Chapter 13

1K 77 0
                                    

*** Photo above is miss Friah ***

*---*---*---*

Three hours earlier...

Dahil ako lang mag-isa sa araw na ito, naisipan kong pumunta sa library, at nagbabasakali na libangin ang sarili sa pagbabasa ng libro, nagawa kaya ni Cyrus na mag-aral nang mabuti kaya magagawa ko rin.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa library namin. Nanlaki ang mata ko nang makita kong walang niisang estudyante rito maliban sa librarian.

Ibang librarian ang nandito, wala kasi sina Crater kasi kasama siya sa mga nagtr-training ngayon sa training grounds. Pero ang nakapagtataka lang kasi medyo matanda na iyong nagbabantay.

"Hello!" bati niya sa akin.

Agad ko naman siyang nginitian para ipakitang friendly ako. Charr! Nilapitan ko siya para itanong kung bakit walang estudyante rito.

"Miss, bakit wala pong mga estudyante ngayon?" tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya habang nagaarrange ng mga libro na nakakalat sa iba't-ibang side ng room. Tapos tiningnan ako from head to toe.

"Still a bronze huh?" tanong niya.

Awkward. May issue ba siya sa badge ko?

"O-opo.." ikli kong sagot sa kanya.

Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng mga libro. Maging sa itaas na parte ay inakyat niya para lang ayusin iyon.

Oo inakyat niya talaga, hindi siya naglevitate o teleport o kung anong pang-taasan na ability meron ang isang estudyante. Napansin kong walang badge ang kaniyang logo, pero hindi pangkaraniwan ang disenyo ng kaniyang unipormeng suot.

"Miss, uhh-- may maitutulong po ba ako?" nauutal kong tanong sa kanya dala na rin ng pagiging awkward. Kasi mukhang kailangan niya ng tulong eh, siya lang kasi mag-isa tapos ang daming kalat sa loob, kung saan-saan nalang kasi inilapag ang mga libro.

Hindi muna siya sumagot. Mukhang hindi yata siya friendly, bihira lang nagsasalita tapos parati nalang akong tinitingnan. May dumi ba sa mukha ko?

"Marunong kang maglevitate?" tanong niya after a long dead air.

"Hindi po.." sagot ko sa kanya.

"Edi wala kang maitutulong sa akin."

Nagsimula naman siyang magsulat, mukhang minomonitor niya ang mga libro. Ay natural! Iyon naman ang trabaho ng isang librarian hindi ba?

"Ah sige po, aalis na po ako." wika ko sa kanya.

Wala akong magagawa dito.

Papalabas na sana ako nang biglang namamanhid ang katawan ko, hindi ako makagalaw.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya,

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

"Miss!--" tawag ko sa kanya, pansinin mo naman ako oh! Parang naparalyze ang na katawan ko nito "a-augh.."

Hindi pa rin niya ako pinapansin. Alam kong siya ang may gawa nito. Or I think na siya kasi kami lang naman dalawa rito.

"Stop this!" sigaw ko sa kanya.

Pagkatingin ko ulit sa kanya ay bigla siyang nawala. Nasaan siya? Nyemas! mamamatay na ba ako nito?

My legs and arms are frozen. I can't move..

I can't feel a thing.

Napalingon ako sa buong library, wala siya.

I--I can't just stay like this. I have to fight.

I am strong. I have to be strong.

Pero ang problema kasi hindi ko pa alam paano gamitin ang ability ko talaga.

But I have to be strong, I can do this.

Suddenly, I felt something surrounding me. It's hot. Nararamdaman kong umiinit ang mga binti ko paakyat tungo sa mga braso ko hanggang sa nararamdaman ko ito sa buong katawan ko.

*Breaks*

Breathes heavily.

"That was quick!" bigla may nagsalita sa likod ko.

Tiningnan ko siya na nagbabasa ng libro at naka crosslegs sa gitna ng room. Iba na ang damit na suot niya, pang guro. Nababasa ko ang pamagat ng libro na kanyang binabasa. THE ZODIACS.

"What is your name??" tanong niya sa akin.

"Sky--po," sagot ko sa kanya.

Napakunot ang noo ko ng tiningnan siya na parang walang nangyari. Kaya nilapitan ko siya.

"Wait a minute, what the heck was that?" inis na tanong ko sabay cross-arm.

"It's your magic you see," sabi niya sa akin pero hindi niya ako tiningnan, nagbabasa pa rin siya sa kaniyang libro.

My magic? Really?

"I'm Friah" bigla niyang pinakilala ang sarili niya sa akin.

Wow so ngayon naging friendly na siya? Binigyan pa niya ako ng isang matamis na smile. Nakakapagtataka, biglang nag-iba ang mood niya.

"That was my magic?" confirm ko.

"Yes, that's why you have to start training too." sagot niya.

And now sumasagot na siya. Mabait naman pala siya eh, akala ko masungit.

"Hindi ko pa po alam kung paano irerelease ang energy ko. So I still have to practice pa po." sambit ko sa kanya. "Wait? paano mo naman nalaman na hindi pa ako nagt-training?" tanong ko sa kanya with confusion.

"Eh ikaw lang ang nandito hindi ba? If you really do training dapat nandoon ka sa training grounds ngayon," sagot niya.

"How can you be sure na hindi pa ako nagtr-training?" tanong ko ulit sa kanya.

Sigh. "I can see your badge dear," sagot niya. "Anyway this can help," dagdag niya.

Oo nga no, since bronze pa ako, limited pa lang ang power ko.

Binigyan niya ako ng isang maliit na libro. Na may maliit na sulat.

"It has some information you need," dagdag niya.

"Talaga? Salamat po," sabi ko sa kanya.

"Teyka nga po pala, if magic ko iyon kanina, bakit po bronze pa rin ang badge ko? Hindi ba dapat mag rank up na ako?" Tanong ko.

Tumawa naman siya sabay sabing, "it doesn't work that way dear."

Okay awkward, babawiin ko nalang ang sinabi ko ng isa pang tanong, "um, parati po ba kayong nandito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, bihira lang. Bakit?" sambit niya.

"I want to talk to you again," sabi ko sa kanya.

"If you have something to tell me then we will meet again," tugon niya.

"Sige po.. mauna na po ako," paalam ko. "Ok lang po ba kayo dito miss?"

"Yes," sagot niya.

"Ah Sige po."

Dali-dali naman akong pumunta sa dorm ko para basahin ang libro. I still have 3 hours vacant eh, kasi naman lahat ng teachers namin sa morning ay nasa training grounds, ganoon ba ka importante ang training sa mga higher ranks ngayon?

I guess I have to train from now on too, pero hindi ko alam paano makapagsimula without Oe, Ara, at Cass.

*---*---*---*


Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now