Chapter 57

694 36 1
                                    

Dreaming..

"Sky," boses ni mama.

"Mama? Kamusta ka na?" tanong ko. Malinaw kong nakikita ang mukha ng mama ko ngayon, she's sad.

"I'm sorry I did that to you, I erased all your memories," tugon niya.

"Bakit mama?" ako.

"To protect you, dahil mayroon kang bagay na ikaw lang ang mayroon sa mundong ito ngayon," mama.

Ako lang ang mayroon sa mundong ito? Anong ibig sabihin nun?

"You are really special Sky, bago ako namatay, ginamitan kita ng erase ability na kung saan bawat gamit mo ng ability mo ay makakalimutan mo at hindi mo maaalala ang mga ito, it's a protection-- against yourself," mama.

"But now, I am starting to remember everything-- dahil kay miss Twinkle," ako.

"Twinkle was my dearest friend. She has the most amazing healing ability in the world, samantalang ako ay mayroong ability na makapag-pabura, we were opposite in nature," mama.

"Your friend? Kaya ba pinapapunta mo ako sa paaralang ito ma? Kilala na ba niya ako?" ako.

"No Sky anak, no, hindi ako ang nagdala sa iyo sa Zodiac University, kundi ikaw, sarili mo mismo," mama.

Napaisip ako sa mga pangyayari. Gulong-gulo na ang utak kong buuin ang puzzle. Bakit sa paglipas ng panahon, mas lalong naging komplikado ang lahat?

"Your magic is too powerful, you can be dangerous kapag hindi mo makokontrol ito, you have the power both the good and the bad," mama.

Biglang nag-shift ang lugar.

"Sky! Halika na! Bilisan mo," biglang may humila sa akin na isang high grader na babae na may black curly hair.

Pamilyar na sa akin ang lugar na ito ah, tumakbo kami ng babae tungo sa isang wide field. Maraming punong-kahoy sa tabi. Tapos sa harap namin ay isang malawak na kapatagan.

"Sino ka?" ako.

Lumingon siya sa akin with her wide smile. "Papagalitan na naman tayo ni Principal Evans nito, pero bahala na," si Oe.

Tama, nasa Zodiac High pala kami. Hindi ko alam na may ganito pala sa lugar dito.

"Oh, nandiyan na naman si mr. Heartthrob," bulong niya. Nakatago kami sa isang puno. Tiningnan ko kung sino ang tinutukoy niya, pero nanlaki ang mga mata ko nang masulyapan ang baby face na si Third. Sobrang astig niya, and he is also wearing boys' uniform ng Zodiac high. Nakahiga siya ngayon sa ilalim ng puno.

"Wait? May crush ka ba kay Third?" tanong ko kay Oe kasi parang kinikilig siya habang pinagmasdan si Grinch eh.

"Ano? Nabagok ba 'yang ulo mo ha? Syempre ikaw! Ikaw ang matagal nang may crush kay Third kaya nga tinutulungan kita," Oe.

Nanlaki na naman ang mga mata ko.

Woah, bakit sobrang opposite ng Oe na ito at Oe sa present day?

Napansin naming may babaeng papalapit kay Third, si Vita pala. Eh? Wait, magkakilala na kami ever since?

"T-Third, ginawa ko ito para sa iyo," wika niya at may iniabot na origami kay Grinch.

Agad akong lumapit kay Vita at sinumbatan ko siya. "Excuse me lowly witch, you're in my way," ako. Tinulak ko si Vita at agad naman siyang nag-sorry sa akin.

"You can sneak into someone's friend, but you cannot sneak into someone's lover," dagdag ko.

Oo nga, at ngayon, naaalala ko na ang pangyayaring ito, magkaibigan na kami ni Oe ever since nasa Zodiac High pa kami, and I like Third din dati pa. This happened before ako na expel sa school dahil sa attitude kong nilalagay ko sa peligro ang buhay ng mga non-casters. I was a pain in the ass kay Principal Evans.

And then, napagpasyahan ng dad ni Oe na sa normal na paaralan nalang ako mag-aaral, pero wala na akong narinig mula sa kanila noong tumungtong ako ng college. And then,-- my life turned upside down.

My miserable life was a punishment, being unable to remember anything was my punishment for being a bitch to everyone. Now, everything makes sense.

End of dream.

Pagkagising ko, mukha ni Oe ang bumungad sa akin kaya agad ko siyang niyakap.

"Hey? what's this all about?" siya.

I can't believe I found her again, she was my dearest friend ever. Hindi ko na sinabi sa kaniya na naaalala ko na lahat. I just hugged her like I missed her for a very long time.

"Good luck Cass!" Ara.

Today is the Zodiac Circle Tournament ng Earth elemental users. Nasa training grounds ulit kami, at mas malaking shield dome ngayon ang nasa harapan namin.

Nagsimula na ang labanan ng unang kompetisyon. Nasa loob na ng dome si Grus at ang makakalaban niya. Tiningnan ko ang paligid pero wala si Third, nasaan kaya siya ngayon?

Umatake na ang kalaban kay Grus pero si Grus nakameditation pose lang sa harap ng kalaban. Iba't-ibang bato ang nagsilabasan mula sa lupa at halos parang nabibiyak na ang sahig dahil sa lindol na ginawa ng kalaban.

"Ano bang ginagawa ni Grus? Bakit hindi siya lumaban?" ako.

"That's Grus' technique, he has the imitation ability kasi, once makakalapit ang kalaban sa kaniya sa loob ng limang metros, makokopya niya ang kilos nito," Ara.

That's a cool power.

Kinalaunan, nagsimula nang magsalpukan ang dalawang naglalaban na halos magkapareho lang ang kinikilos. Pero mas nakakalamang ngayon si Grus dahil binabasa niya ang kilos ng kaniyang kalaban.

Naglabas ng malalaking bato ang kalaban at itinuon patungo kay Grus pero bago pa man ito tumama kay Grus ay naglabas din si Grus ng mas malalaking bato at ibinalik ito sa kalaban.

Sinundan niya ito ng mga atake hanggang sa bumaon ang katawan ng kalaban sa lupa. Kahit pinagpawisan si Grus sa loob, sobrang cool pa rin niya.

Biglang tumayo ang katabi kong si Oe at umalis si pwesto namin.

Naglabas ng energy ball ang kalaban. At agad namang nasunod ni Grus ito. Naipanalo ni Grus ang kompetisyon nang may nagpakita na Capricorn sign sa pisngi niya.

Sumunod na ang kompetisyon ng mag-Taurus. Sina Cass na ay nasa loob ng dome. Sobrang laki ng ngiti niya sa amin ni Ara kaya nag-cheer kami sa kaniya. Mas lumaki ang ngiti ng babaita nang makita niya si Crater sa kabilang side na nag-ch-cheer din sa kaniya. Hay lovebirds.

Napansin ko sa may exit na nag-uusap sina Oe at Third. Hmmm? Tutuksuin ko kaya si Oe. Sobrang kontrabida niya kasi sa amin ni Third, ipapaalala ko kaya sa kaniya kung gaano siya boto sa amin dati? Hekhek.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon