Chapter 3:True Identity

2.9K 80 4
                                    

Arianna's POV

Nakarating na rin kami dito sa bahay. Nakapagtataka man ay pinauwi kami ng maaga nina Mommy at Daddy ngayon.

"Ano ba sa tingin mo ang sasabihin nila mommy at daddy mamaya?" tanong ni Erina.

"Well, we'll find it out later"
mataray namang sagot ni Flame.

"Siguro importante yun kaya pinauwi kayo agad nina Tita"singit naman ni Icy.

Tama,magkakasabay kasi kaming umuuwi palagi.Isa lang naman kasi ang dinadaanan namin kaya kasabay namin ngayon si Icy.

"Nakakatakot na nga,eh.Sa tingin niyo tungkol kaya ito sa pinag-uusapan nila kagabi?"tanong ko sa kanila.

"Mas mabuti kung ganun, para matapos na 'tong kakaiba nilang usapan" sagot naman ni Airah ng seryoso.

"Naku,dito na tayo maghihiwa-hiwalay mga bessy,buh-bye"paalam ni Icy.

"Buh-bye din bessy" pagpapaalam ko rin sa kaniya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay.At bungad pa lang ay nakatayo na ng nakahilerang mga maids namin at binati kami.

"Maligayang pagbabalik,mga senyorita"
bati ng aming mga maids.

"Anong maligaya sa pagbabalik namin?" Tanong ni Flame na nakataas pa ng kilay,saka inirapan sila at nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa bahay.

"Sorry, sorry talaga" turan ko naman saka pumasok na.

Pagkapasok namin ay nagulat na lang ako dahil nakatayo lang si Flame sa may living room and that's when I notice na bumungad sa'min ang nakaupo na sina Mom and Dad sa sofa. Nung tumitig lang kami ay walang sinabi ay iginalaw ni mom and kaniyang kamay telling us to take our seats, and so naupo kami sa kanilang harapan.Kinabahan naman ako kasi baka kung ano lang na hindi maganda ang sasabihin nila. Sana naman mali ako...

"Pinauwi namin kayo dahil may mahalaga kayong dapat malaman"
turan ni Daddy ng seryoso.

"And what is it?"
taas kilay na tanong ni Flame.

"Flame"
saway naman ni Airah.

"What?"
tugon naman niya saka inirapan si Airah.

Nag-tss na lang si Airah saka humarap kayna Mom and Dad.

"Haah, first of all, don't freak out so much." turan ni Mommy.

"Oh come on,Mom,Dad.
Magpapaligoy-ligoy pa ba tayo?"
nababagot na turan ni Flame.

"Flame,chill out."
turan ko naman.

"Hindi ito ang mundo na kung saan tayo nabibilang kaya naman oras na para bumalik tayo sa Elementasya."turan ni mommy na hindi ko masyadong naintindihan.

Teka lang....

Elementasya?

Earth is not the place where we belong at?

Ehhhh?!

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanila.

"Seventeen years ago,nagkaroon ng digmaan sa mundo naming yun.Dahil sa kami ang naninilbihan sa kaharian ay pinalikas kami.Nung makarating kami sa kagubatan ay nanirahan kami sa isang maliit na kubo hanggang sa may kumatok sa bahay namin,hinanap namin yun pero wala kaming nakita,matapos nun ay nakita namin kayong apat kaya naman ay isinama na namin kayo sa pag-alis doon at nagtungo dito sa mundo ng mga mortal.Gayumpaman hindi namin alam kung sino nga ba kayo at kung sinu-sino ang mga magulang niyo.Pero iisa lang ang sigurado, tutulong kami sa inyo na hanapin sila, bagay na tiyak ring magpapahamak sa inyo"pabitin na paliwanag ni Daddy.

"Ang mga tattoo niyo. Ang mga kakaibang hugis ng balat sa batok mo Flame, sa braso mo Arianna, sa hita mo Airah at sa leeg mo Erina, ang mga yun ay simbolo ng mga elemento na bumubuo sa Elementasya."turan naman ni Mommy.

"Ibig sabihin........ano?"
tanong naman ni Erina.

Kahit ako,hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng ipinapaliwanag nila sa akin.Napakahirap maprocess sa utak ko.

"Nangangahulugan lang na kayo ang nagtataglay ng apat na malalakas na elemento.Bagay na matagal ng hinahanap ng mga Black Elementalist.Ang mga kalaban na pumatay ng maraming inosenteng elementals at sa reyna at hari ng isang kaharian" paliwanang ni Mommy.

"Kung gayun,manganganib ang aming buhay once na makita nila o malaman nila na kami ang elemental something?"tanong naman ni Airah. Tumango sina mommy at daddy dito.

"Kung gayun dapat pala na mag-ingat tayo"turan  ko sa kanila.

"Malas pala tayo"turan naman ni Flame.

"Anong gagawin natin?"tanong naman ni Erina.

"Babalik na tayo sa mundo natin sapagkat hindi na kayo ligtas dito"turan ni Mommy.

"Nalaman na nila na kayo ang may hawak ng apat na elemento at tinutugis na nila kayo"turan naman ni Daddy.

"Kaya kailangan na nating makaalis ngayon din!"turan naman ni Daddy.

Nung tumayo na kami ay biglang may sumabog sa labas ng aming bahay at may pumasok na limang lalaking nakacloak ng kulay itim.

"Ibigay niyo sila sa amin" turan nito, what the heck?



















~~~~~~~~~~



The Four ElementalsWhere stories live. Discover now