Chapter 29

825 52 2
                                    

*** Photo above is Sky Nunez ***

*---*---*---*

Na korner kaming dalawa ni Third sa limang ninja, pero step aside ang mga ninja! Nyems! Kasama ko ngayon si Third!

"Huwag kang matakot! kahit duwag ka," nagawa pa niyang manukso.

"Anooo? Anong duwag! Duwag mukha mo!" sigaw ko.

Umatake na naman ang mga ninja kaya sabay naming kinarate ang mga iyon. Tumama sa dibdib ko ang sipa ng isang ninja kaya ako natumba. Bigla akong naubusan ng hininga kaya matagal pa bago ako nakatayo ulit.

Agad na hinarangan ni Third ang mga ninja na nagtangkang saksakin ako ng espada.

Lima vs isa.

Come on Sky! You can do better than this!

Agad akong tumayo nung nakahinga na ako ulit, at binawian ng espada ang isang ninja, dahil sa galit ko tinamaan ko silang lahat nang sabay sabay kaya naglaho sila na parang usok.

Napaluhod ako kaya agad akong inalalayan ni Third.

"Huminga ka ng malalim," Third.

Pinagsusuntok ko din ang dibdib ko, grabe first time ko kayang maranasan na tamaan ng napakalakas na sipa sa dibdib.

"O-okay na ako, tara na," sabi ko at tumayo.

Sabay na kami ni Third. Napansin kong ang laki ng nabawas sa oras. It's now 37:45mins.

Kaya hinila ko na si Third para magmadali kaming maghanap ng bato sa tabi-tabi. Pero biglang huminto si Third at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Huminahon ka muna!" sabi niya.

Tinitigan niya ako sa mata. Mukha na akong desperada nito, eh kasi naman may mga taong umaasa sa akin na magagawa ko ang task.

"Okay na talaga ako, kailangan nating magmadali dahil wala ng oras," ako.

"Mataas pa ang oras Sky," tugon niya.

Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Bakit ba ang titigas ng ulo ninyo?!" sigaw niya.

Ninyo?

"Makinig nga kayo sa akin!" dagdag niya.

Napatingin ako sa kaniya at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look.

"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo pero wala akong pakialam," ako.

Napansin kong nakasunod lang siya sa akin. Kinalaunan, nakakita na kami ng bato sa wakas, pero isa lang. Ang gemstone ay nakatago sa ilalim ng bato.

"May nakita na tayong isa, kunin mo na para maghanap pa tayo ng pangalawa," utos ko sa kaniya. Kukunin na sana niya nang biglang dumating si Vita.

"Well well, isn't this a surprise?" wika ni Vita.

Ang taray na naman niya sa akin.

"Para ka namang pusa, ang dami mong extra lives, dapat nasa morgue ka na sana ngayon eh," sita niya sa akin kaya nainis si Third.

"You cannot touch her on my watch," biglang sumbat ni Third sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata ko.

I can see Vita's eyes full of jealousy. Ah, naiintindihan ko na, kaya pala galit si Vita sa akin dahil nagseselos siya. Pero bakit niya naman ako pinagseselosan?

"Fine, but I will get that gemstone, ako ang nakauna niyan," sabi niya at kinuha ang gemstone, agad naman siyang naglaho sa harap namin.

Nagulat kaming dalawa ni Third.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleWhere stories live. Discover now