Chapter 47:Muling Pagtatagpo

866 25 0
                                    

Erika's POV

Sa tagal ng aming paghihintay dito ay nakatulog kami ni Aya. Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na nakatali kami at nahihirapan na akong makagalaw.Ng imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang apat na prinsipe ng apat na kaharian dito sa elementasya.

Hindi ko alam kung dapat na ba akong matakot ngayon o matuwa dahil sa wakas nandito na ang aming matagal na hinahanap.

"Patawad--"sambit ko na naputol dahil sa hindi ako makagalaw.Nature Vines ang nakatali sa amin ngayon habang walang malay si Prinsesa Airah at Erina.

"Bakit kayo nandito?"
matigas na tanong ni Flame habang nakacross arm.

"Pakinggan mo kami sa paliwanag namin ngayon, Flame. Pakiusap, tulongan niyo kami kailangan namin ang tulong niyo"pagmamakaawa ni Aya.

"Alam namin na posibleng hindi kayo maniwala, pero pakiusap kahit ngayon lang sa araw na ito, tulongan niyo kaming iligtas ang aming pamilya, bagay na ipinagkait sa amin ni Reyna Akera"
naiiyak na sambit ni Aya.

Nawalan ako lalo ng pag-asa
na makumbinsi sila dahil sa sama ng tingin sa amin ni Flame.

"That was stupid for you to think na mapapatawad at tutulongan namin kayo, kahit magmakaawa kayo sa aming harapan, ang problema niyo ay sa inyo lamang kaya huwag niyo kaming idadamay" mataray na sabi ni Flame saka tinalikuran kami.

"Erika"

"Aya"

Napalingon kaming dalawa ni Aya sa aming likuran ng aming marinig an kanilang mahinhin na boses.

Sina Airah at Erina.
Umiiyak nila kaming yinakap at pati na rin si Arianna na kanina ay nanahimik lang.

"Namiss ko kayo....sobra"
umiiyak na sambit ni Arianna.

"Hindi kami naniniwala na traydor kayo"saad naman ni Erina.

"It was because we know that you know better than betraying us"nakangiting sabi ni Airah.

Matapos ang aming yakapan ay napabaling naman kami kay Flame na nakadistansya lang sa amin.

Bakit parang pakiramdam ko naguilty ako sa sinabi niya. Oo nga naman nagtraydor kami, ONCE pero hindi ko ineexpect na magbabago din ang lahat.

"Ano at naparito kayo? "
biglang tanong ni Airah sabay punas ng kanilang luha.

"Baka pwede niyo naman kaming pakawalan"pagmakaawa ni Aya.

Napatawa naman kami ng mahina.
Tahimik na nakaupo naman ang mga prinsipe sa malalaking tipak ng bato dito.

"Nandito sana kami para hingin ang tulong ninyo"sabi ko saka naman nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko.

Naramdaman ko naman ang yakap nila Erina at Arianna sa akin. Pinunas ko agad ang luha ko at saka na nagsalita si Aya.

"Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa--"
naputol ang sasabihin niya nung magsalita si Flame.

"Tss, you're already doing it"sabi niya habang nakacross arm at nakasandal sa puno.

Tumingin naman ng masama si Airah sa kaniya kaya napatahimik ito. Lumuhod ng bigla si Aya sa harapan nila at lahat ay nagulat kasi pati ang mga prinsipe napatayo.

"Pakiusap, tulungan niyo kami na iligtas ang aming pamilya"umiiyak na pagsusumamo ni Aya.

Nakita ko naman na napakunot ang noo ni Flame na parang may hinahanap.

"Flame may problema ba? "
Tanong ko sa kaniya.

"Where's Aika? "
mataray niyang tanong.

"Dead"sambit ni Aya.

Lahat sila ay nabigla,natutop ni Airah ang bibig niya at yinakap naman siya ni Prince Andrei, ganun din ang iba sa mga prinsesa na umiiyak. Habang nakakakuyom ang kamao naman ni Flame ay nagkatinginan sila ni Prince Daniel.

"The Dark Queen did it? "
taas kilay nitong tanong.

"Possible"sambit naman ni Prince Daniel.

"So, kailangan natin ngayon lumaban hindi lang para mailigtas si Headmistress Glow kundi para na rin mailigtas ang pamilya nila? "singit ni Prince Andrei.

Binatukan naman siya ni Airah.

"Malamang"sabi nito.

"Tutulongan namin kayo, Aya, Erika.
Tama, princes? "Tanong ni Erina.

Nagulat naman ang mga prinsipe pero may nagawa ba sila? Wala.

"Y-Yes"sambit nilang sabay-sabay.

"Good"sabi ni Arianna ng nakangiti sabay kindat sa akin.

"Tss"asik ni Flame.

"Matanong ko lang...anong nangyare sa loob ng Elemental Forest? At ano nga ba ang dahilan ng paglalakabay niyo? "
Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang lahat.
At saka bumalot ang dakilang katahimikan sa paligid.






























~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now