Chapter 58:Vission and Cursed Child

721 21 0
                                    

Erina's POV

Nandito kami ngayon kaharap nina Mom and Dad, kinakabahan ako sa tingin ko ganun din ang mga kapatid ko pero letse naman oh hinawakan pa talaga ni Akihito ang kamay na nanginginig ni Ariana,pucha ang sweet nila,tsk.

"Langgam..."sabi ko saka tumingin sa kamay nila Arianna at Akihito,agad naman nila itong hiniwalay.

Mayamaya ay bigla na namang bumalot ang katahimikan.Ramdam ang tensiyon sa buong kwarto,hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin para mawala ito,alam ko na!

"Alam niyo guy---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Flame.

"Shut the f*ck up Erina,I know that what you want to say is something nonsense"
seryosong sabi ni Flame kaya nanahimik na ako.Pano ba niya nasabi yun eh hindi pa nga ako nakakapagsalita eh...

"Girls,listen up.....alam ko na kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Kagabi ay nagkaroon ako ng pangitain,isang madugong digmaan ang magaganap" sabi ni Mommy.

Agad na nanlamig ang mga kamay ko saka napabaling sa aking mga kapatid.
Bigla namang hinawakan ni Minho ang kamay ko kaya kahit papaano ay napakalma ako.

"Another thing....ang mga umapon sa inyo, kumusta na ba sila?"tanong ni Daddy ng seryoso.

Agad na nagbalik sa akin ang mga nangyari bago kami makarating sa mundong ito.At dahan-dahang nagsilaglagan ang mga luha ko.

"W-Wala na po sila"naiiyak na sabi ko.

Mayamaya ay napaiyak na ako ng tuluyan at naramdaman ang yakap ni Minho mula sa gilid ko. Kaya naman ay umiyak na lang ako ng umiyak sa dibdib ni Minho. Hinimas-himas naman niya ang likod ko.

"Tahan na"malumanay niyang sabi.

Patuloy naman ako sa paghikbi at pag-iyak. Nagpatuloy naman sila sa kanilang diskusyon,ignoring me...






















Andrei's POV

Naagaw ang aming atensiyon lahat ng umiyak si Erina,pati ang mga magulang niya ay natigilan.Nakita ko naman ang mga mata ng tatlo na nag-aalalang nakatingin sa kanilang kapatid at mayamaya ay napatungo.

"Wala na sila"bulong ni Airah saka ikinuyom ang kaniyang kamao at naglaglagan ang luha sa kamao niyang nakakakuyom.

"Listen up,I'm really sorry sa nangyari sa mga foster parents niyo,but you must listen and know this"sabi ni King Nicholas.

Tumigil naman sa pag-iyak ang apat na mga prinsesa saka seryosong tumingin sa ama nila.

"They have a daughter,do you know that?" patanong na salaysay ni Queen Ashiya.

"D-Daughter?"kunot noong tanong ni Airah.

Nagkatinginan naman kaming apat.
OP kami,wala kaming alam sa mga pinag-uusapan nila kaya mas mabuti siguro kung aalis na kami.

"Excuse po,pero wala po kaming maintindihan sa mga pinag-uusapan niyo kaya sibat na po muna kami" magalang kong sabi sa kanila.

"No,you all stay here,this is important,hindi lang ito may kinalaman sa mga foster parents nila pero sa digmaan din kaya mahalaga na malaman niyo din ito"
seryosong sabi ng Reyna kaya naman ay bumalik kami ng upo.

"Ang kanilang anak ay nagngangalang Mayuri Celestine,siya ay isinilang na may sumpang taglay. Isinilang siya na wala sa pagkakaalam ng lahat ng tao,kahit ang magulang niya. Paano?nung time na isilang siya ay nawala agad ang alaala ng mga magulang niya tungkol doon at walang to na ang nakaalala sa kaniya.Lumaki siya ng napakabilis at hindi tumatanda,  walang nakakaalam at nakakakita sa kaniya." pabitin na salaysay ni Queen Ashiya.

Nagkatinginan naman kami ni Airah.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Queen Ashiya.

"Mom ano naman po kung walang nakakakita sa kaniya,eh di wala siyang silbi!"bugnot na sabi ni Flame.

"No,Flame. Ang curse sa kaniya ay unti-unti nang humihina. At sa ngayon ay nakikita na siya ng mga tao but she remained unknown, binura ang existence niya sa alaala ng mga tao at kinalimutan na siya ng panahon. Pero dahil sa kapangyarihan ni Ashiya ay nalaman  namin ang kahat ng ito. At ngayon maaari siyang maging prone ng kaguluhan" nababahalang sambit ni King Nicholas.

"How will she be the prone of that?" tanong ni Airah.

"Simple,because in the people's mind she doesn't exist. But she keep on insisting her existence. Pilit siyang tumutulong sa side natin,pero hindi ko mawari kung kakampi natin siya o hindi. Humina lang naman ang curse sa kaniya dahil daw sa kwentas ng apat na elemento. At darating ang panahon na makakalaya siya gamit ito."sabi naman ni Queen Ashiya.

"At ngayon naman ay nakikita ko na nais niyang tumulong,hinahanap niya ang mga magulang niya. Pero sad to say na wala na pala sila. Nais ko pa naman siyang kausapin gamit sila para hingin siya sa panig natin. Malakas ang kapangyarihan niyang taglay, kaya niyang patigilin ang oras kaya malaki iyong advantage"-Queen Ashiya.

"Kung ganun kailangan nga natin siya.
Pano natin sisimulan ang paghahanap?" tanong naman ni Erina.

"One thing....kayong apat lang ang maaaring makagamit ng kapangyarihan nito kaya naman kailangan niya kayo.
Maaaring ang mga prinsipe o ang mga prinsesa. Siya nga pala, nasa inyo ba ang mga kwentas na 'yun?" nakangiting tanong ni Queen Ashiya habang nakatingin sa gawi namin.

Napasulyap naman ako sa mga kasamahan ko at mga prinsesa. Isa lang ang sinasabi ng mga mata nila,anak ng....eh di yun ang masusunod.

"W-Wala po"sabi ko saka ipinasok sa loob mg kwelyo ko ang pendant ng kwentas.

"Sigurado ka ba? I kinda notice something hanging on your neck"seryosong saad ni King Nicholas.

Kung magkataon pa talaga ay mamatay pa ako dito ng ganun pa kadali,pano naman kaya yun wala nang magmamana sa kagwapohan ko. Syet!

"Okay then,girls see you. Boys bantayan niyo sila. They're already here" nakangiti ng nakakaloko si Tita doon sa sinabi niya kaya naman ay kinilabutan ako. Bakit ba kasi?





























Queen Akera's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kulungan. Ang saya ko at may pumalit agad sa aking kulungan simula nung makatakas ang magagaling kong mga kapatid at aking mga pamangkin.

"Pakawalan niyo ako dito!"sigaw niya.

"Akila isa kang half-blood. Half elemental at half vampire. Hindi mo ba alam yun?" tanong ko sa kaniya habang hawak sa kamay ko ang latigo na ipinapalo sa kaniya dito.

"Alam ko na ang tungkol doon.Kaya naman ay hindi na sa akin kailangan pa itong ipamukha!" madidiin niyang turan matapos akong duraan sa mukha.

Dahil sa kawalan ng respeto niya ay sinampal ko siya ng malakas gamit ang likod ng kamay ko saka nilisan ang kwarto.

"Walang silbi"inis kong sabi saka ibinigay sa mga bantay doon sa selda saka sila sinenyasan na gawin na ang pagpapahirap.

"Augh!Ahhhh!!!"

Umalingaw-ngaw sa buong pasilyo ang sigaw niya ng sakit. Iisa-isahin ko ang mga pamilya mo Ashiya hindi kita hahayaang sumaya kahit kailan.

"Mahal na reyna,may balita po. Hindi na po namin mahagilap ang ating kakampi na si Celestine anong gagawin po?"tanong nito.

"Hindi pala mahagilap... HANAPIN NIYO!?
ANG BOBOBO NIYONG LAHAT!?
IPAPATAY KO KAYO EH,LAYAS?!?!"bulyaw ko sa kanila.

Umupo na lang ako sa trono ko saka minasahe ang mga sentido ko at saka nagpahinga muna.

Humanda kayo sa aking paghihiganti Elemental Prince and Princesses. Dadating ang panahon at magiging alipin ko rin kayo...
























~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now