Chapter 19:Punishment

1.8K 52 1
                                    

Flame's POV

Nakakainis, nakakabagot!
Bakit ba wala akong maintindihan sa sinasabi ng teacher namin ngayon? Para sakin nakakalito ang lahat!

"Mayroon tayong apat na kaharian dito sa ating mundo na pinamumunuan ng apat na reyna't hari. Mula naman sa silangan ay mayroong kaharian, hindi masyadong kilala ngunit ang reyna dito ay nagsilang ng apat na sanggol na babae na itinadhanang maging katuwang ng apat na prinsipe ng apat na kaharian sa pagtapos ng buhay ng reyna ng mga dark elementalist. Ng malaman ito ng Dark Queen na siyang nakatatandang kapatid ng reyna na magulang ng apat na prinsesa ay nagbadya siya ng labanan, laban sa apat na kaharian sa labanan na yun ay kanila ring sinugod ang kahariang ito. Dahil dun ay nawalay sa kanila ang kanilang mga anak. Ang kwentong ito tungkol sa pinanggalingan at mga pangyayari ng kasaysayan 117 years na ang nakararaan ay may mga nawawala pang maliliit na detalye, at ang mga ito ay hindi pa matukoy" turan niya.

Kung gayun ito pala ang nangyare. Buhay pa kaya ang tunay naming  mga magulang?


"And I am proud to say na nahanap na ang ating mga prinsesa at nandito sila ating nakakasama. Ikinalulungkot ko,sapagkat matapos ang mga labanan na ito ay bumagsak ang inyong kaharian at hindi na nila nakita pa ang hari't reyna, gayun din ang kanilang katawan kaya naman ay umaasa pa sila na buhay pa ang reyna at hari ng nasabing kaharian" paliwanag naman ni Ma'am.


Nagkatinginan naman kaming apat. Nagkangitian naman kami. Kung gayun may posibilidad na buhay pa nga ang aming mga magulang!

"Ngayon, aming ikinalulungkot, sapagkat isang nagbabadyang labanan ang nakatakdang digmaan laban sa mga black elementalist na nakabase sa propesiya" dagdag pa ni Ma'am

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagdi-discuss ay biglang dumating si Miss Glow na may dalang papel and sa tingin ko naman ay galit.


"Princesses, I want you to come to my office now" mahinahon niyang turan pero halata na nag-aalburuto na.

Hay,I suppose she already knew that we cheated. Well....it's not our fault but those idiot, jerk's.....bakit kami na naman ngayon!!!


"Maam, ano po ba ang nagawa namin?"
painosenteng tanong ni Arianna.
Kahit naman alam na niya ang aming nagawa.


"You've cheated" mahinahong turan sa amin ni Maam.

"Po?"
sambit naman ni Arianna.

"Don't make a fool of me,Princesses.
Bakit kayo nagcheat?" tanong niya saka napatayo mula sa kaniyang upuan.


"We're very sorry,Maam. This was just a mistake. We ask for our adviser to excuse us during those test because we haven't have our powers yet,but she insisted!" turan ko kay Ma'am kaya napatayo na rin ako.

Kahit pa sabihin niya na I'm disrespecting her,but I am just fighting for my right. Hindi ako mananahimik dahil karapatan ko, namin na ipagtanggol ang sarili namin.


"Ma'am,we know we're wrong,
but we did it just in a wrong way but in right reason. We're sorry too,for we have chosen cheating over being humiliated."
makahulugang turan naman ni Airah

"This is enough..... you four will go to the detention and the punishment will be apprehension" turan niya saka kami isinama sa isang madilim na room.


Pinapasok niya kami sa loob ng madilim na silid. Habang nasa loob kami ay nahihirapan na akong makahinga.

"Flame.....nasaan kayo?"
paghahanap sa amin ni Airah.


"Flame,okay ka lang ba?"
nag-aalalang tanong naman ni Arianna.


Alam din naman kasi nila na hindi ako makahinga tuwing madilim ang paligid dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako.

"Nandito ako,Flame"turan ni Erina na naramdaman ko ang kaniyang pagyakap.


Ang malanding 'to. Kahit ganun siya ay mabait pa rin siya at mapagmahal. Palagi man kaming nagbabangayan, ay ganito pa rin siya sa akin.


"Maraming salamat." turan ko. Pero ito pa rin ako hindi ako makahinga.

"H-Hindi a-ako makahinga"
turan ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Erina.

"Ma'am, tulong pakiusap,hindi na po makahinga si Flame. Kami na lang po ang parusahan niyo pero ilabas niyo na po si Flame!Pakiusap Ma'am!Hindi na po siya makahinga, baka po may masamang mangyare sa kaniya! please....Ma'am!"
pagsisigaw Erina.



Bigla namang may humawak sa aking dalawang kamay sina Arianna at Airah.
Hindi....na ako...makahinga...


"Flame.....Flame, kunting tiis na lang, susubukan kong magtawag ng hangin. Kakayanin ko 'to" turan ni Airah habang nakahawak ng mahigpit sa aking kamay.


Napapikit na lang ako..



"Augh!"
sigaw naman ng mga kapatid ko.


"Augh....augh!!!!!"


Napadaing na rin ako. Parang hinihigop ng room na ito ang aming mga enerhiya. Nanghihina na ako, nahihirapan na akong makahinga...








Tulong...

























Someone's POV

Tingnan natin kung makalabas pa kayo doon ng buhay. Ang lugar na yun ang forbidden room na humihigop ng enerhiya mula sa isang elementalist na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming elementalist na dating ikinulong noon, kaya ito ipinagbawal sapagkat masyado itong marahas! Mabuti na lang at nauto ko kayo. Mas mabuti talaga pag-ikaw na mismo ang gumagawa sa mga gawain na hindi na magawa ng mga inutil mong utusan!

"Pakawalan mo ako dito, hayop ka!"
sigaw niya.

"Bakit ko naman gagawin yun,eh nag-eenjoy ako sa pagiging ikaw. Hahahahaha, mapapatay ko rin ang iyong pamangkin.... mapapatay ko rin silang lahat!"turan ko saka tumawa ng tumawa.


Pilit namang kumakawala ang aking tatlong bihag. Mahanap kaya nila ang mga taong ito kung nandito na ako, handa na paikutin sila sa aking palad at paglaruan?











*smirk*























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano guys,may clue na ba kayo kung sino ang walang hiyang gumawa nun sa apat na prinsesa?At kung sino ba ang tatlong bihag na yun?Hmmm...


Sa tingin ko may clue na kayo.
Sana naman nagustohan niyo ito:)


The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon