Chapter 60:Revenge

678 25 2
                                    

Queen Akera's POV

Nandito ako ngayon sa aming garden na tanaw na tanaw ang kaharian ng apat na elemento.Simula pa man noon ay hindi ko na ito gusto dahil sa mga naging pinuno nito.




Flashback....


Nandito kami ngayon nina Mommy at Daddy sa Del Galle,ang lugar kung saan nagtitipin-tipon ang mga pinuno ng limang kaharian.

"Armina,sa tingin mo ano kaya ang gagawin nila?" tanong ni Ashiya.

"Syempre sa kung ano man ang magiging usapan nila sa araw na ito" nakangiting sambit ni Armina.

Ugok talaga ang isang ito.
Common sense naman lang ang kailangan eh, pag magkaroon ng isang pagtitipon syempre pag-uusapan nila ang kung ano pa mang gusto nilang pag-usapan.

"Tsss stupid.We are all here dahil daw ipapakilala nila tayo sa walong royalty ng apat na kaharian ng apat na elemento" seryoso kong sabi.

"Ah ganun pala yun. Salamat Ate Akera" nakangiting pasalamat ni Ashiya. After that I just glare at Armina. Kaya naman ay nag-iwas siya ng tingin.

Di nagtagal ang aming paghihintay ay dumating na ang walong royalty ng apat na kaharian. Magaganda at mga gwapo pala ang mga magiging reyna't hari...

"Pasensya na at nahuli kami ng dating. Sila pala yung mga anak mo? Well ang masasabi ko lang ay magaganda silang mga bata"sabi ni King Harold,fire king.

Nalaman ko ang mga names nila through reading books and other informative materials. Of course bilang panganay inaasahan ko na ako ang susunod na magiging reyna ng aming kaharian kaya kailangan kong maging matalino sa lahat ng bagay.

"Maraming salamat po"nakangiting sambit naman ni Ashiya.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now