdaman ko ang aura ni Third sa labas ng dorm. Kilalang-kilala ko na ang aura niya.

Parang ang init na ng labanan ng mag-Sagittarius ah.

Nakita ko si Blu na kalmado lang ding naka-upo sa gilid.

Ilang minuto ay nagsalita siya.

"I know you want to win, pero hindi ko maibigay sa'yo ang gusto mo Sky, I also want to win, for Gino," Blu.

"I know Blu," tugon ko.

"You improved a lot Sky, ibang-iba ka sa pinakaunang pagkikita natin," Blu.

Unang pagkikita namin? "Tama, sa classroom n'yo dati diba? 'Yong nagkabanggaan kami dati ni Gino?" ako.

"Hindi, sa principal's office, unang pagdating mo talaga rito," Blu.

Sa principal's office? Ah wait? Siya ba yung babaeng tumulong sa akin dati? Iyong may mainit na kamay sa ulo ko nang bago ako nagkamalay sa loob ng opisina ni Sir Polaris? Iyong araw na dinukot ako ng taga Dark Source at napadpad dito?

"AND THE WINNER IS, CYRUS PARK!" announce.

Wow, nanalo si Cyrus. Mabuti naman.

"Magready na kayo girls, kayo na ang susunod," wika ng guro.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now