Prologue

7.1K 130 3
                                    

Third Person's POV
Mapayapang naninirahan ang mga tao dito sa kaharian na pinamumunuan ng kanilang haring magiliw at reynang uliran,kasama ang kanilang apat na anak na kasisilang pa lamang.

"Ano ang nais mong ipangalan sa kanila,kapatid?"
tanong ni Prinsesa Armina ang pangalawang kapatid ng reyna.

"Ang gusto kong ipangalan sa kanil---"
hindi na nito naipagpatuloy pa ang sasabihin niya ng biglang may malakas na pagsabog ang naganap.

"Ano yun?!?"
natarantang tanong ng reyna.

"Dito ka lang kapatid,titingnan ko"
turan naman ng kapatid nito.

Nagulat siya sa kaniyang nakita,napakaraming pulutong mg mga dark elementalist ang sumusugod patungo sa kanilang kaharian.

"Hindi ito maaari...."
sambit ng prinsesa dahil kaniyang nakita ang kanilang panganay na kapatid ang namumuno sa mga kalaban.

"Humingi tayo
n

g tulong sa apat na kaharian"
turan ng reyna sa kaniyang utusan.

"Hindi na po natin magagawa 'yan kamahalan,sapagkat maging ang apat na kaharian ay kanila na ring sinusugod!"natatarantang tugon ng kaniyang utusan.

"Umalis na kayo dito!Aking Reyna isama mo ang ating mga anak sa pagtakas,Armina sumama ka na rin at kami na ang bahala dito"
turan ng hari saka pilit na pinaaalis ang asawa at ang kapatid nito.

"Hindi ko gagawin yun!"
sigaw ng reyna saka yumakap sa asawa nito.

"Aking Reyna,huwag tayong maging makasarili.Gawin natin ito para sa ating mga mamamayan at para sa ating mga anak."nakangiting turan ng hari.

"Umalis na kayo,pakiusap"turan nito.

Umiiyak na umalis ng palasyo ang reyna at ang kapatid nito habang dala nila ang apat na prinsesa.Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo ay may apat na lumilitaw na ilaw ang bumungad sa kanila.

"Yan ang apat na elemento kapatid"turan ni Armina.

"Ano ang ginagawa nila rito?ang pagkakaalam ko ay mula ito sa apat na kaharian?"
turan ng reyna saka pinunas ang luha nito.

"Sa tingin ko.....sila ay pinili ng apat na diyos at diyosa ng apat na elemento para maging tagapangalaga nito."
turan ni Armina saka naman biglang dumikit sa iba't ibang parte ng katawan ng apat na prinsesa ang mga elemento at naging balat.

"Umalis na tayo at maabotan na nila tayo"turan ni Armina ngunit nakaharap na nila ang kanilang kalaban.

"Akera....."sambit nito.

"Saan kayo pupunta
kasama ang apat kong pamangkin?"
painosente nitong tanong.

"Bakit mo 'to ginagawa?"tanong naman ng reyna.

"Wala lang,gusto kong sakupin ang buong mundo.Simple lang at ang mga anak mo na yan ang magiging sagabal doon"turan nito.

Tumakbo naman bigla ang dalawa saka sila nakakita ng isang bahay.Napakaliit na bahay.Kinatok nila ito at saka binuksan ng may ari.Bago pa man sila makita ng may ari ng bahay ay nawala na sila sa paningin ng mga ito.

"Saan naman kayo pupunta?"
turan ni Akera.

Agad namang itinutok ni Armina ang kaniyang kamay kay Akera saka biglang sumikat ang napakasilaw na liwanag.























~~~~~~~~~~~~~~~~

This is a work of fiction, the names, places and events that happened here are purely fictional, any similarities in real life is purely coincidental.

Read at your own risk.

This story had been published way back when I was younger, so expect grammatical and typographical error.

God bless and have a pleasant evening/day ahead!

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now