Chapter 51:The King and Queen

980 23 0
                                    

Minho's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ng Reyna Ashiya at Haring Nicholas. Tama ang mga nakasama namin doon sa kaharian ng dark queen ay walang iba kundi ang mga magulang ng aking prinsesa.

"Pano po nangyari yun? Pano nangyari lahat ng 'yun naguguluhan ako?"
naguguluhang tanong ni Airah.

Naiintindihan ko sila,pano ba naman kasi.  Sa tinagal-tagal ng panahon na nagkahiwalay sila ay magkikita sila ng ganito kabiglaan.

"Sibat na muna kami ah"
paalam ni Akihito.

"Bye"paalam naman ni Arianna.

Lumabas kami para bigyan ng kaunting panahon ang mga prinsesa namin
na makausap ang kanilang mga magulang. Kailangan nila ng privacy and time to talk to each other. Mahaba-habang kwentuhan 'to.

"Masaya ako para sa kanila akalain niyo 'yun nandito na ang mga magulang nila. Maaari nating hingin ang kanilang kamay ng pormal lalo na sa kasalan" maangas na turan ni Andrei.

"Ang taong 'to talaga, 'yan agad ang inaatupag. Kaya naman ayaw sayo ng tao eh, masyado kang antipatiko at mayabang. Bawas-bawasan mo 'yan kasi nakakabawas pogi points 'yan" payo ko sa kaniya.

Nagkatinginan kaming lahat sa tahimik na si Daniel habang nakayuko na para bang malalim ang iniisip.

"Mukhang malulunod na kami ah"
sabi ni Aikihito habang nakatingin kay Daniel.

"Tss,tigilan niyo nga ako"
malamig niyang sabi sabay tayo.

"Ops!umiiwas,may something diyan!"
sabi naman ni Andrei.

"Huwag ka kasing umiwas,kumusta na kayo ni Flame?" pagpapatuloy ni Andrei saka inakbayan si Daniel na umasik lang sa kaniyang ginawa.

Alam niyo kasi si Andrei ang pinakamausisa dito. At ang ingay niya talaga,
kaya minsan siyang nakakabagot kausap.

Nanatili namang tahimik si Daniel. Habang nakatingin sa kwarto ng mga magulang ng mga prinsesa. Tama, andito lang kami ngayon sa terrace na nasa gilid ng kwarto ng reyna't hari.

"Hoy ano na!"tanong namin sa kaniya.

"Ayaw mo talagang magkwento ano?
Sige na, ano na ba ang feeling mo kay Flame? Hayst alam mo....never mind.... anyhow,ano nga ba ang nangyari sa Elemental Forest?" tanong ko sa kaniya.

Ako na lang ang mag-iingay tutal binabalot  na naman ng dakilang katahimikan ang mga 'to... baka mamaya may something na.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin at pakiramdam ko,may nakita ako.

"Tama ba ang nakikita ko?"
tanong ko sa sarili ko.

"Namumula ka nga ba,Daniel?"
usisa naman ni Akihito.  So hindi nga lang ako ang nakakita nun?

"Oo nga namumula ka!hahaha,pano nangyare yun?May nangyari bang wala kaming alam doon sa E.F ha?" tanong ulit ni Andrei habang taas-baba ang kilay niya.

"Tsss,it's none of your business"tugon niya sa pangungusisa namin. Napatawa naman kaming lahat sa nakikita naming ngayon.

"Alam mo kasi Daniel,kung wala kang babanggitin sa amin hindi ka namin matutulungan kay Flame.Expert kaya ang nasa harap mo"pagmamalaki naman ni Andrei.

"Sh-She kissed me"nauutal niyang sabi habang nakatingin sa kawalan, namumula siya at hindi ko mapigilang hindi mapatawa kaso nga lang pinangunahan ng gulat ang tawa ko.

"Ano?!?!"sabay na sigaw naming lahat.

"Nauna ka pa!pano yun....ano naman ang ginawa mo?"tanong ko sa kaniya.

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon