Chapter 20:Connected

1.6K 57 0
                                    

Daniel's POV

Nandito kami sa dorm ngayon.
Wala kaming magawa, kaniya-kaniyang diskarte para patayin ang oras.

Mayamaya ay biglang umilaw ang aming mga birthmarks at saka hindi ito mapakali.

"Guys.....hindi kaya nanganganib ang buhay ng mga prinsesa natin?"
tanong naman ni Andrei sa nag-aalang boses.

Ng marinig ko ang tanong ni Andrei ay nakaramdam ako ng kaba.Shit!Why the hell am I feeling this,does that mean na nasa panganib nga ang aming mga prinsesa?

Bigla pang lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko at ang pag-ilaw ng aming birthmark.

"It's for us to find out"
turan ko saka tumalon sa bintana at tumakbo.

Hindi ko alam kung saan ako papunta pero ang mga paa ko na ang nagdedesisyun kung saan ba niya gustong pumunta.

"Saan nating sila hahanapin?"
tanong ni Minho.


"I don't know"
tugon ko saka ako tumingin sa office ng headmistress.


Bakit naman ako napatingin doon?
Nagtungo ako sa room nila. Sinipa ko ang door at saka sila tinanong.

"Our Princesses?"turan ko.

Nanginginig na sumagot ang isang estudyante na kinuwelyuhan ko sa aking pagtanong.

"S-Sa D-Detention
R-Room, kay H-Headmistress....."
nauutal nitong turan.


Binitawan ko naman siya at agad na tumakbo patungong D.R.
Kaya naman pala ako napatingin sa office ng headmistress dahil sa may kinalaman siya dito. Pero,bakit?


Ng makarating ako sa room na ito.
Nanginginig ako,bakit ba ako nanginginig?
Ng pinihit ko na ang door knob ay bumungad sa akin ang mga prinsesang wala nang malay.

"Ano,Daniel nahanap mo?"
tanong ni Akihito ng makarating sila dito.

"Bakit?---"tanong ni Andrei.


Nabigla silang lahat sa kanilang mga nakita. Ang mga prinsesa namin, walang mga malay habang hinang-hina at may mga dugo sa ulo, at may mga lapnos sa balat.

Bakit....sinong gumawa nito!

Naikuyom ko ang aking kamao sa aking makita. Si Flame, namumutla na ang kaniyang labi. Linapitan ko naman siya saka binuhat .Ganun din naman ang ginawa ng iba.

"Ang prinsesa ko..." turan ni Minho habang nakatitig sa buhat-buhat niya na si Erina.


This is really out of hand. Kailangan na nilang matutunan na gamitin ang kanilang kapangyarihan ng hindi na sila magkaganito.

Dinala na namin sila sa school clinic at doon ay ginamot sila ng mga healer.
Habang pinanunood siya na binibigyan ng oxygen ang katawan niya dahil sa nahirapan daw siya sa paghinga ay sumasakit,sumisikip ang dibdib ko na makita siyang nagkaganito.


"Saan ka pupunta?"
tanong ni Andrei ng mapansin nila akong paalis ng clinic.

"Payback"
turan ko saka ikinuyom ang aking kamay.


"Teka,sasama kami!"
turan naman ni Minho saka lumakad palapit sa akin.


Naglakad na kami paalis ng clinic at nagtungo sa office ng headmistress namin. Ng makarating kami dito,ay sinalubong niya kami ng ngiti. I hate those smile.


"Ano at napadaan sa opisina ko ang apat na prinsipe ng apat na kaharian ng mga elemento?"tanong nito.

Isang malaking pagsabog dito sa loob ang aking ginawa.Itinutok ko ang aking kamay sa kanan at kaliwa. Ngayon ay napapalibutan na ng apoy ang kaniyang opisina.



"Ano ito,Prinsipe Daniel!?!?"
sigaw nito sa akin. Kung gayun tama nga ako, hindi siya ang tunay na HM...


"Sino ka na nagbabalat kayo,at nagpahamak sa aming mga prinsesa!?!"
sigaw ko.

Nakita ko naman na pinapatunog na ng mga kasamahan ko ang kani-kanilang mga buto sa kamay habang nakangiti pa ng nakakaloko.


"Aamin ka o  babalatan ka namin ng buhay?" nakangising tanong naman ni Andrei.



Ngumiti naman ito ng nakakaloko saka mayamaya ay binalot siya ng maiitim na usok. Saka ng mahawi ito ay....


"Mukhang hindi ko nga kayo mauutakan ah, pano ba yan ngayong alam niyo na anong gagawin ko?"turan niya.

Anong ginagawa ng isang ito rito?
Pano siya nakapasok sa kabila ng barrier na ginawa ng aming mga magulang....tsss,kaasar!



------------

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now