Chapter 44:Tentacles

961 30 0
                                    

Erina's POV

Walanjo!
Ang dami pala naming namiss,
nacontrol pa kami ng Hayana na 'yan.
Ang panget ng halimaw na 'to.

"Sino kayong gumambala sa aking paghimbing!"sigaw nito na kulang na lang ay basagin ang aming mga taenga.

"Hoy,panget tumahimik ka!" sigaw ko saka pinalitaw ang mga malalaking bato na nagmumula mismo sa tubig dagat saka pinaatake 'yun sa kaniya.

But, syempre hindi lang 'yun.
It was just a distraction. Inilabas ko ang aking Chained Scythe.

Nakita ko naman na nagpalabas na rin sila ng kani-kanilang mga elemental weapon. Susugod na sana kami ng lumabas ang mga pets namin.

Akala ko nga na patay na ang mga 'to.
Sa tinagal -tagal ng panahon na kanilang pagkawala nandito na sila!Woah!tapos yun na?Ibang klase...

"Kumusta?"bati ni Tierra.

*smack*

"Aray ba't ka ba nambabatok?
Ganyan ka na ba talaga mag-welcome ngayon?" Angal niya kasabay ang pagtulo ng kunting luha sa mata niya.

"Sa tinagal-tagal ba naman ng pagkawala NIYO eh sa tingin niyo sasabihin namin 'Oh my gosh you're back,welcome back' with matching hugs ganun ang gusto niyo?" singhal ko sa kaniya

"Kasalanan ba namin?"
singit naman ni Fuego.

"Manahimik ka"
saway naman ni Flame.

Guess what inirapan lang siya ng pet niya. Ang saya 'no?Nagkakasundo pero ang sarap ding hambalusin,tsss

"Let us explain kasi..."
mataray namang sabat ni Aire

"Then start it now,5 minutes"
sarcastic na sagot naman ni Airah

"Ganito kasi ho 'yu,pinatawag po kasi kami ng aming mga amo na nasa mundo ng mga god and goddesses at may sinabi lang po sa amin..." magalang na paliwanag ni Agua.

"Ganun ba,salamat sa paliwanag Agua"
nakangiting pasasalamat ni Arianna.Kaya naman nginitian siya nito.Buti pa siya matino ang hawak niya,eh yung samin?

*pout*

"Stop pouting,it's kinda tempting"
seryosong sabi naman ni Minho.

*smirk*

Lumakad ako palapit sa kaniya.
Mula sa likod ay bumulong ako sa tenga niya.

"What do you want to do?
You are permitted to do it" sabi ko sa kaniya.

Lumayo naman siya sa akin saka hinarap na ang kalaban. Oh I almost forgot about that.

"Kami na bahala sa kanila"
sabi naman ni Fuego.

Nabigla kaming lahat sa nangyari.
Naging tao sila sa aming harapan...napakagandang mga babae.

May puting bestidang lampas paa silang mga suot. Mga flowy ang lahat ng 'yun. May mga suot silang flower crown sa ulo nila at may mga gem sa mga noo nila. Napakaganda nilang lahat.

Nagpalabas si Aire ng dalawang maliliit na air katana at pinagdugtong yun para maging spear with double sided blade.

Nagalabas naman si Fuego ng fire sword. Wait it is not an ordinary sword kasi ang laki nun, napakalaking nagbabagang sword, shock!cool...

Si Agua ay nagpalabas ng water arnis.
Ang ganda kaya ng arnis na gawa sa tubig it's very transparent.

Si Tierra naman ay nagpalabas ng...
ano 'to wala siyang sandata pero may nakapalibot sa kaniyang vines na matitinik na nakalutang sa hangin.

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon