Chapter 67

671 34 1
                                    

Pumasok na ang Zodiac Circle members as well as some teachers. Tinarayan na naman ako ni Vita.

"What are you doing here cripple?" Vita.

"Makinig kayo guys, huwag niyong ituloy ang ritual," ako.

Nagulat naman sila nang sabihin ko 'yon. Parang sasabog na ang mukha ng isang guro nang sabihin ko 'yon.

"Wow, looks like someone's jealous ah, hindi mo pa rin ba tanggap ang pagkatalo mo?" Vita.

"How dare you say that?" sita sa akin ng isang babaeng guro.

"This only happens once in a blue moon, sino ka ba para sabihin na huwag ituloy ang ritual?" sita rin sa akin ng isang lalaking guro.

"Know your place kid, show some respect to your Zodiac Circle," sita rin ng isa pang guro.

Naging kasalanan ko na naman kahit na gusto ko lang gawin ang tama. Agad na hinawakan ni miss Twinkle ang kamay ko para patahimikin ako. It's useless to say it na.

"Kailangan kang masali Sky," bulong ni miss Twinkle sa akin.

"Miss Twinkle! How could you bring up some outsider students in this room!" sigaw ng isang mataray na guro kay miss Twinkle kaya tumaas ang alimpatakan ko sa inis.

"Get her out of here!" dagdag niya.

Bigla akong hinila ng dalawang lalaking guro pero umayaw ako at nagpupumilit na manatili sa loob. "NO! I'LL STAY HERE!" sigaw ko.

"Get your hands off her!" sigaw ni Third sa mga guro.

Seryosong mukha ngayon si Third. At pati na ang ibang Zodiac Circle members.

"You shouldn't do that in front of us if you want to keep this ritual," dagdag din ni Oe sabay cross-arm.

"Tama," Cass.

"Tama," Ara.

"Fine, then let's proceed, close the door! No time to waste!" tugon ng mataray na guro, mas mataray pa ito kaysa kay miss Kareen eh.

Pumwesto na sila sa gilid habang pinapalibutan ang wooden box sa mesa.

"We will start the ritual now," isang gurong babae.

Nasa gitna na ang bilog ng buwan kaya maliwanag na ngayon ang gitna ng mesa kung saan inilagay ang wooden box. Tiningnan ko ang mukha ni miss Twinkle, kahit madilim ay alam kong umiiyak siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam ko sa kaniya na magiging-okay-din-ang-lahat.

Nasa gilid lang ang mga guro habang pinagmasdan ang Zodiac Circle. Hindi kaya kasabwat sila sa Dark Source? Ohhh noooes!

Kinalaunan ay dumating na si sir Polaris para masaksihan ang ritual. Umupo na siya sa may tabi at hinayaan ang ibang guro na magfacilitate.

Wala talaga akong ibang maisip kundi ang sirain ang wooden box eh. Kung tama man si Klyde, dapat mawasak na ito agad-agad.

Speaking of Klyde, wala na siya sa loob, clever kid.

"IN THE NAME OF THE FOUR ELEMENTS, THE EARTH, THE WATER, THE AIR, AND THE FIRE! IN THIS TIME AND IN THIS PLACE I CALL UPON THE POWER OF ALL OF THE CONSTELLATIONS TO BE WITH THESE STUDENTS AS THEY ARE NOW CHOSEN TO BE THE NEW ZODIAC CIRCLE MEMBERS."

Lumiwanag ang buong sahig ng tinatapakan ng Zodiac Circle at biglang nagkaroon ng outerspace effect sa loob. Iba't-ibang imahe ng planeta ang nakakalat ngayon. Sa astrology kasi, bawat zodiac sign ay may nakabantay na planeta, parang kontrolado ng isang planeta ang isang sign.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz