Chapter 45:Elemental Forest 1

966 35 0
                                    

Andrei's POV

Matapos naming talunin ang hinayupak na 'yun ay nagtungo na kami sa sa susunod na bundok ang Elemental Forest. Masaya ang mga prinsesa namin na makausap ang kanilang mga 'elemental pets' supposed to be pero ngayon tao na sila.

"Yow babe!" sabi ko saka inakbayan si...Aire.

Mayamaya ay nakatanggap ako ng suntok,grabe ang sakit.Pareho lang sila ng amo niya parehong mga boksengera,tsk ang sakit

"Masarap ba?"
sarkastikong tanong ni Airah.

"Ikaw kaya suntokin ko kung masarap.
Tulongan mo nga akong makatayo"
sabi ko in a bossy way.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at inilahad ang kamay niya.Ng abutin ko 'yun ay agad niya yung inalis at saka ako napasubsob sa lupa. Ang gwapo kong mukha,tsk.

"Akala mo naman ang bait ko para tulongan ka" mataray niyang sabi sabay lakad.

Simula na naman ng isang mahaba-habang lakaran. Nangangawit na naman ang aking mga binti pero hindi pa maaaring huminto dahil delikado ang daan pagmadilim na.

"Wow!ito na ba 'yun?"
sigaw naman ni Erina.

"Geez,I admit it's beautiful"
sabi naman ni Flame.

"It is indeed"sabat naman ni Daniel sabay akbay sa balikat ni Flame.

Walang imik na hinayaan lang yun ni Flame.Habang nag-iiwas ng tingin alam ko namang namumula siya.Expert na kaya 'to.

"Huhmm,not bad"sabi naman ni Airah habang nakacross arm pa.

"Ganyan kaganda ang elemental forest."
sabi naman ni Tierra.

"Ops!kailangan na nating bumalik"
sabi naman ni Aire.

"We must go now"sabi naman ni Fuego.

"Leaving too soon,mga babes"
sabi ko sabay akbay kayna Tierra at Fuego.

"Augh....gross"
mataray namang sabi ni Aire.

"We better go"pahabol nito.

"Pasensya na po,pero hindi ho kami pumapatol sa tulad niyong....ah..."
magalang na sabi ni Agua.

"Jerk"sabi naman ni Fuego saka silang lahat biglang naglaho.

Ganyan ba talaga ako kagwapo para tumakbo sila palayo sa akin?Anyway okay lang mas gugustohin ko na lang na magkulong sa kwarto ng di maexpose ang kagwapohan ko at sambahin ang sarili sa salamin habang pinakatititigan ang gwapo kong mukha.

"Guys...I think may something dun"
sabi naman ni Airah saka biglang pumasok sa loob ng gubat.

"Airah,wa--"di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makapasok na siya.

"Where's Airah?"tanong ni Erina.

"Inside,guys kailangan na nating malagpasan ang bundok na 'to, first full moon na  kaya kailangan na nating magmadali" sabi ko saka pumasok na sa Elemental Forest.

Ng makapasok ako doon ay bigla akong tumilapon sa isa sa mga puno dito dahil sa lakas ng hangin na pumapalibot sa katawan ni Airah. Ang mga mata niya.... it is in a silver color at was staring into me badly.

Mayamaya ay tumila na ang malakas na hangin at tumambad sa akin ang napakagandang Airah, ang suot at itsura niya ay tulad ng itsura ng mga elemental pets niya ng maging tao ito.

"Sino kaba't ano ang ginagawa mo dito?"
nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi niya.

"Airah,this is not a good joke,it's not funny at all"sabi ko sa kaniya saka sana lalapit sa kaniya pero itinutok niya ang kaniyang kamay sa akin at tumilapon ako palayo sa kaniya dahil sa lakas ng hangin.

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon