Chapter 22

863 50 0
                                    

Sa cafeteria with Oe, Ara, Cass, Crater, Grus and Third.

"Kailan nga pala ang result ng candidates para sa Zodiac Circle Election Crater?" tanong ko.

"Ah, I think it will be on the last week of this month, kasi may mga students pa rin na hindi nakapagnominate," sagot ni Crater.

Seeing all of them, malaki ang kutob ko na masali sila sa mga candidates.

"Tell me more about the election," ako. Kasi wala akong kaideideya kung anong mangyayari. And I think all of them did it before hindi ba?

"There will be two candidates for each zodiac signs na pagpipilian para sa posisyong iyon," Grus.

"So kailan ang totoong election?" tanong ko ulit.

"Well, hindi naman talaga election ang mangyayari sa pagpili ng karapat-dapat na zodiac warrior sa isang specific na zodiac sign, kailangan nilang maglaban para doon," Crater.

"Ah so you mean, iyong dalawang candidates sa isang sign ay maglalaban? Tapos kung sino ang panalo ay siya ang uupo sa posisyon?" kompirma ko.

"True," Oe.

"12 zodiac signs, 24 candidates, and there are a total of 107 diamond rankers sa school," Ara.

Woah, ganun pala sila karami, 107 diamond rankers? At out of 107 ay 24 lang sila ang matitira.

"And anong mangyayari kapag nakompleto na ang Zodiac Circle?" tanong ko na naman.

"They will be given one wish each, by goddess Hiyera, and each of them will be given an ultimate power from the zodiac guardians," Crater.

"goddess Hiyera? Buhay pa siya?" ako.

"It's not that she's actually alive, pero we can summon her using the Zodiac Circle," Crater.

Ang cool naman non, hindi ko alam na mayroon palang ganitong institution sa mundo. Akala ko lang kasi na gawa-gawa lang ang magic magic na 'yan.

"Now, I wonder Sky, bakit mo nga pala nakalimutan na may kapangyarihan ka?" Ara.

Napatingin naman silang lahat sa akin.

"I-I don't know, but to answer your question, nagkaroon kasi ng aksidente ang pamilya namin nung 8 years old ako, I forgot everything after my mom died," sagot ko.

"Pero hindi mo na maalala ang mga nangyari sa iyo like noong 7 years old ka pa? or 6 or 5?" Ara.

"Unfortunately, no, ang natatandaan ko lang talaga ay lumaki akong ulila, nagsumikap sa buhay, nag-aral ng normal na paaralan, until may nagtangkang kumidnap sa akin tapos ayun na, pagkagising ko nandito na ako sa school," ako. Parang story of my life lang haha.

"May kumidnap sa'yo?" tanong ni Third sa akin.

"Y-yeah, and the weird part there was that those kidnappers ay may magic powers, just like you," ako.

Nagtinginan silang anim. I feel curious kasi parang may alam silang lahat na wala ako.

Oe scoffs. "They knew all along na may kapangyarihan ka Sky."

"Ano namang ibig sabihin nun?" ako.

"Dark Source," Third.

What? Dark Source? They were from the Dark Source?

"Muntik na pala akong matangay ng Dark Source dati," ako with a shock face.

"But something must have happened kaya ka napunta rito?" Crater.

"Well, um.." ako.

Flashback..

"Bitawan mo ako!" sigaw ko habang nagpupumilit bitawan ng kidnapper habang kami ay nakalutang sa ere.

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon