Chapter 1

2.6K 131 8
                                    

*** Photo above is Sky Nunez ***

PLEASE NOTE: The whole story is from Sky's POV.

*---*---*---*

SKY

Breathes heavily..

"Sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?!" sigaw ko sa mga sumusunod sa akin na hindi ko naman kilala.

Mga lalaki at mga babae. Silang mga naka-itim ang kasuotan. Mga mapupulang mga mata. Halimaw. Hindi nila ako tatantanan, pinipilit akong sumama sa kanila.

"Mga mamang pulis, nagsasabi ho talaga ako ng totoo, may mga halimaw na sumusunod sa akin! Like literal monsters! Mukha silang mga tao pero mapupula ng kanilang mga mata!" pilit kong ipaliwanag sa kanila. Kahit saang police station ako hihingi ng tulong, pare-pareho ang kanilang mga sagot.

"Ano 'yon? Mga bampira? HAHAHA!"

"O, kaya nama'y aswang?"

"Uso pa pala ang mga 'yon sa panahon ngayon?"

Pinagtatawanan na lang nila ako. Iniisip nila na nababaliw na ako, o kaya nama'y tuluyan ng baliw dahil wala na akong mga magulang, walang nag-aalaga sa akin, walang kamag-anak.

"Alam mo iha, ilang beses ka nang lumapit sa amin, pinagbigyan namin ang kagustuhan mo, pero wala namang katotohanan lahat ng sinasabi mo. Ilang araw na naming hinahanap ang mga halimaw na sinasabi mo pero wala naman kaming nakita," tugon ng isang lalaking pulis na mukhang seven months pregnant.

Napakuyom ako ng aking mga kamay dulot ng halong galit at kaba. Wala ng ligtas na lugar para sa akin dito. Kahit saan na yata ay nanganganib ang buhay ko. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang tumanda, kung papalarin ay gusto ko pang magkaanak at magkaapo.

"Miss Sky Nunez, why didn't you study? What's the use of your books if you won't read them? I asked you an easy question but you chose to answer me in silence?" sermon sa akin ni Prof. Herman.

"Freshman nowadays, mas mabuti sigurong hindi na kayo mag-aral kung ang utak ninyo ay katulad ng utak ng babaeng 'yan," dagdag niya.

Napakuyom ulit ako ng aking mga kamay. Pinagpawisan. Hindi dahil sa pinahiya ako ni prof sa harap ng klase kundi dahil nararamdaman kong pati sa unibersidad ay sinusundan pa rin ako ng mga halimaw na 'yon.

"Get out of my class, Miss Nunez! Get out! I don't need a lazy student like you!" sigaw niya.

Wala akong magagawa. Parang tuluyan na akong tinakwil ng panahon. Wala na akong karamay sa mga panahong ito, nag-iisa lamang ako katulad ng nakasanayan ko. Patay na ang mga magulang ko dahil sa car accident noong walong taong gulang pa lamang ako. Naisangla ko na ang mga kagamitan namin. Nasunugan pa ako noong nakaraang taon. Naiwan akong mag-isa sa nakakatakot na mundong ito.

Hindi naman sana ako nagka-amnesia ngunit hindi ko na maalala ang mga nakaraan ko. Iyon din ang isa sa mga mapait na parte ng buhay ko.

Nasa harap ako ng isang wishing well. Humihingi ng tulong sa mga bituin na sana'y bigyan nila ako ng isang lugar na kung saan makapamuhay ako nang payapa, kung saan ako ligtas.

"Zodiacus.."

HUH?

May nagsalita.

May bumulong sa akin.

Pero..

wala naman akong kasama rito.

Ano 'yong sinabi niya? Soda cutes?

Nyemas, nawawalan na yata ako ng bait, hindi na maganda 'to. Makaalis na nga.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt