Chapter 46:Elemental Forest 1.2

846 25 0
                                    

Flame's POV

Pagkapasok namin sa elemental forest ay biglang uminit ang buong paligid at itinulak ako ni Daniel ng malakas dahilan para tumilapon ako papunta sa puno.

"Sh*t!"usal ko saka pinunas ang dugong lumabas sa bibig ko ng tumilapon ako.

Nagbabaga ang buong paligid,mainit at hindi ko makayanan... bakit ganito?Hindi ba isa akong fire user,bakit tinatablan ako ng init?

"Still have no clue?"
tanong niya ng nakangisi.

"Sino ka?"tanong ko habang nakayuko pa. May kakaiba akong nararamdaman sa kaniya at alam kong hindi siya ang totoo.

"Hahahaha,wow that was impressive!
Nice to see you again,Flame. Para sabihin ko sa sa'yo kami ang tagapangalaga ng forest na 'to. Kaya kami ang magbibigay sa'yo ng pagsubok" nakangiti nitong sabi.

Still hating him!-_-#

Nakakainis naman talaga ang pagmumukha niya kahit sabihin pa nating gwapo siya.

"Stop talking nonsense at diretsyohin mo na ako ng hindi na 'to magtagal pa"sabi ko.

"Well as you said.. Ang pagsubok ko lang naman ay napakadali as-in talaga, swerte ka at 'yun lang ang ipapagawa ko"sabi niya.

"Pwede ba,sabihin mo na lang!"
irita kong sabi.

"Okey,okey chill!Geez napakahighblood mo naman.Ganito,aminin mo lang sa kaniya na gusto mo siya,whole heartedly.Syempre aalis na muna ako sa katawan niya para siya mismo ang kausap at makaharap mo." nakangiti niyang sabi saka lumabas sa katawan ni Daniel.

Huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya ng matalim habang nakatayo siya sa taas ng lava na parang lake ng lugar na 'to.Tumingin naman ako kay Daniel.

"Daniel,I like you"sabi ko sa kaniya. Ng walang gana. Ano naman ngayon kung sabihin ko 'yun. It's no big deal anyway.

0___0 <-----yan lang naman ang naging reaction niya. Well as expected,whatever.

"Oh ano? tapos ko nang sabihin pwede mo na bang ibigay sa akin ang door?"tanong ko kay Fyro.

"Not so fast young lady,bored ang pagkasabi mo nun.Walang feeling and most of all peke,halata!"sabi niya sabay pitik ng noo ko.

"Who the hell are you!?"sigaw naman ni Daniel nung pinitik ako ni Fyro.

"Who am I? Ako lang naman ang diyos ng apoy na tinutulongan ka sa lovelife mo.  Akala mo ba di ko alam na gusto mo 'tong alaga ko?Huwag kang mag-alala kasi ako na ang bahala"sabi niya kay Daniel saka sumulyap sa akin.Bwesit naman talaga ang siraulong 'yun.Well I don't want to waste time.

Nilapitan ko naman si Daniel at saka hinila ang kwelyo niya at hinalikan siya.Yap,sa labi at saka sinabi sa kaniya:

"I love you,gusto kita....whatever"sabi ko na pabulong na sa huling linya.

Nagulat naman silang dalawa.
Mayamaya ay biglang lumabas sa likod ni Fyro ang pulang pinto.Inilabas ko ang dala kong pulang susi at binuksan ang pinto. Lumiwanag ang aming mga gems at naglaho ito, bumalik naman ang birthmark ko. Napakunot noo ako dahil dun pero alam kong may paliwanag ito pagmakalabas na kami dito.Hinila ko naman si Daniel at pumasok na doon sa pinto.








Arianna's POV

Pagkapasok namin dito ay tumambad sa akin ang nakapalibot na tubig sa paligid.
At natakot pa nga ako kasi nakatayo ako sa itaas ng tubig in the middle of nowhere.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now