Chapter 68

692 37 1
                                    

Zodiac University..

Zodiac Circle...

Oe, Ara, Cass...

Third...

Nagising ako nang may umaalog-alog sa akin, I can smell the sweetness of egg sandwhich at egg pie na bagong luto. Hay parang nagugutom na ako ah?

"Ate gumising ka," boses ng bata.

Napamulat ako, nasa isang malaking kwarto ako at nakahiga sa isang queen size bed. Nakasuot din ako ng mamahaling night gown na kulay pink. Napalingon-lingon ako sa paligid, maraming mga picture ko sa silid. Ang tanong, nasaan ba ako?

"Iha, ipinagluluto kita ng scrambled egg," bungad sa akin ng isang matandang babae.

W-wait, this doesn't feels right. What is going on?

"Sino po kayo?" tanong ko.

"Nagbibiro ka ba apo?" lola. Nagtaka naman ako nang tinawag niya akong apo. Sino ba 'tong matandang ito?

Agad akong bumangon at tiningnan ang labas ng bintana, maraming bahay sa lugar, kaninong bahay ba 'tong pinasukan ko? Marami ring tao sa labas na parang naglalaro. Bumaba na ako't mas tiningnan nang malapitan ang labas. Sino sila? hindi ko pa sila nakikita sa buong buhay ko. Nasaan ba ako? Diba dapat nasa Zodiac University ako?

"Apo, ano bang nangyayari sa'yo?" lola.

Napatingin ako sa isang malaking portrait sa gitna ng guest room. Nakita ko ang mukha ni mama na katabi ang matandang babae. Where am I really?

"Namimiss mo ba ang mama mo?" tanong ng matanda.

"Sino po kayo?" tanong ko din.

"Sky, ako ang lola mo," tugon niya.

"Wala akong lola, sino ka ba talaga?" ako.

"Lola mo ako, ako si Aitana Nunez, at anak ko si Meggan Nunez, ang mama mo," tugon niya.

Napatingin sa buong paligid, sobrang laki at sobrang daming expensive furnitures, nyems! ito ba ang mansion ng mga Nunez? Iyong sinabi ni miss Twinkle na mayaman daw ang mama ko, ito ba iyon? At siya ang lola ko?

But why am I here?

"Maligo ka na kasi malelate ka na sa klase mo," aniya niya. Napakunot ang noo ko.

Klase? What the heck is going on? I still have to go back to Zodiac University dahil nasa peligrong kalagayan ngayon ang buong paaralan.

"Kailangan kong bumalik sa Zodiac Univ," sambit ko at nilagpasan siya. Nalilito ako kung magbibihis pa ba ako o pupunta na agad doon?

"Sa Phoerexia International University ka nag-aaral iha, nakalimutan mo na ba?" lola.

What? Phoerexia International University? Hindi ako pamilyar sa pangalan ng paaralan, but step that aside, "I-I need to wake up if this is a dream," ani ko.

Biglang umilaw ang mga kamay ni lola na parang binigyan niya ako ng hypnotizing dust sa mukha ko, paglingon ko nasa kwarto ulit ako.

"You must be very lonely, Sky," lola.

She has powers!

"Huh?" ako.

"When your friends died, it was hard for you to move on," lola.

Died? Friends? Who?

"Oe, Ara and Cassiopeia," dagdag niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano raw? Patay na sila? What?

"Don't joke around like that, t-they're not dead," ako.

"You're really stubborn Sky, just like your mom," lola. 

ZODIAC UNIVERSITY: Meet The Zodiac CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon