Chapter 72:End of War

726 22 0
                                    

Third Person's POV

Matapos ang pagbabago na naganap sa mga royalty ay nagbago rin ang buong awra ni Dark Queen Akera. Naging kulay dark blue ang buhok at mga pares ng nakakakilabot na mata,pati ang awra nitong maitim.

"Ngayon, pagmasdan niyo ang resulta ng pagiging arogante niyong mga royalty, ang pagsakop ng kadiliman sa elementasya at ang aking pamumuno!" sigaw ni Akera kasabay ng pag-alog ng lupa at ang pagpalibot ng maitim na usok sa buong elementasya. Unti-unting namatay ang mga puno at mga damo na nakapaligid dito at binalot ng kadiliman sa buong paligid, kasabay ang pag-itim ng kapaligiran at pagkidlat.

Mayamaya ay nagbigay ilaw ang apat na prinsesa sa kadiliman ng elementasya, dilaw, puti, bughaw at pula. Yan ang mga ilaw na nagbigay liwanag sa paligid.

Umiilaw na katawan,mga kamaong nakakuyom,mga matang punong-puno ng galit at nag-aalab na kalakasan ng kapangyarihan. Yan ang apat na prinsesa...

"Kahit anong mangyari,walang masasayang na buhay......para sa mga nawalan ng buhay sa digmaang ito dahil sa iyong kagagawan, kahit kailan gagawa ako ng paraan maipaghiganti lang sila. Kamag-anak ka namin pero ikaw na mismo ang pumatay sa aming ina,ako ang PAPATAY sayo"galit na saad ni Arianna saka biglang umilaw ang mga mata niya at may nagsilitawan na mga water spikes na nagyelo at agad na sumugod kay Akera.

Nagsimula na ring kumilos ang pito.
Pumalibot sila kay Akera,gamit ang hangin na kapangyarihan nina Andrei at Airah ay gumawa sila ng barrier para hindi na makalayo pa si Akera, kasunod nito ang pag-angatan ng mga ugat at vines na agad na pumulupot sa buong katawan ni Akera at ang apoy ay nagsimulang lumatay sa nakapulupot na ugat sa katawan ni Akera.

"I'll bring hell to you"sabi ni Flame saka biglang nagliyab ang buong katawan,apoy na kulay bughaw ang kulay ng apoy ang bumalot sa katawan niya at ang pag-ilaw ng kulay pula niyang mata saka nito pinunterya si Akera.

Bumalot ang kunting katahimikan hanggang sa may sumugod sa kanila mula sa likod nila. Inulanan sila ng mga dagger na may lason at ang ilan sa kanila ay natamaan nun,pero agad din naman sila nakapasok sa barrier na ginawa ni Arianna.

At sa likod nila ay lumitaw si Akera na may ngiting nakakaloko.All of them frowned. Unang lumabas ng barrier ang mga lalaki, habang ang mga babae ay nagpaiwan.Pag-aaralan nila ang mga kilos ng auntie/enemy nila.

Gamit ang earth power ni Minho ay yumuko siya at hinawakan ang lupa kasabay nito ay ang pagcrack ng lupa at kinain sa loob si Akera. Pero kaagad itong nakatalon palabas.

"You've got to be kidding me"Minho murmured as Akera gestured and give him a strong punch,dahilan para tumilapon ito sa isa,dalawa, tatlo,apat, limang puno....ganun katinde ang suntok na kaniyang natamo,kasabay nito ang pagsuka niya ng dugo.

"Minho!"Erina shouted,dahil dun ay agad na tumayo si Minho at pinunas ang dugo sa gilid ng labi niya at sumugod ulit.

Gamit ang kapangyarihan ni Akihito sa elemento ng tubig ay pinalibutan niya nito si Akera, ginawa niyang parang baging ang tubig atsaka niya ito itinali sa paa,at kamay ni Akera dahilan para hindi ito makagalaw. Sumugod naman si Andrei at gamit ang air blade niya ay nagkasugat si Akera sa dalawa niyang legs,braso at sa pisngi nito. Kasabay nun ang pagbato ni Daniel ng kaniyang blue flame kay Akera.

Sunod-sunod na pagdaing ang narinig mula kay Akera, ngunit agad na nakawala si Akera doon at kasabay nun ang pagsabog ng malakas at kaunting pag-uga ng lupa.

"Lahat kayo nakakaleche na!?,itigil na natin ang paglalaro,seryosohin na natin 'to?!" namumula na sa galit si Akera. Kaniyang pinalabas ang napakaraming lumilitaw na nga dagger at kasabay nito ang pagsugod ng mga yun sa apat na prinsipe,matapos nun ay gumawa ng mga shield ang apat.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now