Chapter 48:What Have Happened

864 23 0
                                    

Airah's POV

Napaisip na lang ako sa tinanong ni Erika. Dumapo ang tingin ko sa mga kasamahan ko. Tahimik ang buong paligid at banayad ang simoy ng hangin.

"Ano.....nga ba ang nangyare? "
halos pabulong kong tanong.

"Wala rin akong maalala, dahil naramdaman ko na lang ang antok pagkapasok ko sa gubat"mahinahong paliwanag ni Erina.

"Si Daniel ang nasaniban sa amin ni Fyro"singit naman ni Flame.

"Ako din"sabi naman ni Arianna.

Ibig sabihin sinapian ng mga gods at goddesses ng aming mga elemento ang katawan namin?

Bigla na lang akong napasulyap sa gawi ng aking paa at napataas ang tingin ko papuntang legs ko ng may mapansin ako.

"Ang birthmark ko"mahinang sabi ko.

Lahat naman sila ay nagulat at napatingin din sa kanilang mga birthmarks at lahat sila nabigla maliban kayna Flame, Arianna, Minho at Andrei.

"Alam na namin ito, hindi na daw nila ipapaliwanag ang mga nangyari tungkol sa ating mga birthmarks sapagkat hahayaan daw nila na ang mga elemental pets ang magpaliwanang" salaysay ni Arianna.

Napatango na lang ako at napasulyap kay Andrei na napapansin kong nakatitig sa akin kanina pa kaya naman ay lumapit ako sa kaniya.

"May hindi ka na sinasabi sa akin? "
tanong ko sa kaniya sa boses na pawang nagdududa. Napansin ko naman na parang nagpapawis siya.

"Hoy! Tinatanong kita diba? " dagdag ko pa kasi nakakabanas na ang mga reaksiyon niya.

Sa kabila nun ay hindi pa rin niya ako pinapansin.Kaya naman ay nagsummon na ako ng air tornado na dahilan para lumakas ang hangin dito sa aming kinatatayuan.

"Ang air goddess Ayna, pagkapasok ko doon,ay nasa loob siya ng katawan mo.
At binigyan niya ako ng pagsubok na nalampasan ko naman."sabi niya habang direktang nakatingin sa aking mga mata.

"Ganun din kami"singit naman ni Arianna at Flame, pati na rin ni Minho .

"Kung gayun..... "wala na akong maisip.

"Nandito pa kami"paalala naman ni Aya.

Napangiti naman kami at lumapit sa kanila. Nag-usap-usap naman kami tungkol sa mga bagay na nangyare.

"Hindi ako makapaniwala"galit na sambit ni Arianna ng malaman niya ang sinapit ni Aika. Maluha-luhang kinuyom niya ang kaniyang kamao.

"Magbabayad siya"sambit naman ni Erina habang lumuluha.

Kung ganun nagawa nga lang nila yun dahil sa kanilang pamilya. Agad lang kaming nagalit ng hindi pinapakinggan ang kanilang panig.

"Pangako, tutulungan namin kayo na mapatakas ang pamilya niyo at ang ibang bihag na sinasabi niyo." Sabi ni Erina ng may assurance sa mga katagang binitawan niya.

"May nawawala" biglang usal ni Flame out of the blue.

Bigla kaming napatingin kay Flame na nagsalita. Napakunot naman ang aking noo, kanina ko pa din napapansin, parang may nawawala.

"Si Akila! "
napatingin kami kay Arianna.

"Hayaan mo 'yun, para akin ka lang"sabi ni Akihito kay Arianna pero sinamaan lang siya nito ng tingin at iniwan. Napakamot na lang ito ng ulo saka sumunod kay Arianna.

"Imposible naman kung hindi siya nakapasok sa elemental forest, tama? "
mas lalong kumunot pa ang aking noo sa aking narinig.

"Ano ang ibig mong sabihin"
sambit naman ni Flame.

O__O!⬅ito pa ang mukha ni Erika.

"Ang mga elementals ay nahahati sa dalawang uri, ang  Daiko the halfbloods na kalahating tao at kalahating elementals ang dugo sila ay hindi maaaring makapasok doon, sapagkat tanging pure bloods lang ang maaari. Ang Elkayas ito naman ang mga puro bloods, tayo, kaya nakakapasok tayo dito"paliwanang ni Aya.

"Panong hindi natin iyon nalaman?"
tanong ni Erina.

"Pano niyo malalaman eh, hindi na kayo halos makapasok sa school dahil sa mga nangyare"sambit naman ni Minho sa tenga ni Erina. Napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Erina.

Ang isang ito talaga.
Tsk! Kailangan kong malaman ang lahat-lahat ng nararapat. What the hell just happened....

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now