Chapter 73:The Ball

870 25 0
                                    

Airah's POV

Nasaan na ba ako ngayon?
Grabe ang sakit ng katawan ko.....
Teka,ang laban...si Mayuri..aray!

Nakakainis naman talaga...

"Gumising ka na,oy!ang tagal mong magising...."

Teka,sino ba yung nagsalita....
Ang tagal daw na magising,bakit ano ba ang nangyari at ang tagal ko daw na magising..tsk!

Hoy!!!gising na 'ko!!

Teka hindi pa pala!!hehe....

"Hmmmm.."-ako

"Yes!hoy Airah magising ka na!"
sabi niya sabay alog sakin.

Sino ba 'tong bwesit na 'to at iba rin ang trip para sirain ang beauty rest ko. Pagmagising ako hahambalusin ko 'to.

"Pwede ba,manahimik ka..."antok na turan ko sabay kusot ng mata ko saka naupo sa kama.

"Gising ka na rin!"
masaya niyang sabi sabay yakap sakin. 'Tong lalaki talaga,baliw.

"Manahimik ka nga,Andrei.
Kita mong natutulog ang tao eh..."
sabi ko sabay layo sa kaniya at nahiga ulit sa kama.Bakit ba eh inaantok pa 'ko eh..

"Gumising ka na kasi,alam ko namang namimiss mo na ang gwapo mong boyfriend eh"sabi niya kaya naman napabalikwas ako ng tayo sa sinabi niya.

"B-BOYFRIEND!?"bulyaw ko sa kaniya kaya naman napatakip siya ng taenga niya.

"Bakit?nakalimutan mo na ba?
Hindi mo na ba ako mahal?
Ganun mo na lang ba--aray!"ang dami pa kasing sinasabi kaya binatukan ko.

"Pwede ba,manahimik ka.
Ilang oras ja ba ako nakatulog?Sina Erina,Flame at Arianna?"tanong ko sabay tayo ng kama.

"Gising na kahapon pa,ikaw at si Flame na lang ang hinihintay"sabi niya. Ganun pala talaga kami kung matulog.

"Siyanga pala,ilang oras nga kami natulog?"tanong ko ulit sa kaniya.

"Pitong araw"casual niyang sagot saka may inilabas na napakagandang gown sa box na dala niya ata?

"PITONG ARAW?!"bulyaw ko ulit sabay hawak sa magkabila niyang balikat at pinaharap sa akin tapos inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Nagbibiro ka ba?"tanong ko ulit.

"Hindi ah,kami nga limang araw eh.
Sabi nina Headmaster Rey na normal lang daw yun kasi marami daw tayong nagamit na kapangyarihan.Lalo na kayo
kasi na-unlock niyo ang kapangyarihan niyo eh, isa pa nagbago kayo ang ganda-ganda mo nga eh"salaysay niya. Tsk,parang bata pero ang cute niya...

0////0 ano sabi niya?
Maganda daw ako dun?
Siguro nga,pero maganda naman talaga ako diba?Pero,iba kasi ang pagkakasabi niya eh,kaya naman eto eke....tsss nahahawaan na ata ako sa kabaliwan ni Erina...

"Ah..g-ganun ba?"^/////^

"Oo naman"^_^

Tssss,kainis siya!

"Heto nga pala ang gown na susuotin mo mamaya,may ball tayo. Paraan daw para magcelebrate,see you" sabi niya sabay kindat at ayun na nga umalis na rin siya.

"Ano daw?Ball?yun bang parang sa mga princesses?OMG!!!!kinindatan niya 'ko?!parang bago pa ba yun?Hindi naman eh..."sabi ko sa sarili ko.

"Teka,kinakausap ko na ba ngayon ang sarili ko?! NABABALIW NA 'KO!!!!!" sigaw ko saka nagpagulong-gulong sa kama ko.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now