Chapter 26

850 48 3
                                    

*** Photo above is Blu Kensan ***

*---*---*---*

Nakasuot ulit ako ng school uniform.

Naalala ko ang sinabi ni Gino na tuturuan niya ako ng telepathy kaya nagtungo na ako sa itaas ng building ng mga diamond rankers, sa rooftop.

Nakita ko naman doon si Gino na nakahiga sa upuan. Isang basketball court pala ang mayroon sa rooftop nila. Super cool.

"Hi Sky! Ang aga natapos ng klase ninyo ah," bati ni Gino sa akin.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

"Wala, so ready ka na ba?" Gino.

"Oo naman," ako.

Nasa gitna kami ng court, naka meditation pose. Nagcoconcentrate si Gino na parang dinamdam niya ang aura ng paligid.

"I cannot sense your powers, bakit mo itinatago?" tanong niya sa akin.

"Haaa? Tago ka diyan hindi nga ako marunong maglabas ng kapangyarihan ko," ako.

"Matalas ba ang senses mo?" dagdag niya.

"Medyo," ako.

Inilagay niya ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang noo.

"Damdamin mo ang opening ng isip ko," Gino.

Ipinikit ako ang aking mga mata at dinamdam ko kung anong weird feeling na nasa paligid namin. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang opening.

"Actually Sky, may favor ako bago natin ipagpatuloy 'to," interrupt niya.

"Ano iyon?" ako.

"Uh, a-anong pakiramdam ninyo kapag may magconfess sa inyo?" tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang seryoso kong mukha ay napalitan ng tawa, nahihiya pa siyang magsabi. HAHAHA.

"May crush ka?" ako.

"M-meron, pero hindi niya alam, I mean hindi pa," tugon niya.

"Syempre magiging masaya kami no? Ako nga mas prefer ko ang mga lalaking hindi torpe," ako.

Binigyan niya lang ako nga talaga-ba? look.

"Sino ba iyang crush mo?" ako.

"Si Blu," agad niyang sagot.

Woah friendship..

"Matagal na kasi kaming magkakilala tapos gusto kong sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero natatakot ako," Gino.

"Gagi! You should do it! Malay mo," ako.

Akala ko pa naman bakla 'tong si Gino.

"Sky, wala kasi akong ibang mahihingian ng advice kaya sa'yo ako lumapit," Gino.

Parang na flatter ako, akala ko kasi lumapit lang siya sa akin dahil napagkamalan niya akong si Karsten, ibig sabihin ba nito na mapagkakatiwalaan ako? Charot.

"Pero ayoko masira ang friendship namin, kaya lang napag-isipan kong mag take ng risk," siya.

Woah we have a brave soul here people! For keeps ang ganitong tao.

"Kailan mo balak mag confess?" tanong ko.

"Uh, gusto ko sa monday, kapag makakalabas kami ng school," tugon niya.

Ah oo, iyong activity, so sa monday pala ang trip.

"Ano bang kailangan kong gawin para mapasaya siya Sky?" tanong niya.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon