Special Chapter

1.6K 30 9
                                    


ZEPHANIAH's POV

It's been almost 60 years nung mangyari ang huling digmaan dito sa aming mundo. Wala na sila Mom,Dad,Titas' at Titos' you know everyone dies naman. Naiwan kami para tumayong susunod na pinuno ngayon henerasyon. Nakakatuwa at hangang-hanga ako sa mga magulang ko at sa mga titos and titas ko.Nagawa nilang iligtas ang buong elementasya,kami kaya...magawa kaya namin yun?

Palagi kong tinitingnan ang diamond na nakausli sa akong dibdib,sabi ni Tita Aika na ito daw ang isa sa apat na kwentas na nagpakawala sa tunay na lakas ng  kapangyarihan nila. At ngayon ay namana ko ito.

Ako nga pala si Zephaniah Elaine de Luca-Airando. I am 18 years old at ang crown princess ng kaharian ng hangin at ngayon ang aking koronasyon bilang susunod na reyna.

"Andrea!halika nga ditong ugok ka!" sigaw nitong si Tyrese, Tyrese Cassandra de Luca-Ambrose, she's my cousin daughter of Princess Erina and Prince Minho. She used to call me 'ugok' well whatever.

"Huwag kang maingay"mahinang pagpapatigil ni Aiyahira Victoria de Luca- Blue ang anak nina Princess Arianna at Prince Akihito.

"Tss,stupids"guess who's that?
Freya Selestine de Luca- Forrester, ang anak nina Princess Flame at Prince Daniel.

Siya nga pala ngayon din ang kanilang koronasyon. At nagtipon-tipon muna kami bago ang seremonya. Ito ay upang makasama ang isa't isa bago matali sa isang pinakamalaking responsabilidad.

"Hay,naku kung nandito lang sana sina Mom and Dad para tulungan ako"
sambit ni Tyrese.

"Tss...we don't need to be always dependent, besides if they were here they will also say the same"sambit ni Freya sabay nguya sa gum niya.

"Tama si Freya,Rese...."mahinhin na pagsang-ayon ni Aiya.

"Tama,kaya naman simula ngayon kailangan nating maging magaling at matatag na pinuno para sa mga magulang natin." sambit ko.

"Yeah right"-Freya

"Psh!"-Tyrese

"Okay lang 'yan Rese,haha"- Aiyahira

Mom,Dad whenever you are I promise I will make you proud. Magiging magaling akong pinuno at pinapangako ko na hindi ko kayo ipapahiya. At pangangalagaan ko ang lupaing ipinagtanggol niyo noon...

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang lumindol kaya napatingin kaming lahat kay Tyrese.

"That's not an earthquake but a big creature, I believe"sambit ni Tyrese habang nakahawak sa lupa.

"Aiyahira gumawa ka ng barrier sa buong kaharian, Freya samahan mo ako. Tyrese ikulong mo ang halimaw na yun saka gumawa ka ng isang dome kung saan kami pwedeng lumaban ng walang mapipinsala" sambit ko,tumango naman silang lahat at nagsimula na kaming kumilos.

Ng marating namin ang area na yun ay agad na ikinulong ni Tyrese ang kalaban namin saka kami ni Freya pumasok doon.

Gamit ang aking kapangyarihan ay gumawa ako ng hamog sa loob at saka namin siya inatake habang wala siyang makita dahil sa nakapalibot na hamog sa buong dome..

"Ang galing ng plano mong 'to" puri sa akin ni Freya. Ngumiti lang ako sa kaniya saka ko pinana ang halimaw sa paa nito gamit ang air bow at arrow ko. Kasabay nun ang paghiwa ni Freya at paa niya na dahilan para maputol ito.

Isang malakas na daing ang aming narinig at malakas na pagbagsak. Sunod naming ginagawa ay pinunterya namin ang kaniyang dalawang kamay. Gamit ang aking latigong gawa sa hangin ay pinutol ko ang kanan niyang  braso, gamit naman ang fire sword ni Freya ay pinutol niya ang kaliwang braso.

Matapos nun ay inalis ko na ang makapal na hamog at bumulagta ang walang buhay na katawan ng halimaw na to na putol-putol ang parte ng katawan.Kasabay nun ang pagguho ng dome,at nakita naming kumakaway si Tyrese habang nakangiti naman si Aiyahira. Nagsimula na kaming lumakad patungo sa kanilang kinalalagyan ng...

"Aba,aba...may mga chics pala dito" sambit ng isang lalaking mukhang chic-boy.Sino bang isang to?

"Mukhang mga prinsesa sila" seryosong saad ng isang lalaki.

"Maganda tong regalo kay Bossing"
sambit nung isa sabay dila sa talim ng dagger na hawak niya.

The creeps started to crawl in my body.

"Shut up!Kunin niyo nalang sila!"sigaw nung isa na mukhang masungit.

Agad na kaming nagpalabas ng aming mga elemental weapons,at saka humanda sa paglaban sa kanila.

"Sino kayo at saang tribo kayo  nagmula?" pasigaw na kanong ko sa kanila. Tumawa lang sila ng mahina.

"Bakit kayo tumatawa?Mga baliw ba kayo?" madiin na turan ni Freya sabay pagkuyom ng isang kamao niya.

"Sino kayo?"natatakot na tanong ni Aiyahira.

"Bakit kayo ganyan?Mga mukha kayong mula sa underworld"sambit ni Tyrese.

U-Underworld?

"Hahahaha, tama nga,Bingo Mahal na Prinsesa" sagot nung mukhang play boy kay Tyrese sabay kindat dito pero bahagyang nakitaan ko ng inis sa mukha ang pinsan ko.

"Kung gayun,ano ang inyong pakay?" lakas-loob kong tanong.

Naglakad naman papuntang harapan nila yung mukhang masungit na lalaki kanina.

"Kayo"maikli niyang tanong saka bumalot ang kadiliman sa aking paningin at huli kong nakitang nahimatay rin ang mga pinsan ko at....

Block out....














~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~~°~°~°~°~°~°

A/N:

And that's the end of it guys, thank you so much for reading it and being able to reach this last chapter.

God bless muah~

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon