Chapter 65:Preparation

613 21 0
                                    

Mayuri's POV

Mga baliw nga talaga siguro ang mga prinsesa at prinsipe. Bakit naman nila iisiping magkaroon ng tradisyunal na pista at idaraos bukas?Ano kaya ang gagawin nila?Mukhang tiwalag ito sa aking narinig.....




Flashback....

" Augh!!,ahhhhh!!!"daing niya habang patuloy siyang nilalatigo ng mga tauhan ni Akera.

Hanga din ako sa katapangan ng baliw na 'to. Bakit hindi na lang niya sabihin besides makakalaya naman siya.

"Magsalita ka!nasaan ngayon sina Jonas at Lena!alam kong buhay pa sila kaya't nasaan sila?!"sigaw ni Aika. Saka hinawakan ng mahigpit panga ni Akila.

"Pwede ba,manahimik kayo!kahit niyo ako paulit-ulit na sigawan at hambalusin hindi ako magsasalita. Patayin niyo na lang ako!" sigaw nito saka dumura.

I saw Aika and Queen Akera's face looking pissed off. Well sino ba naman ang hindi magkakaganun eh duraan ka ba naman,tsk!

"Aba ang tapang mo binata,then I will just kill you"sabi ni Aika saka itinaas ang hawak niyang espada.

Agad akong nagpalit ng anyo at ginaya ang wangis ng babaeng nakita ko dati at saka tiningnan si Aika. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan sila kaya naman ginawa ko yun para hindi siya magduda.

"Aika....."sabi ko ng mahina. Duh, ewww...feeling close pa ako!

Di nagtagal ay sinugod nila ako.
Pero gamit ang illusion ko ay nagkadaugaga silang sugurin ang clone ko. Mga bobo tss...

Kinalagan ko agad si Akila. Kailangan maialis ko siya dito,kailangan ko nang makakuha ng impormasyon kaagad bago pa sumapit ang araw ng digmaan.

"Illusionist"sabi ko ng nakatingin siya sa akin na may pagtataka,alam ko na nagtataka siya kung bakit nandito pa ako kung kanina ay nakita niya ako na nasa harapan...

The Four ElementalsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora