Chapter 64:Kaanib

668 21 0
                                    

Andrei's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nabanggit ni Akila,akalain mo yun? Nagseselos pa sa kaniya si Akihito pero ang totoo ay pinadala siya dito para bantayan ang aming mga prinsesa at ang mas nakakasurpresa ay isa lamang siyang half blood. Kaya paano niya magagawa yun?Pero natutuwa ako dahil sa kabila ng hirap na kaniyang natamo ay naging tapat siya.

"Marami silang mga kaanib. Hindi ko alam kung kaya natin silang higitan. May mga black witch,ogres,may mga diwata rin silang kasama at ang iba pang nilalang na  tagapagbantay sa kagubatan tuwing gabi. Marami ang kanilang bilang,at mababangis ang mga kasapi nila."sabi ni Akila na parang hopeless dahil sa sinabi niyang dami ng bilang ng mga kalaban.

Tumanaw si Airah sa labas kung saan ay nag-eensayo ang mga estudyante ng academy na mula sa class A to class F, lahat sila ay willing na sumali para sa laban at handa silang ipaglaban ang kanilang kaharian at mundo. Pero ang masasabi ko ay hindi pa sapat ang aming bilang kung ibabase sa sinalaysay ni Akila.

"What other creatures do you have?"
tanong bigla ni Flame.

"What are you thinking?"
curious na tanong ni Daniel.

Humawak naman si Flame sa magkabilang pisngi ni Daniel.

"Trust me"nakangiting sabi ni Flame.

"Fairies,pixies,mermaids,werewolves,
white witches,and vampires"sabi ni Minho.

"Maaari natin silang maging kakampi" nakangising sambit ni Airah.

"Imposible ang sinasabi mo Airah, base sa librong nabasa ko sila ang uri ng mga nilalang dito sa Elementasya na mailap at mahirap mahagilap,hindi natin sila makukumbinse na sumali sa labanan lalo't maaaring magulo ang matahimik nilang buhay. Hindi nila ibubuwis ang mga buhay at kapayapaan ng tribo nila" mahabang salaysay ni Erina.

May point ang sinabi niya.
Ang mga nilalang na yun ay hindi susugal para sa isang labanang wala namang kinalaman sa kanila at mas lalong hindi sila susugal para lang sa kapakinabangan ng iba.

"May point ang sinabi ni Erina,Airah.
We cannot guarantee to make them agree"pagsang-ayon ko kay Erina.

"Pero pwede naman nating subukan, isa pa mundo rin naman nila ang mundo natin" sabi naman ni Akila.

"Makinig muna kayo,bago kayo dumakdak" inis na sabi ni Flame.

"Pagdating sa mga ganitong bagay kami na ang bahala." sabi ni Airah.

"Ano naman ang plano niyo tungkol diyan ha? hindi na tayo aabot, wala na tayong oras. We only have 13 days to be exact. Airah,Flame isipin niyo muna ang lahat ng gusto niyong gawin"sabi ko kay Airah pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Seems like that we can do nothing to stop you. Then what's the plan"sabi ni Daniel saka umakbay kay Flame.

"Makinig kayo,2 days from now aalis kami para kumalap ng mga kakampi.
Ako, si Arianna, Akihito at Andrei ang lalakad the rest will stay here. Sa pagdating ng oras para sa labanan lumaban kayo kasama ang ating mga sundalo kasama na rin ang mga estudyante ng academy. Bigyan niyo din ng senyales ang mga kaharian dito sa elementasya tungkol sa gaganaping labanan. Sabihin niyo na tayo ang susugod sa kaharian ng mga kalaban. Kung dadanak man ang dugo,sa lupain nila mangyayari yun. Maghihiganti tayo dahil sa mga nawala nating pamilya na kagagawan niya." sabi ni Airah na may diin sa bawat bigkas niya ng salita. Ito ay laban sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Laban para sa paghihiganti.

"Wait,bakit ako maiiwan dito?"
protesta ni Flame kay Airah.

"Makinig ka Flame,ikaw ang aking pinagkakatiwalaan sa ating lahat. No offence lang sa inyo pero ikaw lang naman ang inaasahan ko na maglelead sa kanila. Sang-ayon ba kayo?"tanong ni Airah saka tumingin sa lahat.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now