Chapter 6

1.1K 97 1
                                    

The Zodiac Circle.

Ito ay ang tawag ng grupo ng mga estudyante na namumuno sa Zodiac University.

Sila ang kilala bilang mga leader at pinakamalakas sa lahat ng mga estudyante, at gagawing tagapagbantay ng kapayapaan at kaayusan ng Unibersidad at ng Mundo.

Kung sino man ang mapabilang sa grupong ito? Ay magkakaroon ng malaking responsibilidad at gantimpala na panghabang-buhay.

"Iilan sa inyo rito ay umabot na ng isang linggo at hindi nyo pa rin nailabas ang abilidad ninyo, ayoko ng tatanga-tangahan dito ah," singhag ni miss Kareen.

"Para sa kaalaman ng lahat, may limang hierarchiya ang kapangyarihan ng paaralan na may pagkasunod-sunod na nagsisimula sa bronze, sunod naman ay silver, sunod ay gold, sunod ay diamond, at ang pinakamalakas sa lahat ang platinum," dagdag niya.

"Uh miss!" itinaas ng isang kaklase namin ang kamay niya.

"Bakit? Jitaruela?" miss Kareen.

"May naka-abot na po ba sa platinum?" tanong niya.

Naging maingay saglit ang klase ngunit sumagot kaagad si miss. "Wala pa, ang pagkakaroon ng platinum na kapangyarihan ay katumbas ng kapangyarihan ng mga diyos at diyosa."

"Wow amazing!"

"May stupid question ka pa ba? Kung wala na, ilabas na ninyo ang dala ninyong halaman!" sigaw niya.

Sabay kaming naglabas ng halaman at inilapag sa mesa namin, grabe nakakataranta ang boses niya. Ano kayang problema ng gurong ito kung bakit sobrang strict niya?

"Ngayon! Gusto ko ibahin ninyo ang kulay ng halaman na nasa harapan ninyo. Kulay berde ang orihinal na kulay niyan. Gusto ko gawin niyo na kahit anong kulay na gusto ninyo, casting spell ang gagamitin niyo, kung bigo kayo sa pagpapalit ng kulay, may parusa kayo mula sa akin!" dagdag niya.

Napanganga naman ako, grabe hindi ganito yung expectation ko sa first day of class ko.

"Alam mo ba paano gamitin itong casting spell chuchu?" tanong ko kay Cyrus.

"Nope, I've never used any spells before kaya mahirap ito sa akin," sagot niya.

At ayun, nag-uunahan nalang kaming nagtitigan sa mga halaman namin ni Cyrus, hindi ko alam kung anong gagawin ko nito, pati na rin ang mga kaklase ko, panay kamot sa ulo dahil hindi rin alam kung paano gagawin.

"Students! Kapag hindi ninyo magawa ang activity, hindi rin kayo makakalabas sa room na ito, see you in the afternoon at the training grounds," huling panuto ni miss Kareen tapos lumabas.

"Oh! If wala kayo sa training grounds mamaya, absent kayo, at malaking kaltas iyon sa puntos ninyo sa Sors," dagdag niya at isinara ang pinto.

"Hala??"

"Whaaaat??"

"Graaaabeeee!"

Omg. So ganito pala ang magic school, mas nakakatakot pa ito sa university ko ah.

"Umalis na yata si Miss, subukan mo kayang buksan!" wika ng isang babaeng kaklase ko sa isang lalaki.

Sinubukang itulak ng lalaki ang pinto pero bigla itong nag-spark tsaka nagbounce back yung katawan nya hanggang tumama sya sa dingding ng mga 20 metros ang layo.

Syempre nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Kung totoo man ito, ibig sabihin hindi ako makakalabas sa room na ito. Waaaah!

"I summon thee," sambit ng isang babae na napapalutang niya ang kaniyang halaman.

Halos napapalibutan siya ng mga kidlat sa ginawa niya.

"Nag spell casting sya," bulong ni Cyrus sa akin.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon