Chapter 40:Changed/Kiss

1.1K 35 0
                                    

Flame's POV

Nangangati na ang aking mga kamay.
Hindi ko ba naman maintindihan pero gusto kong makipaglaban at gusto kong pumatay.Hindi ko naman pa rin makalimutan ang nangyari,sina Aya kaya......ano ba 'yan!traydor nga sila diba!

"Lalim ng iniisip" epal din ang isang 'to. Inirapan ko siya before responding on his words, I mean unusual ang pakekealam niya.

"Ano bang nakain mo?Lampas one word na 'yang nasabi mo ah"sarkastiko kong sabi. Napakunot naman siya ng noo niya bago nagkibit-balikat sakin.

"Kahit ano basta para sayo"tugon niya na dahilan para muntik na 'kong mabilaukan sa sarili kong laway. Ang lame naman ng attempt niyang banatan ako. Walang kaeffort-effort.

"Tsk!" Tugon ko na lang kasi ayoko ng magmaldita pa.

Kahit ganito siya walang nagbabago sa kaniyang boses, galaw, gawi at pakikitungo.

"What are you doing here?"tanong niya na bumasag sa katahimikan na kaagad ding bumalot saming dalawa.

"Wha-----t?" Lutang kong tanong, hindi ko kaagad napansin ang tanong niyang 'yun. Grabe, nagugulat talaga ako sa mga pangengealam niya.

"....…..." Tugon niya sakin which is aplain silence.

".........." At dahil hindi lang siya ang marunong manahimik, well I did the same.

Ops...awkward wala nang usapan. Anyare?Nakakainis naman kasi di niya ako sinasagot....

"Hoy!halika nga tumayo
ka at maglaban tayo" pag-aaya ko sa kaniya. Ako na nga ang gagawa ng unang move,baka kasi nahihiya pa siya. Ako na ang mag-aadjust...insert sarcastic tone,hayst---

"............" Sagot niya...which is silence once again.

Hindi na naman siya sumagot pero tumayo siya at nagpalabas ng fire scythe at humanda para sa laban namin.

"Be careful....you might hurt yourself"
sabi niya. Minsan na nga lang siyang magsalita tapos ang yabang pa.Tss.

"Beats me" taas kilay kong sabi.

Nagsimula na kaming maglaban.
Mabilis pa rin siyang gumalaw kaya hindi ko siya masyadong makita at hindi ko siya magawang labanan.

"Huh!diyan ka lang magaling. Ang panlilito sa akin, subukan mo kayang huminto at ng makapaglaban tayo!" sigaw ko.  Ang bilis niya kasing gumawi kaya hindi ko siya mapatamaan.

"Why didn't you said that you want to cheat in the first place?" sabi niya, anong cheat-cheat yang nalalaman niya?

"Anong sinasabi mong cheat diyan?"
kunot noo kong tanong saka sinugod siya. Nakacross naman ngayon ang aming mga sandata habang nakaharap ako sa kaniya at malapit ang mukha ko sa kaniya.

°///////°)ba't ganito pakiramdam ko?

"If my love wants me to let her win then why not? *wink* "  huh,ang kapal nga niya.

"You misunderstood me.Tsk!" sabi ko saka siya sinugod. Itinulak ko siya palayo saka ko iwinasiwas ang sandata ko sa kaniya, ng hindi ko siya mapatamaan ay umikot ako saka siya sinipa na dahilan para tumilapon siya palayo. Ha! Take that!

This is the most fun things I ever did.
I enjoy here much,I love it here...
Dad,Mom.,....

"What's wrong?" bumalik ako sa realidad ng marinig ko boses niya.Napahawak ako sa aking pisngi....mamasa-masa,umiiyak ako? And how the heck did he made it back? In an instance? Ang bilis niya!

"Why the f*ck are you crying?"
galit niyang tanong, teka bakit siya galit? Nagtatanong lang siya ah!

"I don't know......





at sino ang nagsabi sayo na sigawan mo ako habang umiiyak?!?!,kapal mo,
kumag!" singhal ko sa kaniya.

Umatras naman siya saka tumawa.
Tumatawa siya?Good for him,nagbabago na siya,hindi ko alam kung bakit at paano.Pero,good for him...
























Arianna's POV

Magkasama kami ngayon dito ni Akila.
Of course dito sa Maruwali,at sinabi ko sa kaniya lahat ng problema ko.

"Suggestion ko,Princess.
Magbago ka" sabi niya.

"Magbago?Anong ibig mong sabihin."
tanong ko hindi ko mawari ang nais niyang ipahayag.

"Pansamantala niyong baguhin ang sarili niyo, it's kinda cliché pero effective 'yan" sabi niya.

Ang cute talaga niya.
May pagkachildish siya,pero I enjoyed being with him that much..I think---

"Princess,andito na po siya. Papunta ho dito  si Prince Akihito" sabi niya kaya agad akong nagpanic,anong gagawin ko?

Nakarating na siya kaya naman pinaupo ko na si Akila at saka siya....

"P-Prinsesa"sambit niya.

0_____0 anong ginawa ko?
Siraulo ka Arianna,bakit kayo naligong dalawa sa tubig?Ano ba ang gusto mong palabasin ngayon....

"Pasensya na,hindi ko sinasadyang itulak ka sa tubig....kasi...kasi..... kinakabahan ako. Wala akong maisip,pasensya na talaga!!" sabi ko saka tumakbo paalis doon.

Habang tumatakbo ako ay nakita ko si Akihito na nakaupo sa isang bench nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita mukha niya.Pero may pinunas siya gamit ang braso niya.

Lumapit ako sa kaniya at ito ang narinig ko:

"Sana hindi ko na ginawa 'yun.Kung alam ko lang na ito ang mangyayari sana hindi ko na lang ginamit ang babaeng yun para galitin siya para lang mapalabas niya ang tunay niyang potential *sniff* " teka,umiiyak siya?!

Pero ginawa niya lang 'yun para mapalabas ko ang aking tunay na potential?Bakit hindi ko yun nalaman man lang,ba't di niya sinabi.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang pwesto niya ng hindi niya ako mapansin. Umupo ako sa tabi niya saka hinawakan ang balikat niya.Dahil siguro sa gulat ay nagpalabas siya ng kaniyang water axe.

"A-Arianna...."sambit niya.
Nginitian ko lang naman siya.

"P-Pasensya na sa---"
hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko pero tumayo na siya.

"I see naligo kayong dalawa sa tubig...good for you"sabi niya. It means...nakita niya kami siraulo ka talaga,Arianna!?!?!!

"Mal---"di ko natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita na siya.

"Hindi ko nagustohan ang mga ginawa mo nitong mga nakaraang araw.Alam mo ba na palagi kitang sinusundan ha?Ano ba para sayo ang lalaking yun?Alam kong maikli pa lang ang panahon na nagkasama tayo,pero alam mo naman na gusto kita,bakit mo ba kasama ang lalaking yun?"ang bilis niyang magsalita,isa pa ang haba.

0___0) hala!ano daw?

"G-Gusto mo 'ko?"pag-uulit ko.

Pagkatanong ko nun ay lumakad na siya paalis. Anong problema niya?

Lumingon siya sa akin habang ako nakaupo pa rin dito sa bench. Lumapit siya ulit sa akin,nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko and his touch is enough to let my blood rush towards my cheek making me flustered and flushed. After that he....

0//////0

shocks!ba't niya ko hinalikan?

"Yan,wala na ang germs niya. See you later princess"sabi niya matapos humiwalay sakin.

Ba-Bakit???

Pa-Paano??

Anong.....

"Princess!"

Ang rupok ko....



































~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon