Chapter 4:Escape

2.5K 80 4
                                    

Airah's POV

"Ibigay niyo sila sa amin"
turan nung lalaki saka itinuro kami.

Ito na nga siguro ang sinasabi ni Mommy at Daddy na nanganganib ang aming buhay.Letche namang birthmark!
Bakit kami pa ang napili and what is this? Pinag-uusapan pa lang namin to, pero bakit nandito na sila agad?

Walang'ya, our lives just made a backflip and take a turn for the worst!

"Ano po ba
ang maitutulong namin Mom,Dad?"
pabulong kong tanong habang nakatingin sa aming mga kalaban.

"Umalis na kayo dito"
turan ni Mommy saka may ibinigay na kwentas sa kamay ko na may iba't ibang kulay at may ukit na hugis gaya ng aming bithmark.

"Para saan ito?"naguguluhan kong tanong.Hindi ko alam kung papaano ito makakatulong sa amin sa sitwasyon na 'to.

"Ibigay mo yan sa mga kapatid mo at ipasuot mo saka niyo banggitin ang mga katatagang ito 'Esto na idya portala de Elementasya', ngayon sige na umalis na kayo at kami na ang bahala dito"turan ni Mommy saka ako itinulak sa mga kapatid ko.

Ipinabigay ko naman sa kanila ang kani-kanilang mga kwentas na may nakaukit na hugis na naaayon sa aming mga birthmark.Isinuot naman nila ito.

"Mom,Dad pano kayo?"
tanong ko sa kanila.

"Kami na ang bahala dito.Dalian niyo na at baka pa nila kayo mapansin"
turan ni Daddy.

"Pero hindi pwedeng iwan namin kayo dito, it's dangerous, please"
naiiyak na turan ni Arianna.

"Tutulong kami kung kinakailangan"
turan naman ni Flame.

"Mom,Dad!"
sigaw naman ni Erina na umagaw sa atensiyon ng lahat.

Ahuh...sometimes, gusto ko talagang busalan ang babaeng 'to.

"Good work,Erina,now we're good as dead" turan naman ni Flame.

"Girls,RUN!" sigaw ni Mom saka pinatamaan ng isang lightning bolt ang kalaban na nasa harapan niya.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa napadpad kami sa kagubatan.Doon ay may humarap na isang kalaban na,hindi ko maintindihan na kung ano man.Ako naman ang pumunta sa unahan para protektahan ang mga kapatid ko.Ang tapang ko 'no?Ngayon ano ang gagawin ko?

"Sumama na lang kayo, kung ayaw niyong masaktan" turan nito na parang maraming tao ang nagsasalita dahil ang dami ng boses na narinig ko,para siyang demon.

"Over my dead body!Kailan man ay hindi ako papayag na mahawakan niyo man lang ang aking mga kapatid!"
sigaw ko saka naman sila tumawa.

Alam ko na parang nababaliw na ako.Bakit ba ako naglakas-loob na hamunin sila eh wala naman akong kayang gawin! Darn it!

"Kunin sila"
turan nung kalaban na yun sa mga alagad niya.

Lumakad naman sila palapit sa amin.
Todo atras naman kaming lahat.
Nang sumugod na sila sa amin ay napapikit kaming lahat,ngunit wala kaming naramdaman na masakit pero may narinig kaming daing kasabay ang pagtalsik ng pulang likido sa direksiyon namin.

Pagdilat namin ay hindi pala kami ang nasaktan kundi si....

"Dad!" sigaw ni Erina saka lumapit kay dad.

Tama, si Dad nga ang kanilang nasaksak sa likod habang sa amin nakaharap. Prinotektahan niya kami,habang kami'y walang nagawa.

"Airah,pakiusap!Umalis na kayo dito,huwag niyong hayaan na mabalewala ang pagsakripisyo ng buhay ng inyong ama!Please,leave now!"umiiyak na sigaw ni Mommy habang pinapaslow ang pagdating ng mga kalaban sa amin gamit ang barrier, hawak niya rin sa kaniyang bisig si Daddy na wala ng buhay.

Tumakbo na kami ng tumakbo papalayo sa mga kalaban,papalayo kayna Mom and Dad,habang ako ay napaluha na lang.Pinunas ko na lang yun at nagpatuloy sa pagtakbo.Kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid ko,para na rin kay Dad and Mom,at sa pangako na binitawan ko sa kanila.

"Daddy,patawarin niyo kami"
umiiyak na turan nina Arianna at Erina.

"Bilisan niyo na at ng hindi mabalewala ang pagsasakripisyo nina Mommy at Daddy"turan ko.

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa parte ng gubat na ito at doon ay nagpahinga kami ng sandali.

"Ngayon,aalis na tayo dito"
turan ko saka sinabi ang enkantasyon or something na yun na sinabi sa akin ni Mommy.

Thank you,Mom and Dad.
For helping us escape.
Goodbye....















~~~~~~~~~~~~~~~~~


The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon