Chapter 54:Family

788 23 0
                                    

Queen Ashiya's POV

Nandito na ako ngayon sa labas ng kwarto,or should I say sa terrace habang tinatanaw ang aking mga anak na nagsasanay ng kanilang kapangyarihan.
Ang saya ko at nakikita ko na sila,bukod sa lahat nakakapiling ko na sila.

Ako si Ashiya Einsberg ang Reyna ng kahariang Rosetania,isang di kilalang kaharian dahil sa pagiging tago nito.
Taglay ko ang kapangyarihan na tanawin ang hinaharap.

Katuwang ang aking asawa na si King Nicholas Einsberg na may kakayahan na gumawa ng mga portal,kahit saan at ano pa mang oras.

"Girls,hali kayo dito!"
tawag ko sa kanila habang nakatingin sa baba.

Lahat sila ay napatingin sa gawi ko saka nagsimulang magtakbuhan papunta dito sa aming kinalalagyan ng Daddy nila.

"Girls,I just want to ask you kung gusto niyong makabisita man lang sa ating kaharian, ang inyong tahanan kung saan kayo ipinanganak"sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang apat saka nagtanguan at nagngitian. Nakakatuwa talaga silang tingnan lalo na yung point na parang nakakaintindihan sila kahit na sa tinginan lang.

"Of course Mom"-Airah

"Absolutely"-Flame

"Excited na nga po ako,tara ngayon na po"-Erina

"Mukhang masaya yun"-Arianna

"The Prince will come too"napatingin kaming lima sa nagsalita,seryoso ba siya na isasama namin ang apat na prinsipe?

"What?! No dad, they will just stay here"
protesta naman ni Flame.

"Flame,it is better na sasama sila.Just you know in case na may mangyaring hindi maganda"sabi ko sa kanila.

"Mom ang nega niyo,ang aga-aga at bad vibes ka na agad..kaloka!"sabi naman ni Erina saka ako yinakap.

Matapos nun ay nagbihis naman kaming lahat at nagtungo sa bayan. Ipapasyal ko sila at nang magkaroon kami ng family bonding besides matagal din kaming hindi nagkasama-sama..

"Mom look at this!isn't this beautiful"
nakangiting sabi ni Erina habang hawak-hawak ang isang cocktail green dress.

"It did look great on you! Isuot mo at gusto kong makita" sabi ko.Ngumiti naman siya saka pumasok sa loob ng fitting room.

Nandito kami ngayon sa mall.
Of course dito pa rin sa mundo namin.
Dito sa loob ng academy nila na ubod ng ganda.

"That looks great!...On me"sabi ni Flame habang nakangiti ng nakakaloko.

"Mommy oh,si Flame akin na nga eh gusto pang agawin" nakasimangot na sabi ni Erina. Tumawa naman sina Airah na may hawak na pares ng sapatos sa kamay niya at si Arianna na may hawak na bag.

"Hahaha,sige tama na yan.Let's go and take a break"sabi naman ni Nicholas.

"Dad sa food court na lang po tayo. May nakita po kasi ako kanina eh"sabi ni Airah.

Aalis na sana kami ng mapansin kong ibinaba nila ang mga hawak nilang gamit.

"Hindi niyo ba 'yun bibilhin?"tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga ibinaba nila.

"Mom,Having You and Dad is the best thing we have."sabi ni Flame habang hawak ang dalawa kong kamay.

"We could never ask for anything else"
sabi ni Arianna habang nakaakbay sa kaniya si Airah.

"My family,is the only thing we could ask for in our life...we love you Mom and Dad"sabi ni Erina.

Bigla na lang tumulo ang luha ko sa sinabi nila. Bigla na lang nagflashback sa utak ko ang isang alaala, ayoko na mangyari yun,  pero ano pa ba ang magagawa ko?

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now