Chapter 39

750 49 0
                                    

*** Photo above is Cyrus Park ***

*---*---*---*

Kinabukasan, sobrang tuwa nina Oe at Cass nang malaman nilang diamond ranker na ako. Baka may nangyari raw sa akin noong nasa labas pa kami ng campus kaya biniyayaan ako ng ganito, eh never pa naman kasi raw nagkamali ang Sors sa pagpili ng rank sa isang estudyante. Tumango naman ako sa mga sinasabi nila.

Nang lumabas na kami ng cafeteria ay nakita ko si Cyrus na nagbabasa ng libro pasakay ng elevator. Agad ko siyang sinundan.

"Cyrus!" bati ko.

Bigla naman niya akong binigyan ng malaking ngiti at tiningnan ang badge ko.

"Totoo nga pala ang balita," masiglang ani niya.

"Anong balita?" ako.

"Hindi mo ba alam? Trending topic ka ngayon sa whole campus lalong-lalo na sa mga low-tiers, inspiration ka raw nila," Cyrus.

Nyemss! Pinag-uusapan pala ako ng buong school? Kaya pala halos lahat ng mga mata ay nasa akin.

"Gusto ko sanang mag-ensayo, pero wala kasi akong ibang malapitan na komportable para sa akin," ako.

"Ano? Makikipag-ensayo ka sa akin? Eh diba dapat ako ang magsabi sa'yo niyan?" Cyrus.

"Cyrus sige na naman oh, malay mo magrarank up ka rin diba?" pagpupumilit ko with puppy eyes.

"Sige na nga, pero hindi ko maipapangako na may matututunan ka sa akin, dapat kasi sa diamond ranker ka magpapatraining dahil mas may alam sila," tugon din niya.

Nasa groundfloor na kami ng building, sabay na sana kaming lalabas nang bigla nalang akong hinila ni Third.

"T-teyka," react ko.

"Hindi ka naman busy diba?" biglang tanong ni Third na ala-masungit na tono.

"B-busy ako. Mag-te-training kami ni Cyrus," tugon ko at huminto siya.

"Training? Sa Cyrus na iyon? Nandito naman ako ah?" tugon din niya.

"A-ano kasi," ako.

"Teyka lang pre, ano bang ginagawa mo?" biglang singit ni Cyrus sa gitna naming dalawa ni Third at inalis niya rin ang pagkakahawak ni Third sa akin.

"Ikaw? Anong ginagawa mo?" Third.

Hinawakan na naman ni Third ang braso ko at hinila ako tungo sa likuran niya.

"Sino ka ba para hilahin si Sky nang ganiyan?" Cyrus. Parehong matalim ang tingin nila sa isa't-isa.

Naku naman, mag-aaway ba sila rito?

"Woah teyka nga," sabi ko habang pumapagitna sa kanilang dalawa.

"Inilayo ko lang siya sa kapahamakan, isa kang pahamak," sumbat ni Third.

"Anong sabi mo?" Cyrus.

"Teyka nga kayong dalawa, ano bang problema ninyo ha? Ngayon pa nga lang kayo nagkausap tapos ganiyan na kayo," singit ko at inilayo silang dalawa.

"Come with me," Third. Hinila niya naman ako papalayo kay Cyrus at sumakay na kami ng elevator.

"That's rude you know!" ako.

"Tama na ang pagbubuntot niya sa'yo, I am just trying my best to protect you from anyone," wika niya.

"Pagbubuntot? Hello! Kaibigan ko si Cyrus, ganito ba ang proteksyon na tinutukoy mo? Ayoko ng ganito, I can consent you to protect me like how you want but do not make me stay away from my friends," inis na tugon ko.

"Tama, nakalimutan kong iba ka pala sa kaniya," Third.

"Sa kaniya? Sino? Si Karsten ba? Are you comparing me to her?" ako. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Paano mo nakilala si Karsten?" tanong niya.

"Alam ko na ex-lover mo siya na namatay 6 months ago," ako.

"Iyon lang ba ang alam mo?" siya.

"May kailangan pa ba akong malaman?" Ako.

Huminto kami sa floor ng clinic dahil may sasakay, nakita naming dalawa sina Blu at Vita na naghihintay sa labas, pumasok na rin silang dalawa. Nag death glare na naman sa akin si mataray.

"Kamusta na si Gino?" tanong ni Third.

"Ha? Anong nangyari kay Gino?" tanong ko din.

"Stay away from high-rankers matters," mataray na tugon ni Vita sa akin habang naka-cross arm. Napatingin siya sa badge ko. "Oh c'mon, you're just a fake diamond ranker," dagdag niya.

"Okay na si Gino, nakalabas na siya sa clinic pero hindi namin alam kung saan nagtungo 'yon," tugon ni Blu.

Oo nga pala no? Nilagnat si Gino sa trip namin, pero mabuti naman at ayos na siya. Kamusta kaya ang confession niya kay Blu?

Hindi na ako nagtagal pa sa elevator kaya lumabas na ako.

Hinintay ko nalang na pababa ulit ang elevator para bumalik na ako sa ground floor. Gusto ko lang mag-sorry kay Cyrus.

Maraming estudyante ngayon na nasa ground floor pero hindi ko na nakita si Cyrus.

Pagbubuntot? Heh! Mukha niya! Siya nga naman talaga 'tong palaging may nagbubuntot sa kaniya, nagpapakita pa na nag-c-care tapos kapag tuluyan na akong ma-fall hindi naman pala ako sasaluhin.

Stop it Sky, you should not fall for him, remember? Hindi kayo itinadhana sa isa't-isa simula pa noong ipinanganak kayo. Nakasaad na sa mga bituin na Leo and Pisces will never be compatible.

Lumabas na ako sa building para hanapin si Cyrus, halos lahat ng nadadaanan kong estudyante ay pumapansin sa akin, nasa bronze to gold ang rank nila, ganito ba talaga ang buhay ng diamond? Pati ako mapapafeeling celeb na ah.

Tiningnan ko na din ang lugar na palagi naming ini-istambayan ni Cyrus kapag free time, dito sa ilalim ng puno kung saan kami nag pipicnic dati, pero wala siya. Nasaan kaya siya? Bumalik na kaya siya sa 11th floor?

Babalik na sana ako sa building nang may humarang sa daraanan ko na hindi ko makita, nadapa ako. Pero alam ko talagang may humarang sa dinaraanan ko. Wala namang ibang tao ngayon sa paligid. Guni-guni ko lang ba 'yon?

Tumayo ako pero may tumulak sa akin kaya ako natumba ulit, nang tiningnan ko sa harapan ko nakatayo ay isang blur human figure na parang sinadyang nag-iinvisible.

Unti-unti siyang nagpapakita sa akin, at nanlaki ang mata ko sa nakatayong si Gino habang naka-grin sa akin, umuusok ng maitim ang kamay niya.

"I want to kill someone so badly, maybe I'll start with you," wika niya.

WHAT THE HECK?

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleOnde histórias criam vida. Descubra agora