Epilogue

1.3K 27 3
                                    

Airah's POV

Matapos magdaan ang mga araw at buwan. Tinangay na ng paglipas ng mga panahon ang mga masasamang pangyayare na naganap dito sa elementasya.

Gaya ng napagkasunduan,ngayon ay malayang namumuhay ang iba't ibang nilalang or should I say mga tribo dito sa elementasya ng matiwasay. Walang takot kundi kasiyahan,at pagtanggap sa isa't isa...

"Ma?!hindi po yun ganun!"reklamo ni Mayuri habang pinapakilala kayna Mommy Lena at Daddy Jonas si Akila bilang fiancé niya.

Sa paglipas ng panahon ay nagkatuluyan sina Mayuri at Akila.At para kayna Aya,Erika at Aika. Nakakilala din sila ng mga elementals na nagpatibok ng kanilang mga puso.

"Okay,okay...defensive much,hahaha.
Okay then,young man welcome to our family"pagwelcome nila kay Akila.

Anyway,nadalaw na namin ang mga kaharian ng apat na mga kumag na 'to.At aaminin kong maganda ang kaharian nitong si Andrei,di lang halata.

Nandito kami ngayon sa Rosetania kung saan ay sina Tita Armina na at Tito Troy ang namamahala. Remember Headmaster Troy?unexpectedly nagkatulyan sila ni Tita,pano nangyare yun?hehe

"Airah,gusto mo magpakasal na tayo bukas?" nangilabot ang buong katawan ko sa aking narinig, abuso ang isang to ah...

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo!"
asar na sagot ko sa kaniya.

Hindi ko pa napag-isipan ang tungkol doon. Sina Erina at Minho ay naikasal na nitong nakaraang buwan pa,at kasalukuyan silang nakatira sa Kaharian ni Minho ngayon.

Sina Arianna at Akihito naman ay pinagplaplanuhan na ang kanilang kasal ngayong susunod na linggo. Kami ni Flame ay parehong wala pa ring plano.

Hay...hindi ko inaasahan na ganito kami magkakahiwa-hiwalay...ang lungkot pala.

"Bakit,proud naman ako sa magiging asawa ko no,at hindi ko kailan man ikakahiya ang asawa ko,kaya magpakasal na tay--aray!"ang haba pa ng sasabihin niya at hindi na lang sabihin ng diretso ang nais niyang ipahayag. Kaya naman binatukan ko na.

"Grabe ang sadista mo naman"
mas lalo pa akong nainis sa sinabi niya.

💢Nakakainis talaga siya.
Palagi niya aking naasar,
kaya....kaya...mahal na mahal ko siya eh.

"Manahimik ka"sambit ko saka siya hinila at hinalikan sa labi. Tsss,yun ang ginagawa ko para manahimik siya.

Agad siyang natulala,kaya naman tumayo na 'ko,at nagsimula nang maglakad.

"Makinig ka,magpapakasal ako sayo, pagmagpakasal na si Flame kay Daniel!" sigaw ko nang makalayo na ako.

Saka na ko nagpatuloy sa paglalakad ko patungo sa kwarto ko.











Flames's POV

Nandito kami ngayon sa labas,at nakaupo sa isang bench dito sa Garden. Nakakapanibago man ang lahat pero ngayon everything turns out great!

"Flame,will you marry me?"

Bigla akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero nagtatalo ang puso't isip ko. Gusto ng puso ko na ang isagot ay 'oo' samantalang kabaliktaran naman sa aking isipan.

Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa niya. Sa katunayan,hindi ko alam....

"It's okay,anyway....next week will be Arianna and Akihito's Wedding,and I would like that next month will be ours,if you would like to"sabi niya habang nakangiting nakaharap sakin.

Hindi lang ang aming mundo ang nagbago kundi pati kaming mga naninirahan dito. Akala ko noong una,kalungkutan lang ang aming makukuha matapos ang digmaan pero lahat kami natuto sa aming mga napagdaanan.

"Yes"

Hindi ko alam pero yun na lang ang aking nasambit.Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha kaya naman nginitian ko na lang siya.

"T-Totoo?"di makapaniwala niyang sabi.

Minsan pala marunong ding magtagalog ang isang 'to,hay....

"Ayaw mo?"pagbawi ko.

"H-Hindi...I mean gusto ko"sambit niya saka ako yinakap.

Ito na nga siguro ang ninanais mong mangyari Mom, salamat kay Airah naisakatuparan ang lahat ng nararapat.























Arianna's POV

"Ayoko niyan!yun ang gusto ko. Mas maganda si Arianna,my loves dun"
reklamo ni Akihito.

Sa totoo lang,siya na nga lang ang gumagawa ng lahat ng paplaplano eh. Siya na lahat ang nagdedesisyun,wala na akong kontribusyon. Pero hinahayaan
ko na lang siya. Ang cute niya eh.

"Sundin niyo na lang po siya Miss"
sambit ko. Tinanguan naman ako nung babaeng nagdedesign ng gown ko.

Nandito kami ngayon sa Kaharian ni Akihito. Dito kami nagplaplano para sa aking kasal at gaganapin din ito dito.

"Hay,naku...mamaya niyo na yan tapusin mga anak kain muna kayo at magmeriyenda" sabi ni Reyna Ren,ang ina ni Akihito.

"Naku,Ma mamaya na lang po"pagtanggi ni Akhito. Nakita ko namang lumungkot si Tita Ren,ano ba tong si Akihito!

"Naku,tita salamat po. Aki halika dito kain muna tayo,nag-abala si Tita para dito kaya halika at kumain muna tayo" sabi ko saka hinila si Akihito.

Mayamaya ay kumain kami ni Akihito at masaya kaming nagkwentuhan.Di nagtagal matapos ang aming meriyenda ay nagpatuloy na kami sa paghahanda at godspeed. After an hours I guess,natapos namin ang lahat!














Erina's POV

"Minho!?ikuha mo ako ng cupcake 20pieces at bilisan mo!" sigaw ko habang nakaupo ako dito sa gilid ng kama ko. Nakakainis, bigla na lang akong nagutom sa di ko malamang kadahilanan at ang sakit pa ng ulo ko.

"O-Oo aking Reyna!"sagot niya.

It's been 5 months since yung kasal namin. At ngayon inis na inis ako sa kaniya,bakit nga ba?Ewan ko!

Kinuha ko naman ang nakalagay na invitation card para sa kasal nina Arianna. Sana naman kayna Flame at Airah na ang susunod, excited na ako!ewan ko ba kung bakit?hmmm...

"Ito na cake mo mahal"nakangiting saad ni Minho sabay lapag ng isang tray ng cupcake. Ngiti-ngiti niya?para siyang aso ah...

"Tumigil ka sa kakangiti,nabwebwesit ako sayo!"sambit ko sabay tulak sa kaniya palayo sakin.Ewan ko ba kung bakit ako inis na inis sa kaniya.Ngayon lang to ah..

"Teka...ano ba ang nagawa ko ha?at galit ka sakin,simula nung isang linggo pa yan ah..ano ba ang nagawa ko?" pagsusumamo niya. Ano nga ba ang nagawa niya?

"E-ewan ko...... nakakinis ka talaga!labas?! LABAS?!" bulyaw ko matapos siya tingnan mula ulo hanggang paa,saka ginamit ang kapangyarihan ko para ilabas siya sa kwarto ko.

Nabwebwesit talaga ako sa pagmumukha niya.

Mayamaya ay bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko at napasuka ako sa loob ng CR.Ano ba ang sakit ko?Halah,hindi to maganda,baka mamamatay na ko... jusme naman wala pa nga akong anak walang magmamana sa kagandahan ko kung ganun ToT)


















~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now