Chapter 14:Flame

2K 58 2
                                    

Flame's POV

Madalas na ako dito sa labas at malayo sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan nila, pansin niyo?

Wala kasi akong ganang humarap sa mga taong pinaghihinalaan ko. May masama kasi akong nararamdaman sa tatlong yun. Maiitim na awra ang pakiramdam ko ay pumapalibot sa kanila, hindi ko nga maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero ito na 'to eh,kaya naman may magagawa pa ba ako?

"Hoy!" tawag sa akin ng kung sino man. Ah,yung clown pala na nambato sa akin nung first day of class at yung nanakit kayna Erina at Arianna.


"Hoy!"
tawag nito ulit sa akin. Pano hindi ko kasi pinansin. Nakita ko naman ang mga paa nila sa harapan ko,kaya napatingin ako sa kanila.

"Finally, nakuha rin namin ang atensiyon mo." turan naman niya saka nagpaypay pa.

Ano naman kaya ang kailangan ng siraulong 'to at iniisturbo pa ako sa aking pamamahinga?


"Problem?"
taas kilay kong tanong ko sa kanila.


"Hoy!bantayan niyo ang malandi niyong kapatid. Baka nakakalimutan niya ang ginawa niya, pinagsinungalingan niya ako, nasaktan ko pa ang boyfriend ko dahil sa mga sinabi niya. Liar na, malandi pa"
turan niya ng walang tigil hanggang sa magsiliparan ang mga laway niya sa mukha ko.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa mga sinabi niya.Eh gaga pala siya eh,dapat kasi hindi siya agad naniniwala kung siya rin naman ay totoong may tiwala sa boyfriend niya, right?


"Huh,sino ba ang sinisisi mo dito?
Bakit mo naman ipapasa sa iba ang kasalanan mo. Kung totoong may tiwala ka rin sa taong mahal mo hindi mo dapat naniwala ng wala basehan. Narinig mo nga lang yun sa ibang tao eh,sa kereda pa niya. Hindi mo man lang inisip na baka sinisiraan lang niya ang mahal mo sayo?......
Ngayon, natauhan ka na?" tanong ko sa kaniya after a little longer pause.


Nakaramdam naman ako ng paglapat ng isang palad sa aking mukha. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Ang sakit, f*ck, wala pang nakasakit sa akin ng ganito in my whole life not even my parent or my sisters.


Tumingin naman ako sa kaniya. Nakangiti naman siya ng nakakaloko. Pumalibot naman sa akin ang dalawa niyang kaibigan saka ako inatake, hindi naman ako makaganti kasi naman ginagamit nila ang mga powers nila, eh wala pa ako nun.


Yung isa niyang kasama ay agad na nawawala sa aking paningin, ng agad-agad. In short parang nagteteleport yung isa. Itong leader naman may mga ice spikes sa kamay niya, anong gagawin niya dun. Tatayo na sana ako ng atakihin uli ako nung isa pang babae, kuryente naman ang kapangyarihan niya.




"Augh!!!!!!" daing ko ng kuryentehin nila ako. Kaya matapos yun ay napaluhod ako at nasubsob ang mukha ko sa lupa.


Hindi ako maaaring matalo ng mga siraulong 'to. Tumayo naman ako kahit nahihirapan na ako. Ang sakit na ng katawan ko,may mga sugat na ako sa mukha,sa legs,at sa mga braso ko. I can also taste blood in my mouth.


"Surrender?" tanong niya habang hawak ang buhok ko mula sa likod.


Dinuraan ko naman siya.I will never let myself down,hindi ako isinilang sa mundong 'to para apak-apakan ng mga walang kwentang tao. Galit naman niyang pinunas ang laway ko sa mukha niya.




"Ang kapal talaga ng mukha mo. B*tch!"
turan niya saka isinaksak sa aking tagiliran ang hawak niyang spikes an gawa sa yelo.


Naramdaman ko naman na nag-init ang aking katawan, kahit masakit ang aking sugat ay tumayo ako, at nakita ko naman na natakot sila sa akin. Napatingin naman ako sa mga palad ko, mapupula ang mga ito at parang nagliliyab ang aking katawan dahil may nakikita akong apoy sa mga palad ko.


Tumingin naman ako sa kanila. At nginisihan ko naman sila ng nakakaloko.



"Pay back time"
turan ko.




Napatulala naman sila habang nakaupo sila sa lupa na gulat at takot ang mga mata. Nagpalabas ako ng malabolang apoy na lumilitaw sa kamay ko at itinutok sa kanila.




Ngayon papatayin ko na sila.
Itatapon ko na sana sa kanila ang apoy ng matumba ako, nakaramdam naman
ako ng braso sa likod ko. May....sumalo sa akin....






Black-out.....



























~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Geez,ngayon ko na sisimulan ang tunay na layunin ng aking istorya,hahahaha...

Sorry na lang po sa mga errors na naencounter niyo.

Vote and Comment po:)

The Four ElementalsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang