Chapter 53:Garden

843 25 0
                                    

Erina's POV

Nandito ako ngayon sa garden sa harap ng palasyo. Kasama ko dito si Tierra. Hindi na nga siya bumabalik sa pagiging hayop kaya nga ito, siya ang sentro ng atraksiyon

"Tierra,sabihin mo.Ano ba ang sekreto niyang ganda mo?"tanong ko sa kaniya.

Bagkus na ako ay sagutin,tinawanan niya lang ako. Ano ba ang problema ni Tierra,sira-ulo ba siya?

"Ano ka ba,Princess Erina.Wala naman akong sekreto,sadyang ganito lang kami"
natatawa niyang sabi sa akin.

"Eh,bakit ka naman tumatawa wala naman akong nakakatawang sinasabi ah..iba rin pala ang trip mo" sabi ko saka pumitas ng bulaklak dito.

Napatingin ako sa paligid.
Ang gaganda naman talaga ang mga bulaklak dito.Mukhang napakahealthy nila. At parang ang sasaya nila,pano ko nasabi?Ewan basta yun lang ang nafeel ko eh...

"Napakaganda ng mga bulaklak na ito tama ba,mahal na prinsesa?"tanong ni Tierra. Tama siya napakaganda nga ng mga ito.

"Bakit...tulad mo ang gaganda rin nila?"
tanong ko ulit.

Hindi siya sumagot at saka may itinuro.
Sinundan ko yun ng tingin at napasulyap sa binatang nakasandal sa puno habang may libro na nakatakip sa mukha nito.

"Sino yun?"
tanong ko saka inginuso ang lalaki.

"Siya ang dahilan ng lahat ng ito.
Siya ang nagpapanatili ng kagandahan sa garden na ito.Madalas kasi siya dito.
Alam mo ba na inilaan niya ang lugar na ito para sa pagdating ng kaniyang minamahal?" sabi niya. Kaya naman ay napakunot ang noo ko.

"Teka-teka,bakit ang dami mo yatang alam?"aabi ko saka tumingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko na. Saka naman nagsitayuan ang mga vines sa likod niya at tumubo ang magagandang bulaklak doon.

Wow,naman talaga napakaganda...
Ang mga vines na yun ay nagmula kay Tierra. Gumawa ako ng vines pero hindi naman iyon nagkabulaklak. Bakit kaya?

*pout*

"Hindi magkakabulaklak yan kasi hindi mo yun ginagawa ng may pagmamahal.
Alam mo ba na ang mga bulaklak o tanim ay parang mga batang tulad lang din natin? kailangan silang alagaan at palakihin ng pagmamahal para sa huli makita mo kung ano talaga sila"sabi ni Tierra.

Napaisip naman ako sa sinabi niya.
At saka napasulyap sa lalaking nakasandal sa punong yun.Gaya ng nangyayari ngayon ay nagsigapangan naman ang mga vines pataas ng puno na kaniyang sinasandalan. Tuloy ayun naintriga ako.

"Tingnan mo nga yun Tierra,ang galing niya.Sino kaya siya?"tanong ko sa sarili ko. Although parang pamilyar siya...

"Ewan ko,anyway,alis na ako ah.Mukhang oras na para sa trabaho" agad naman siyang naglaho. Trabaho? ano naman kayang trabaho yun?

Nagkakad ako patungo sa mga bulaklak.
Gaya ng sinabi sa akin ni Tierra ay kinausap ko ang mga yun,sadyang napakaganda nila at napakarelaxing nilang kausap,para kasi aking nakakaintinde sa kanila,eh.Ewan ko ba sa sarili ko.

"Alam niyo ba ang gaganda niyo
Gaya niyo ang ganda ni Tierra. Inggit nga ako sa inyo,napakaganda niyo...pero syempre maganda ako,kaso nga lang talaga mas maganda kayo,iba beauty niyo eh"bulong ko sa kanila saka bahagyang napairap at maya-maya din ay napangiti.

Tumingin lang ako sa paligid ko saka humiga sa damuhan. Tumingala ako at nakita ang napakasilaw na liwanang mula sa araw. Hayst...mukha akong timang sa ginawa kong 'yun ah!

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon