Chapter 42:Ogre

970 29 0
                                    

Airah's POV

Nakakatakot at nakakatawa ang mukha ng halimaw na 'to. Gayumpaman ay sinimulan na namin itong kalabanin. Habang nasa itaas ng malaking ogre si Flame at handa nang tanggalan ng paningin ang ogre ay nasa ilalim naman sina Daniel,Akihito at Andrei inaatake siya habang kami ni Erina at Arianna ay nakalutang dito sa ere at pinapana ang mukha niya.

"Parang balewala lang ang ginagawa natin sa kaniya. Flame,ngayon na!" sigaw ko kay Flame

Nung tusukin niya ang mata nung halimaw ay walang nangyari bagkus ay tinapik siya nito. Nahulog naman siya pero sinalo siya ni Daniel. Okay Daniel,ikaw na ang dumadamoves...

"May parang harang...."
sambit ni Arianna.

"Kanina ko pa din napapansin....may harang ang katawan niya" seryosong sabi ni Erina.

Akalain mo marunong palang magseryoso itong si Erina?
Himala, malaking himala.

"Girls!pagsabayin niyo ang mga elemento niyo sa pagtira para masira niyo ang harang!" sigaw ni Minho.

Pagsasabayin ang pagtira para masira ang harang,sige gagawin namin yun!

"Girls,subukan nating pagsamahin o pagsabayin ang pagpakawala ng ating mga arrows para mawasak ang kaniyang harang."sabi ko sa kanila.

Tumango naman silang tatlo saka kami nagtake aim. At sabay-sabay na pinakawalan ang aming mga arrows. Mayamaya ay may parang nabasag bagay kaming narinig at biglang napaatras ang halimaw.

"Nagawa natin!"sigaw ni Erina.

"Not the time to rejoice just yet"
seryosong sabi ni Flame kaya naman napatingin kami sa gawi nung halimaw. Galit na galit na siya.

"Roooooaaarr~!!!magbabayad kayo!!!"
sigaw nito saka kami sinugod.

0_____0nakapagsalita siya!

Hinarang naman siya ng mga prinsipe naming  kasama.Habang nasa paanan sila ng halimaw ay naikulong nila ito.

"Airah!gawin niyo na!patamaan niyo na siya habang kaya pa namin siyang pigilan dali na!"sigaw ni Andrei.

Agad naman namin siyang sinunod.
Nagpakawala ng water arrow si Arianna na tumama sa mata nito kaya napadaing ito sa sakit.Nilatigo ko naman siya na naging dahilan ng pagkatangal ng kaniyang kanang kamay. Huh,akala niyo 'no...kakaiba ang latigo kong 'to.

Tumalon naman si Flame patungo sa sikmura nung halimaw at ibinaon niya ang kaniyang espada saka dumausdos pababa, habang nakatanim sa tiyan ng halimaw ang kaniyang espada. Nabuksan naman ang sikmura nung halimaw. Bago pa man dumanak ang dugo nito ay umalis na ang mga prinsipe para hindi sila mahulugan ng dugo.

"I'll finish it from here"
sabi ni Erina saka pinulupotan ng mga vines ang katawan nung nagwawalang halimaw, umaalingawngaw ang nakakabingi at nakakarindi niyang daing, habang tumatalsik sa paligid ang kaniyang dugo.

Habang kinukulong niya ito ay bigla pa itong nagpumiglas at nahawi ng kaniyang kamay si Arianna kaya tumilapon ito. Tumama ang likod ni Arianna sa puno saka ito tumakbo patungo doon at saka doon bumagsak. Tumakbo papunta dun si Akihito pero huli na siya.

"Shit!Arianna!!!!" sigaw ko saka pilit na inaalis ang halimaw gamit ang kapangyarihan ko.

Mayroon namang humawak sa kamay ko.Nabigla ako ng makita ko na si Andrei pala,matapos nun ay nagawa namin na maialis ang katawan nung halimaw pero wala na doon si Arianna.

"Nasaan siya"
mangiyak-ngaiyak na tanong ni Akihito.

"H-Hindi k-ko a-alam"
nauutal kong sabi saka napaluhod.

"Hindi ako makapaniwala na hanggang dito lang ang itatagal ni,Yana"umiiyak na sabi ni Erina.

Hinila naman niya si Minho at kaniyang yinakap habang umiiyak.Nagblush naman si Minho.

"Look!" sigaw naman ni Flame saka itinuro yung lalaking lumalapag mula sa taas habang dala sa bisig niya si Arianna na may dugo sa labi.

Agad naman kaming lumapit doon at kinuha ang walang malay na si Arianna, kinarga naman siya ni Akihito.

"Sino ka?"agad na tanong ni Flame.

"Akila po, mahal na prinsesa. Kaibigan po ako ni Prinsesa Arianna. Huwag ho kayong mag-alala. Maayos po ang lagay niya"
nakangiti niyang sabi. Ang gaan naman ng loob ko sa kaniya.

"Maraming salamat"nakangiti kong sabi.

"Walang ano man ho, Air Princess Airah"
nakangiti niyang sagot saka nag bow.

"Oh siya,bumalik ka na sa kaharian,Akila baka mapahamak ka pa"sabi naman ni Erina saka pumulupot ang kaniyang kamay sa braso ni Akila.

"Erina...." sabi ko. Agad naman niyang binitawan si Akila.

"Sasama po ako sa inyo!"presinta niya.

"Okey then!Welcome...







to your death"seryosong sabi ni Flame

Napaface palm na lang ako sa sinabi niya. Pero papasamahin ba namin. Mukha naman kasi siyang magaling, I think we can use him,*evil smile*

"Po?"naguguluhan nitong tanong.

"Of you are ready to die then,you are welcome to join. If not....go home"sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Alis na tayo"sabi naman ni Daniel.

































~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now